CHAPTER 9

2.7K 65 2
                                    

EMPEROR JACOB POV

NAGISING ako dahil sa malakas na katok sa pintuan ng aking silid. At nung buksan ko ito ay tumambad sa akin ang Isang kawal. May sugat ito sa braso ngunit mukhang nagamot na.

"Bakit mo ginagambala ang aking pamamahinga? Ano ang iyong sadya?"seryosong tanong ko.

"Kamahalan! Si Mando at ang dalawa pa sa ating mga kawal ay pumanaw na! Pinasl*ng sila ni Kleo!"Turan ko.

"PAANO ITO NANGYARI??"sigaw ko.

"Kagabi ay isasagawa na Namin Ang inyong ipinag-uutos. Nadala na Namin sa gubat Ang Bata nang biglang nakialam si Kleo at pinasl*ng Ang mga Kasama ko! Ako man ay pinag-tangkaan din niyang pasl*ngin pero nagpanggap akong pat*y matapos masugatan!"aniya.

"KUNG GANON NASAAN SI KLEO AT ANG BATA??"tanong ko.

"N-nagtungo Sila sa Isang Bahay. Nasundan ko Kasi sila. Pin*na ko si Kleo habang may kausap na lalaki. Tiyak na Wala na siya ngayon dahil may lasok ang tudlang tumama sa likod niya!"aniya pa.

"Tanda mo paba kung saan Ang Bahay na tinutukoy mo?"seryosong tanong ko.

"Oo kamahalan. Tandang-tanda ko pa!"sagot nito.

"Kung gayon ay maghanda ka ng mga dalawampung mga kawal na sasama sa atin!"maawtoridad na utos ko kaya umalis din siya agad.

Kung inaakala mong mapoprotektahan mo si Akie, nagkakamali ka Kleo! Kaagad akong kumain, naligo, at nagbihis. Nung labas ko ay nakagayak na ang mga karwahe at umalis na kami.

HERAH POV

NAGISING ako dahil sa liwanag na tumama sa Mukha ko. Kaagad akong naghilamos at lumabas upang magtungo sa silid ni Akie. Pakakainin ko na din siya. Nakailang katok ako sa pinto ng kanyang silid ngunit walang Akie na lumalabas kaya binuksan ko na Ang pinto ngunit Wala siya sa loob kaya kaagad ko siyang hinanap sa loob ng palasyo pero hindi ko siya nakita Hanggang sa nakasalubong ko si Zairah.

"Nakita mo ba si Akie?"tanong ko sa kanya.

Ngumisi muna siya bago nagsalita..

"Hindi mo paba alam? Nawawala si Akie kagabi pa!"Turan niya na ikinagulat ko.

"Iyan ba Ang asal ng tunay na Reyna? Ang walang alam sa nagaganap sa loob ng palasyo?"sagot niya.

"Umalis ang Emperador para hanapin siya!"Saad pa niya.

Kaagad akong tumakbo pabalik sa aking silid ang napaiyak... Nawala na ang aking anak ngunit huwag naman sana si Akie!

"Akie! Nasaan kana?"umiiyak na tanong ko sa kawalan..

Saan man siya ngayon sana ay nasa maayos siyang kalagayan at sana naman mahanap na siya agad dahil baka hindi ko kayanin kung pati siya ay mawawala.

ESTAN/EERO POV

MAAGA akong gumising upang maghanda pabalik sa kaharian ng Goshen. Ang Goshen ay pinamumunuan dati ni Axillom. Ang kumupkop sa akin.. siya ang Emperador Hanggang sa araw ng kanyang kamat*yan. Bago puman*w ay gumawa siya ng kasulatan na Oras na bawian siya ng buhay ay ako ang papalit sa kanya bilang Emperador. Wala na siyang natitirang kamag-anak, ni anak man o Asawa ay wala siya kaya kinoronahan ako bilang Emperador ng Goshen ngunit ito ay isinagawa ng palihim at nagkubli nga lang ako sa pangalang Estan. Wala ni Isa pa man Ang nakakakita sa akin mula nung koronahan ako maliban na lamang sa aking mga Kasama.

"Saan ka patutungo? Maaari ba akong sumama?"tanong ng batang si Akie. Gising na pala siya.

"Oo talagang isasama kita. Halika at tayo'y mag-aalmusal na"sagot ko kaya magkahawwk kamay kami patungong kusina at kumain.

Masarap kausap ang batang si Akie. Magalang siya at malambing at bukod pa diyan ay sadyang napakaamo ng kanyang mukha.

"Saan po tayo pupunta? Sa aking Ina po ba?"tanong niya.

"Hindi Akie"sagot ko dahilan para malungkot siya

"Huwag ka nang malungkot. Ang mahalaga ay matiyak kong ligtas ka. Darating Ang Araw na magkikita din kayo!"Ani ko.

"Tunay nga ba ito? Babalik ka sa Goshen? Bakit? May mga proyekto ba? May kaganapan ba sa ating kaharian?"tanong ni Felipe.

"Wala. Dadalhin mo lamang Doon si Akie"sagot ko.

"Ngunit bakit?"tanong niya.

"Dahil tiyak na hahanapin siya ni Jacob at tiyak na lalong manganganib itong Bata"sagot ko

Dali-daling lumapit si Akie at niyakap ako.

"Pakiusap huwag ninyo akong ibibigay sa kanya! AYOKO!"aniya habang nakayakap sa akin.

"Huwag kang mag-alala Akie dahil gagawin ko Ang lahat mapangalagaan ka lamang"sagot ko.

Matapos kumain ay dali-dali kaming naligo at nagbihis. Matapos makapaggayak ay kaagad kaming naglakbay patungo sa Goshen gamit ang aking kabayo. Tatlong oras kaming naglakbay patungo roon at kaagad naman kaming sinalubong ng mga kawal.

"Maligayang pagbabalik kamahalan"Ang pagbati nila ngunit hindi ko sila pinansin.

Ang mga nagtatrabaho sa palasyo ay bumabati din sa akin.. nakapako Ang paningin nila kay Akie.

"Bihisan ninyo ang bata ng mainam na kasuotan na kagaya ng sa Prinsipe at dalhin siya sa aking silid pagkatapos"utos ko sa kanila.

Dumeretso ako sa aking silid at nagbihis.

EMPEROR JACOB POV

NAKARATING na kami sa Bahay na tinutukoy ng kawal at kami ay kumatok. May nagbukas ng pinto na Isang lalaki.

"Ano Ang sadya ng Emperador ng Lanta?"tanong nito.

"Pasukin at halughugin ang buong Bahay!"utos ko sa mga Kasama kong Imperial knights.

Sinubukan pa nung lalaki na pigilan Sila pero Wala siyang nagawa. Nahalughog nila Ang buong bahay.

"SINASABI ko sa inyo! Wala Dito ang hinahanap ninyo!"madiing turan nito ngunit hindi namin siya pinansin at nagpatuloy kami sa paghahanap ngunit Wala kaming Nakita.

"Kagaya ng aking tinuran. Wala Dito ang hinahanap ninyo! Nagkamali kayo ng pinasok na bahay! Walang Bata Dito!"Turan niya kaya kaagad na din kaming umalis.

Dahil sa Galit ko ay ipinahagup*t ko Ang kawal na nagsama sa akin Doon.

They All Abandoned Me Where stories live. Discover now