CHAPTER 26

1.7K 49 0
                                    

HERAH/LUCILLE POV

KAGIGISING ko lamang at sa pagdilat ng aking mga mata ay naalala kong muli ang nangyari sa aming dalawa kahapon kaya hindi ko naiwasang mapangiti. Ngunit walang anu-ano ay bigla akong nakarinig ng mga ingay.

"Sigurado ka ba sa ating gagawin?"dinig kong tinig ng Isang babae.

"Oo. Bakit nag-aalangan ka ba na ibigay sa akin ang iyong sarili Herah?"tanong ng isang lalaking pamilyar ang tinig.

"Hindi Eero"sagot ng babaing kausap niya.

"Mahal na Mahal kita Herah"Ani ng lalaki.

"Mahal na Mahal din kita Eero"tugon ng babae.

Hindi ko alam kung bakit pero bigla na lamang tumulo ang aking luha dahil sa mga narinig. Bigla na lamang nawala ang mga ingay nang biglang pumasok ang dalawang aliping babae na may dalang pagkain. Hindi mawala sa isip ko Ang mga pangalang Herah at Eero.

"Kamahalan heto na po ang iyong pagkain"nakangiting turan ng alipin at ipinatong sa maliit na mesa ang pagkain.

"Alam mo ba Celeste, buntis pala si Pacifica at hindi pinanagutan kaya dinala siya ng kanyang mga magulang sa Isla ng Deo upang makalayo sa kahihiyan dahil nga Isa na siyang disgrasyada"Ani ng Isa sa mga aliping may dalang pagkain dahilan para Lalo akong hindi makakibo.

"Talaga ba Oceana? Saan mo naman nalaman ang tungkol diyan?"tanong ng kausap.

"Kay Greco. Diba magpinsan Sila ni Pacifica?"sagot ni Oceana. Lalo akong napapaluha Ngayon sa mga naririnig.

"K-kahihiyan? B-buntis? D-disgrasyada?"nauutal na turan ko habang patuloy na lumuluha.

"Kamahalan? Ayos ka lang?"tanong ni Oceana ngunit hindi na ako makasagot pa dahil nagdilim na ang aking paningin.

SOMEONE POV

NANDITO ako sa loob ng palasyo at nagbabantay nang Makita ko si Emperador Estan karga ang batang si Akie. Lumapit sila sa trono at iniupo ng hari ang bata dito bago nagsalita.

"Bagay na bagay talaga sayo ang maupo diyan anak!"nakangiting turan ng hari sa bata.

"Talaga po ba ama?"nakangiting tanong ng ampon niya.

"Oo anak! Bagay na bagay sayo yun nga lang sana naman bawasan mo na ang pagiging matigas ang ulo hah?"Ani ng hari na ikinatango ng bata.

Nais ng hari na ang batang iyon ang gawing tagapagmana na siyang hindi ko hahayaang mangyari dahil siya ay anak parin ng Emperador ng Lanta. Paumanhin Akie pero kailangan mo nang mawala!

EMPEROR ESTAN/EERO POV

KASAMA ko si Akie na ngayon ay nakaupo sa aking trono at ipinahawak ko din sa kanya ang aking setro. Bagay na bagay talaga sa aking anak Ang maging Emperador. May Isang alipin na humahangos palapit sa amin.

"Mahal na Emperador! Ang Mahal na Emperatris ay nawalan ng malay sa kanyang silid! Nagpatawag nagpatawag na din kami ng mga manggagamot.

"Ikaw muna ang bahala kay Akie"Turan ko sa alipin.

"Anak pupuntahan ko muna ang iyong Ina"Sabi ko kay Akie na ikinatango niya.

Dali-dali akong nagtungo sa kanyang silid at nakita ang mgaanggagamot sa may pintuan.

"Kamusta siya?"ang tanong ko.

"May malay na siya kamahalan! Nanghihina pa nga lang"tugon ng manggagamot.

Kaagad akong lumapit kay Herah at pinagmasdan siya.

"Kamusta ang iyong pakiramdam?"tanong ko ngunit malamig na tingin lamang Ang itinugon niya bago inilibot ang paningin.

"Iwan ninyo muna kaming dalawa ng Emperador! May kailangan lamang kaming pag-usapan"malamig na Turan ni Herah sa mga alipin at manggagamot kaya kaagad naman silang lumabas.

"Ano ang ating pag-uusapan Lucille?"tanong ko ngunit bigla niya akong sinampal.

"Huwag mo akong matawag-tawag na Lucille dahil hindi iyan Ang aking pangalan!"naiiyak na Sabi niya.

"Minsan mo na akong sinaktan dahil sa pag-iwan mo sa akin ngunit bakit ngayon ay kailangan mo ding itago sa akin ang tunay kong pagkatao?? BAKIT EERO?? BAKIT??"sigaw niya habang umiiyak.

"Makinig ka Herah! Hindi kita iniwan-"hindi ko na naituloy pa ang aking sasabihin nang muli niya akong nasampal.

"SINUNGALING!!! MATAGAL KITANG HININTAY EERO! NUNG NAWALA SA AKIN ANG ATING ANAK AY NINAIS KONG MAGALIT SAYO PERO HINDI KO NAGAWA DAHIL UMAASA PARIN AKONG BABALIK KA PERO WALA KA!! NUNG NAPILI AKONG KANDIDATA BILANG SUSUNOD NA MAPAPANGASAWA NG IYONG KAPATID AY UMASA AKO NA BABALIK KA AT ILALAYO MO AKO SA KANILA PERO WALA KA!!"sigaw niya na punung-puno ng pagdaramdam.

"Nung umuwi ako galing palasyo noon natuklasan kong si Kuya ang pumasl*ng sa aming ama! Sinita ko siya at nagsumbong ako Kay Ina ngunit hindi niya ako pinaniwalaan. Kalaliman na ng gabi nang may mga armadong lalaki na mga kawal ang nagtangkang dumukot sa akin ngunit ako ay nanlaban! Kahit na sugatan ay nakatakbo pa ako palabas! Ginawa ko Ang lahat upang hindi nila ako abutin Hanggang sa hindi ko namalayan na bangin na pala Ang tatakbuhan ko kaya nahulog ako! Nakita ako ni Axillom na dating Emperador ng Goshen at tinulungan ako! Naging malala din ang kalagayan ko noon!"tugon ko.

"PWES MAS MALALA ANG NAGING KALAGAYAN KO ALAM MO KUNG BAKIT?? DAHIL NUNG NAPILI AKONG MAPANGASAWA NG KAPATID MONG DIM*NYO AT LALONG NAGING IMPYERNO ANG BUHAY KO!! MULA NUNG IKASAL KAMI AY WALA NANG KATAHIMIKAN ANG BUHAY KO!! ALAM MO BA NA ANG IYONG INA LAMANG ANG AKING NAGING KAKAMPI?? NGUNIT NUNG NAWALA SIYA AY WALA NA DIN!! ILANG BESES DIN AKONG GINAH*SA NG KAPATID MO EERO PERO WALA AKONG NAGAWA!! ALAM MO KUNG BAKIT?? DAHIL KAHIT ANG AKING AMA AY WALANG PAKIALAM SA AKIN!!"Ang sinabi niya na dumurog sa puso ko.

"G-ginah*sa k-ka n-niya"nauutal na turan ko.

"OO. ALAM MO HINDI SANA MANGYAYARI IYON EHH KUNG BINALIKAN MO LANG AKO!!"sigaw niya.

"HARAP HARAPAN DIN NIYANG IPINAKIKITA SA AKIN ANG PANGANGABIT NIYA. NAKAKAPANLIIT NG PAGKATAO EERO! NAGAGAWA NIYA AT NG KAB*T NIYA NA MALIITIN AKO AT TAPAK-TAPAKAN SA HARAP NG MARAMING TAO"Saad pa niya

"Nung IKASAL kayo akala ko kinalimutan mo na ako"tugon ko.

"BAKIT?? ANO BA ANG TINGIN MO SA AKIN?? SALAWAHAN?? AT BAKIT MO AKO NILOKO?? BAKIT MO ITINAGO SA AKIN ANG TUNAY KONG PAGKATAO??"tanong niya.

"Upang protektahan ka. Maniwala ka hindi ko din naman ginustong itago iyon Sayo Herah"Ani ko at akmang yayakapin ko siya nang bigla siyang pumalag at itinulak ako.

"Iwan mo ako Eero! Gusto ko munang mapag-isa"malamig na Turan niya.

"Ngunit Herah-"

"UMALIS KA SABI EHH!"sigaw niya kaya lumabas ako ng silid niya.

They All Abandoned Me Where stories live. Discover now