CHAPTER 28

1.7K 43 0
                                    

LAZARO POV

NARIRITO ako ngayon sa bagong iponatatayong palasyo kasama ang Emperador. Parang kinakabahan ako at hindi mapakali. Napapaisip ako kung ano na kaya ang nangyayari kina Herah, kung nasabi ba ni Ama ang aking natuklasan.

"May problema ka ba?"biglang tanong ng Emperador.

"Wala kamahalan masakit lang talaga ang aking ulo dahil sa dami ng ating nainom kagabi"tugon ko

"Ako nga din ehh"Sabi niya.

"Ano nga pala ang susunod nating magiging hakbang? Ano ang plano?"tanong ko.

"Matagal na nating hinahanap si Eero ngunit hindi parin siya natatagpuan kaya mayroon akong kutob na hindi siya dito nakatira"Sabi niya.

"Ano ang ibig mong sabihin kamahalan?"tanong ko.

"Maaaring nagtatago siya sa ibang lupain. Ano sa palagay mo?"turan niya.

"Maaaring tunay ang iyong iniisip ngunit saang Lugar naman siya magtatago?"tanong ko.

"Maaaring sa Haran o sa Goshen"seryosong sagot niya.

"Ano ang ating susunod na gagawin kung ganon?"tanong ko pa.

"Basta, bibigyan ko kayo ng Isang linggo upang maghanap sa buong Lanta. Kung hindi ninyo siya matatagpuan sa loob ng Isang linggo ay palihim ninyong papasukin ang lupain ng Goshen at kung Wala parin siya doon ay sa Haran kayo maghanap! Hindi ako titigil hanggat hindi ko siya napupuksa"aniya.

Titiyakin kong IKAW ANG MAPAPAT*Y NIYA.

HERAH POV

HINDI parin talaga ako makapaniwala na kapiling ko na ang aking anak.

"Hindi ka ba niya nasaktan anak?"tanong ko.

"Hindi po ina dahil napat*y po siya ni Lolo"tugon niya. Sinabi ko Kasi sa kanya na iyon Ang itawag niya sa aking ama.

"Mainam kung ganon Akie. Maraming salamat sa pagliligtas sa aming anak Duke Horio"Ani ni Eero kay ama.

"Huwag kang magpasalamat dahil ginawa ko lamang Ang nararapat Lalo na at si Akie ay aking Apo at Isa pa, ama na lamang din Ang itawag mo sa akin"Ang tugon ni ama sa kanya.

"Maraming salamat ama"nakangiting turan ni Eero.

Nagkwentuhan pa kami at pinakain namin siya at nung matapos, ay kaagad din siyang nagpaalam.

"Uuwi na ako anak"aniya

"Hindi po ba pwedeng bukas na kayo umuwi?"tanong ko.

"Pasensya ka na anak ngunit marami pa Kasi akong gagawin. Hayaan mo at muli akong bibisita dito sa ibang araw"aniya.

"Mag-iingat ka ama"tugon ko na ikinatango niya.

"Eero ingatan mo sana ang anak at ang apo ko"ang bilin ni ama kay Eero.

"Makakaasa po kayo. Mag-iingat kayo sa inyong paglalakbay pauwi"tugon niya.

Paglabas ni ama sa silid ay inihatid siya ni Eero Hanggang sa labas habang pinatulog ko Muna sandali si Akie upang makapagpahinga siya. Pinagmamasdan ko siya habang natutulog. Tunay ngang kamukha siya ng kanyang ama. Matagal ko na din naman itong napapansin. Maya-maya pa ay naramdaman ko na parang may tao sa likuran ko at nung lingunin ko ito ay nakita ko si Eero na nakatingin sa akin kaya lumapit siya.

"Kanina mo pa pinagmamasdan ang ating anak. Baka naman matunaw siya"Ang pabirong Turan niya dahilan para mapangiti ako.

"Tunay nga bang napatawad mo na ako?"tanong niya.

"Kailangan nating mag-usap dahil may mga sasabihin ako sayo kung maaari sana ay doon muna tayo sa iyong silid"Ani ko na ikinatango niya.

HERAH POV

They All Abandoned Me On viuen les histories. Descobreix ara