CHAPTER 8

2.8K 74 0
                                    

KLEO POV

NARINIG ko ang lahat! Napakasama talaga niya! H*yop siya. Matapos lumabas ni Mando sa silid ng hari ay nagkubli ako. Umalis siya... Kalaliman ng gabi ay hindi parin ako makatulog kaya lumabas ako sa silid ng mga alipin ngunit may narinig akong mumunting mga ingay kaya sinundan ko ang ingay. May nakita akong tatlong lalaki at yung Isa ay may buhat na Bata. Si Akie!! Nskagapos siya at may busal habang buhat ng lalaki! Nais kong sumigaw ngunit alam kong mapapahamak ako Oras na makialam ako ng harapan. Ngunit hindi ko siya mapabayaan kaya palihm ko silang sinundan Hanggang sa nakarating ako sa gubat kung saan nila dinala Ang bata.

Ibinaba ng isa sa kanila ang bata at akmang sasaks*kin na siya ni Mando nang magkaroon ako ng lakas ng loob na sunggaban siya. Mabuti na lamang at Dala ko Ang aking espada. Kaagad ko siyang nasaks*k sa likod at bumul*gta siya nanglaban din Ang iba pa ngunit naitumba ko din silang lahat. Kaagad kong kinalagan Ang Tali ng Bata maging Ang busal niya sa bibig

"Ina! Ina,!"umiiyak na usal niya.

Nagpatuloy siya sa pag-iyak at nangangatal siya.

"Asan ako? Asan Ang aking Ina hik,!"umiiyak na tanong niya sa akin.

"Wala Ang iyong Ina dito. Ako lamang Ang Kasama mo"Ani ko

"Ang sasama nila! Gusto ko nang umuwi at Makita si Ina!"umiiyak pang Sabi niya.

"Ngunit Hindi kita maaaring iuwi sa palasyo!"ani ko.

"IUWI MO AKO ALIPIN!"sigaw niya.

"Hindi kita maaaring iuwi! Gusto kang paslang*n ng hari! Siya ang may utos nito!"Sabi ko

"Si ama? *hik!"

"Oo. Ngunit huwag mo siyang tawaging ama dahil walang ama na kayang  pumasl*ng ng sariling anak!"Ani ko.

"Ngunit gusto kong Makita si Ina! Ina!"umiiyak paring Sabi nito.

Patawarin mo ako Akie pero kailangan kitang ilayo sa palasyo!

ESTAN/EERO POV

NAGISING ako dahil sa malakas na katok mula sa aking silid. Kaya kaagad ko itong binuksan  at Nakita ko si Felipe.

"Bakit mo ginagambala Ang aking pamamahinga?"seryosong tanong ko sa kanya.

"Si Kleo nasa labas! Kasama ang munting Prinsipe na si Akie! Gusto niyang patuluyin Dito Ang Bata! Hinihintay ka nila sa labas!!"Sabi niya na kaagad kong ikinatuwa.

Hindi man kita magantihan sa Ngayon Kuya pero pahihirapan ko Ang anak mo!!!

SOMEONE POV

NAGPANGGAP akong p*tay at sinundan ko si Kleo  magbabayad Siya sa nangyari! Hanggang sa nakita kong tumigil Sila sa harap ng isang Bahay at may nakausap na lalaki  pin*na ko siya habang nag-uusap sila.

ESTAN/EERO POV

BUMABA ako at lumabas.. Nakita ko sila. Umiiyak Ang Bata at nanginginig.

"Ano ang ginagawa ninyo dito?"seryosong tanong ko.

"Si Akie ay itinakas ko mula sa palasyo dahil nanganib ang Buhay niya at kagagawan mismo iyon ng hari. Pakiusap! Kupkupin mo siya!"Sabi ni Kleo na ikinangisi ko.

Mukhang umaayon Ang kapalaran sa akin..

"Kailangan mo siyang pangalagaan dahil siya ay iyong- acckkk"

Bigla siyang natumba may tudla Ang na nakatar*k sa likod niya! Pinana siya!! Kaagad ko rin iyong binunot at muli siyang itinihaya.

"Makinig ka . Si Akie ay ackkk!"daing niya Bago sumuka ng dugo at nawalan ng Buhay.

"Kuya Kleo? Kuya Kleo!"tawag sa kanya ni Akie at niyugyog siya.

"Wala na siya"nanlulumong Turan ko.

"TULUNGAN NINYO AKO!"sigaw ko dahilan para lumabas Ang aking mga kasama at dinala Namin Ang bangk*y sa loob.

Isinama ko si Akie sa magiging silid niya.

"Diyan ka matulog"walang emosyong Turan ko.

Akmang aalis na ako upang asikasuhin Ang katawan ni Kleo pero bigla siyang tumakbo palapit sa akin.

"Huwag mo akong iwan!"maawtoridad ngunit naiiyak niyang Turan.

"May kailangan pa akong Gawin!"seryosong sagot ko ngunit sa halip na tumigil ay Lalo pa niya akong kinulit.

"Pakiusap huwag mo akong iwan! Natatakot ako kay ama! Ayokong mag-isa Dito!"umiiyak na Turan niya at niyakap Ang hita ko.

Napabuntong hininga na lamang ako Bago nagsalita.

"Felipe? Felipe!"tawag ko kaya dali-dali siyang lumapit.

"Ano iyon Estan?"tanong niya.

"Kunin mo ang aking hinihigaan sa aking silid at dalhin mo Dito! Kayo na din Ang mag-asikaso sa katawan ni Kleo!"maawtoridad na utos ko sa kanya.

"Ibig sabihin ba nito matutulog kana sa aking tabi? Hindi mo na ako iiwan?"tanong ni Akie.

"Hindi na"

Kaagad na inilatag ko Ang aking higaan sa loob ng silid at nahiga na ako. Nabigla na lamang ako nang yumakap siya sa akin at inunan ang aking balikat Hanggang sa siya ay nakatulog.

Pinagmasdan ko siya habang natutulog. Sabi ko sa aking sarili na pahihirapan ko siya ngunit bakit ganito? Lumalambot ako sa kanya at Hindi ko siya matiis.

They All Abandoned Me Where stories live. Discover now