CHAPTER 14

2.3K 64 1
                                    

ESTAN/EERO POV

PATUNGO ako ngayon sa silid ni Herah upang kamustahin siya. Ipinaoiwanag ko kagabi kay Akie ang mga nangyayari at ang aking nais at hindi naman siya tumutol.

"Magandang Umaga"Ang pagbati ko sa kanya.

"Magandang Umaga din naman. Si Akie nasaan?"tanong niya.

"Nasa kanyang silid at natutulog pa"sagot ko.

"May itatanong lamang sana ako. Alam mo ba ang aking pangalan?"tanong niya.

"Lucille, iyan ang iyong ngalan"tugon ko.

Pasensya kana pero kailangan ko itong gawin. Nung dumating si Akie, ay nagpaalam ako sa kanila pansamantala upang kausapin ang aking hepe. Naupo ako sa aking trono at ipinatawag siya. Ilang sandali pa ay dumating na siya.

"Ano ang maipaglilingkod ko kamahalan?"tanong niya.

"Magtungo kayo sa lanta at ibigay ninyo Ang mga ito sa hari"Ani ko at ibinigay sa kanya ang damit at mga alahas na nakuha ko kay Herah.

"Sabihin mo sa Emperador nila na pat*y na Ang kanilang Reyna at ating inilibing kaagad"ang utos ko.

"Magsama ka ng dalawampung mga kawal"Saad ko pa.

Kaagad itong yumukod at umalis.

EMPEROR JACOB POV

KASALUKUYAN akong naririto sa aking opisina nang may kumatok at kaagad ko siyang pinagbuksan.

"Kamahalan naririto po ang Hepe at ilang mga imperial knights ng Goshen at nais kayong makausap"Ani ng alipin.

"Papasukin Ang Hepe"sagot ko.

Ayos Ang mga iyon ahh. Matapso nilang magplano na kami ay tambang*n ay Sila pa Ang may ganang lumapit. Pumasok siya sa aking opisina na may labit.

"Magandang Umaga kamahalan"aniya.

"Magandang Umaga din naman. Ano yang Dala mo?"walang ganang tanong ko.

"Ikinalulungkot kong ibalita ngunit ang inyong Asawa ay puman*w sa pananamb*ng na naganap. Natagpuan namin ang kanyang katawan sa bangin na kinahulugan niya. Iniutos ng hari na Kunin ang katawan niya at kaagad Namin itong inilibing ayon sa aming paniniwala at tradisyon na kailangang mailibing agad Ang pumanaw matapos mamat*y. Inatasan din ako ng hari na pumarito upang ibigay sa inyo itong damit at Kasama diyan Ang mga alahas ng Reyna"mahabang Turan niya.

Nakaramdam ako ng pagkakonsensya dahil sa nangyari pero mas nangibabaw sa akin ang saya.

"Ipinaparating din ng aming Emperador Ang kanyang pakikiramay at humihingi din siya ng kapatawaran sa mga naganap dahil hindi din naman niya inaasahan na may magaganap na hindi maganda"aniya.

Haha napakasinungal*ng.

"Ako ay nagpapasalamat sa pagbabalik sa akin ng mga ito. Mahalaga ito sa akin sapagkat ito ay pag-aari ng aking pinakamamahal na asawa. Saan man siya ngayon ay tiyak na payapa na siya"Ang pag-arte ko.

Niyaya ko Sila na Dito na mananghalian at pagkatapos ay kaagad na din silang lumisan. Kaagad kong inihayag sa lahat Ang nangyari kay Herah at inilagay Ang bandila sa gitna.

LAZARO POV

HINDI ako makapapaniwala na hahantong sa ganito Ang lahat.

"Herah! Kapatid ko! Bakit Ikaw pa?"umiiyak na sambit ko sa kawalan.

"Lazaro"Ang pagtawag ni Laarni sa akin na aking nobya.

Dahil sa kanya kaya ako itin*kwil ni ama. Hindi niya matanggap na nagmahal ako ng Isang aliping babae.

"Bakit?"tanong ko.

"Narinig kong nag-uusap ang Emperador at ang Punong Ministro tungkol kay Duke Horio. Mayroon daw itong malubhang sakit habang ang kanyang Asawa at Ang anak ng kanyang asawa ay abala sa paglustay sa kanyang kayamanan"Turan nito.

"Ehh ano Ngayon?"tanong ko.

Bigla niya akong niyakap Bago siya nagsalita muli.

"Alam kong malaki ang kasalanan niya hindi lamang sa akin kundi pati sa inyong magkapatid pero ama ninyo parin siya. Tiyak na Lalo siyang nahihirapan ngayong Wala na ang Reyna"aniya pa.

Napabuntong hininga na lamang ako Bago magsalita.

"Paroroon ako. Magpapaalam lang ako sandali sa kanila. Maiwan Muna kita saglit Dito"Sabi ko na ikinatango naman niya.

Nagpaalam ako sa kanila na uuwi sandali sa Bahay... Hindi nila alam na anak ako ni Duke Horio at kapatid ako ni Herah. Kalahating Oras din akong naglakbay patungo sa kaharian ng ama at nagulat Ang mga alipin nang Makita ako.

"Dalhin ninyo ako sa silid ni ama"walang emosyong Turan ko.

Sinamahan nila ako sa kanyang silid. Nakita ko siyang nakahiga at maputla.

"Lazaro. Salamat at binisita mo ako anak"naluluhang turan niya dahilan para mapangiti ako ng mapait.

"Anak? Parang ngayon lamang kita narinig na tinawag akong anak"Turan ko.

"Patawarin mo ako!"Turan niya at umiyak.

"Si Liza.. kinontrol niya Ang aking isipan sa pamamagitan ng paggamit sa kapangyarihang itim! G-ginayuma niya ako upang mapasunod niya ako sa kanyang mga naisin"naiiyak pang Turan nito.

"SI LIZA?? H*YOP SIYA!!"nanggagalaiting sigaw ko.

"Patawarin mo ako anak. Napakalaki ng kasalanan ko sa inyong mga anak ko! Lalo na kay Herah! Ang aking Unica Hija!"umiiyak pang Turan niya.

Hindi ako makaimik ngayon. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin.

"Kamusta siya Lazaro? Kamusta ang kapatid mo?"tanong niya dahilan para Lalo akong manlumo.

"Bakit Lazaro? Bakit hindi ka makapagsalita? Kamusta si Herah?"kinakabahang tanong niya.

"Wala na po siya ama"naiiyak na sagot ko.

"Wala? Paanong wala Lazaro? Anong ibig mong sabihin?"kabadong tanong niya.

"Hindi pala ninyo alam na tinamb*ngan Sila patungo sa kaharian ng Goshen? Nahulog siya sa bangin ama at hindi siya nakaligtas. Kaagad siyang ipinalibing ng Emperador ng Goshen sa Isang sementeryo doon"sagot ko.

"Hindi! Hindi totoo iyang sinasabi mo!! Buhay siya!! Herah! Anak ko!! HERAH!!"Turan niya habang umiiyak.

"Kasalanan ko ang lahat ng ito. Kung hindi lamang sana ako nagayuma ni Liza hindi magaganap lahat ng ito!!"umiiyak pang Saad niya.

Niyakap ko siya at ipinanatag ang kanyang loob.

"Nandito lang ako para Sayo ama!"Ani ko.

Maya-maya pa ay biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Liza at anak niya.

"Anong ibig sabihin nito?"tanong niya.

Biglang nagdilim ang aking paningin at bigla ko siyang sinak*l.

"Ikaw Ang puno't dulo ng lahat ng ito!! Kayong mag-ina mga H*YOP KAYO!!"nanggagalaiting sigaw ko.

"Hindi namin alam ang sinasabi mo kaya bitawan mo Ang ina ko!"Ani ng anak niya at hinawakan Ang kamay ko na nakakapit sa leeg ng Ina niya.

Pilit nila akong inawat.

"Uhu! Uhu! Horio! Lapastang*n itong anak mo!"Turan ni Liza kay ama.

"Ikaw ang lapastang*n Liza! Alam ko na Ang ginawa mong panggagayuma sa akin!"Galit na turan ni ama.

"Kalaliman ay hindi mo na mabibilog pa Ang ulo ko!! Lumayas kayong mag-ina Dito ngayon din!"madiing turan ni ama.

"Ngunit-"

Hindi na natuloy Ang kanyang sasabihin nang bunutin ko Ang aking espada at tinutukan siya.

"Aalis kayo o gigilit*n ko yang leeg mo?"walang emosyong tanong ko.

"Aalis na kami. Kukunin lamang Namin Ang aming mga gamit!"Ani ni Liza.

"Wala kayong gamit na kukunin Dito! Mga kawal kaladk*rin palabas Ang mga basurang ito!"utos ko sa mga kawal na kaagad nilang sinunod.

"Huwag kang mag-alala ama hindi na Tayo magkakawalay"

They All Abandoned Me Where stories live. Discover now