CHAPTER 33

1.6K 38 0
                                    

HERAH POV

PATUNGO ako ngayon sa may bulwagan dahil tiyak na naroroon na si Eero. Ngayon ang unang araw ng aking pagsasanay at hawak ko ngayon ang espada na aking gagamitin. Naabutan ko siyang nakaupo sa isang tabi at nung napansin niya ako ay lumapit siya sa akin.

"Mukhang nag-ayos muna ng husto ang aking Emperatris bago pumarito"nakangiting turan niya habang pinagmamasdan ang aking mukha. Totoo namang nag-ayos ako bago pumarito para naman maging maayos akong tingnan.

"Tama ka, nag-ayos nga ako upang maging presentable akong tingnan"sagot ko. Ngumiti siya bago muling nagsalita.

"Para maging presentable o para lalo kang gumanda sa aking paningin?"ang nakangiting turan niya.

"Mas mainam pa siguro kung umpisahan mo na ang patuturo sa akin kamahalan"tugon ko.

"Kung iyan ang iyong nais"ang nakangiting sagot niya at mag-uumpisa na kami.

"Sa espada mo ibaling ang iyong paningin mahal na Emperatris, huwag sa akin"nakangiting turan niya nung napansin niyang sa kanya ako nakatingin. Hindi lamang gwapo ang ama ng aking anak. Mahusay din siya sa paghawak ng sandata.

"Alam mo may naalala akong babae. Kaarawan niya noon nung sumali ako sa patimpalak. Napanood niya ako at nakita niya na napakahusay kong humawak ng sandata. Siya ang babaing nagpapatibok ng aking puso ng mga oras na iyon at-"hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin niya nang nagdilim ang aking paningin.

"WALANG HIYA KA EERO!! TALAGANG SA AKIN MO PA IKINUKWETO IYAN!!"sigaw ko at muli siyang sinunggaban. Dahil sa galit ay nagawa ko siyang talunin. Oo tumalsik ang sandata niya.

"M-mahal a-anong g-gagawin mo?"tanong niya nung tutukan ko siya ng sandata.

"Talagang nagtanong ka pa? Nagkukwento ka tungkol sa ibang babae tapos-"hindi na natapos pa ang sasabihin ko nang bigla niyang mabilis na nadampot ang espada niya at nilabanan ako at natalo niya ako sa pagkakataong ito. Hinila niya ako palapit sa kanya.

"Nalimutan mo na ba nung kaarawan mo na napahanga kita?"nakangising tanong niya dahilan para maalala ko ang ika-labing apat na kaarawan ko.

FLASHBACK

MATAPOS nila akong maayusan ay lumabas ako sa aking silid. Kaarawan ko ngayon. Pagkalabas ko ay nasalubong ko ang aking ina at pinagmasdan niya ako.

"Napakaganda talaga ng aking anak"nakangiting turan niya sa akin.

"Oo nga po dahil nagmana siya sa inyo mahal na Dukesa"ang nakangiti namang turan ni Lily.

"Maraming salamat. At Ina, salamat din sa inyo ni ama dahil sa pinaghandaan ninyo talaga ang aking kaarawan!"ang nakangiting turan ni Ina. Lumapit sa amin si Kuya at nagsalita:

"Herah, Ina, naririto na po ang Emperador at Emperatris ng Lanta kasama si Prinsipe Eero"Ani ni Kuya.

Anak siya ni ama sa pagkabinata ngunit tinanggap siya ni ina at itinuring na parang tunay na anak.

"Dinig mo ba iyon? Kasama daw nila ang Prinsipe ng Lanta. Magkakakilala na kayong dalawa"nakangiting turan ni Lily. Ewan ko ba kung bakit sa tuwing nagkakausap kami ng isang ito ay lagi niyang sinasabi na baka bagay kami dahil may edad lang ng kaunti ang Prinsipe sa akin at napakagwapo daw non diumano.

"Tayo na anak?"ang paanyaya ni ina kaya lumabas na kami at nilapitan namin ang imperial family upang makipagkamay at magpasalamat sa pagpapaunlak nila sa aming imbitasyon.

"Lubos po kaming nagpapasalamat sa pagpapaunlak sa aming imbitasyon mga kamahalan"ang nakangiting turan ni Ina na ikinatango naman ng Emperador at Emperatris.

"Maligayang kaarawan Herah"ang nakangiting pagbati nila kaya sinuklian ko din ito ng ngiti.

"Maraming salamat po mahal na Emperador at Mahal na Emperatris! Ikinagagalak ko kayong makilala"Ang nakangiting turan ko at inilahad ang aking kamay at nakipagdaupang palad naman sila sa akin. Naagaw ang aking pansin ng Isang lalaking katabi nila dahil napansin kong kanina pa siya nakatingin sa akin.

"Eero!"ang pagtawag ng hari sa kanya dahilan para mabalik siya sa huwisyo.

"Ahh m-maligayang kaarawan Herah! Ikinagagalak ko ang makilala ka!"aniya at nakipagkamay sa akin.

"Tunay nga ang sinabi ni Lazaro. Napakaganda mo!"tila ba wala sa sariling turan niya habang nakatingin sa akin. Pangahas din pala ang Isang ito.

"Pagpasensyahan mo na ang aming Prinsipe Herah!"ang nahihiyang turan ng Ina niyang reyna.

"Ayos lang po iyon!"ang sagot ko.

"Kung gayon ay halina at mag-uumpisa na ang kasiyahan!"Ani ni Ina kaya naupo na kami. Katabi ko ngayon ang Prinsipe na napapansin kong madalas na tumitingin sa akin. Naiilang ako ngunit hindi ko ipinahahalata.

"Ngayon naman ay mag-uumpisa na ang patimpalak sa pakikipagdwelo! Sa mga nais maging kalahok ay mangyaring magpatala sa unahan!"Ani ng nagsaayos ng kasiyahan kung kaya nagtungo sa unahan ang mga nais sumali. Sampu sila kabilang ang Prinsipe. Nagulat kami maging ang mga magulang niya dahil hindi namin ito inaasahan.

Sampu sila kaya limang laban ang naganap at habang nakikipaglaban, ay napapansin ko ang manaka-nakang pagsulyap sa akin ng Prinsipe. At ako naman, aminado ako na napapahanga niya ako sa kanyang galing sa paghawak ng sandata. Hanggang sa dumating na ang huling laban at nag-umpisa na sila at dito nasubok ng husto ang kanyang galing dahil inabot ng halos limang minuto ang laban bago ito natapos at siya ang nagwagi. Nabigla ang lahat nang bigla siyang sumigaw.

"ANG LABANG ITO AY INIAALAY KO SA ISANG NAPAKAGANDANG BINIBINI NA NAGDIRIWANG NG KANYANG KAARAWAN NGAYON!"ang sigaw niya habang nakatingin sa akin.

Nakakatuwa, ewan ko ba pero tila ba pagkasaya ko nang sabihin niya iyon ngunit hindi ako nagpahalata. Matapos ang araw na iyon, ay madalas na akong makatanggap ng liham mula sa kanya.

END OF FLASHBACK

"Naaalala mo na ba?"ang nakangiting tanong niya.

"Oo. Alam mo wala ka paring ipinagbabago! Mahusay ka parin!"Ani ko.

"Hindi lamang ang husay ko sa paghawak ng sandata ang walang pagbabago kundi pati narin ang aking kagwapuhan!"ang pagyayabang pa niya dahilan para mapatawa nalang ako.

"Gwapo din po ba ako ama?"biglang tanong ni Akie na hindi namin napansin ay nakalapit na pala.

"Oo anak! Dahil mana ka sa akin"Ang tugon ni Eero sa anak.

"Ngunit may itatanong pa sana ako. Kailan Po natin matatalo ang mga kaaway?"tanong niya pa.

"Darating din ang araw na iyan anak"ang sagot ko.

They All Abandoned Me Where stories live. Discover now