CHAPTER 27

1.7K 45 0
                                    

LAZARO POV

NAGISING ako sa isang silid sa palasyo at bigla kong naalala ang mga nangyari kagabi.

"Gising ka na pala hepe. Nakita ka naming tulog sa silid ng Emperador, mukhang naparami kayo ng inom kaya dinala ka Namin Dito"Ani ni Vener.

Kaagad akong bumangon at tumayo. Medyo masakit pa ang aking ulo.

"Siya nga pala ibinilin ng Emperador na sabihin sa akin na paggising mo ay sabihin ko sayo na magtutungo kayo sa ating orihinal na palasyo upang masaksihan ang paggawa doon"aniya.

"Sige pero maaari bang umuwi Muna ako pansamantala? May sasabihin lamang akong importante kay ama"sagot ko.

"Sige tutal mamayang alas diyes pa naman ang punta ninyo Doon"tugon niya.

Kaagad akong lumabas at kinuha ang kabayo. Ilang minuto din bago ako nakauwi. Mabigat Ang aking pakiramdam.

"Magdamag kang hindi umuwi Lazaro"Turan ni ama nang Makita ako

Kaagad kong isinalaysay sa kanya ang buong pangyayari at kita sa Mukha niya Ngayon ang matinding pagkagulat.

"Si Akie ang anak nina Eero at Herah?"nagugulat na tanong niya.

"Oo ama at kailangan nilang malaman ito upang mapangalagaan nila ng husto Ang Bata ngunit paano ko ito masasabi agad gayong kailangan kong bumalik sa palasyo?"Ani ko.

"Huwag mo nang isipin pa iyon anak. Bumalik ka sa palasyo at ako ang magtutungo Doon upang sabihin sa kanila ang tungkol dito"Sabi niya.

"Ngunit kagagaling mo lamang sa karamdaman ama"tugon ko.

"Malakas na ako anak! Kaya ko na Ang aking sarili Ang mahalaga sa Ngayon ay malaman nila ang katotohanan at Isa pa ay nais ko na ding makita ang iyong kapatid. Labis na akong nangungulila sa kanya Lazaro"naluluhang sambit niya.

"Sige ngunit mag-iingat ka ama!"tugon ko at maya-maya pa ay bumalik na ako sa palasyo.

AKIE POV

UMALIS si ama para puntahan si Ina sa kanyang silid ngunit maya-maya pa ay sumunod ako. Sinubukan akong pigilan ng alipin pero nagmatigas ako. Nais kong kamustahin si ina kaya nagtungo ako sa kanyang silid ngunit kararating ko pa lamang at hindi ko pa nabubuksan Ang pinto ay may narinig na ako. Sinisigawan ni Ina si Ama at nag-aaway sila. Nakaramdam ako ng sama ng loob kaya tumakbo ako palayo at nagtungo sa likuran ng palasyo at hindi ko napigilang umiyak. Ayoko nang nag-aaway sila kaya nasasaktan ako.

"Prinsipe Akie, anong ginagawa mo dito? At bakit ka umiiyak?"tanong ng Isang kawal.

"Narinig ko *hik sina ama at Ina *hik nag-aaway sila *hik"umiiyak na tugon ko.

"Ganon talaga Ang mag-asawa Akie kung minsan ay talagang hindi nagkakaintindihan"tugon nito.

"Ngunit ayokong nag-aaway sila"tugon ko pa.

"Ganito nalang, para maibsan Ang lungkot na nararamdaman mo halika at sumama ka sa akin. May ipakikita ako sayo!"Turan niya at inilahad Ang kanyang palad at sumama naman ako.

Dito sa likurang bahagi ng palasyo kami dumaan pero hindi na ako nagtanong pa kung bakit doon kami dumaan. Isinakay niya ako sa kabayo at kami ay naglakbay...

HERAH POV

PARANG dinudurog ang aking pagkatao nang naalala ko ang aking nakaraan..

FLASHBACK

KINALADK*D niya ako papasok sa kanyang silid at itinulak ako ng malakas sa kama. Nakakainom siya.

"Kung inaakala mong magiging masuwerte ka dahil Ikaw Ang bagong Reyna ay nagkakamali ka at Wala na ding magtatanggol Sayo dahil Wala na si ina "nakangising Turan ni Emperador Jacob.

They All Abandoned Me Where stories live. Discover now