NOL 82 (LXXXII)

157 41 0
                                    


JENNICA MONIQUE SANCHEZ POV

"Jennica, don't go, stay here!" maktol na naman ni Renz. Hindi tuloy ako makaalis-alis nang dahil sa kaniya. Kulang na nga lang baliin niya braso ko sa sobrang pagkakaukyabit rito. "Mommy, please!" Baling naman nito sa nauuna sa aming bumaba ng hagdan nitong viking na si Señora Keith. "Hintayin niyo ko makapag-perform para sabay na kami ni Jennica makabalik ng Villa Quintana!"

Nawala tuloy kahit papa'no ang takot at kaba ko sa sobrang ka-cute-an niya. Para siyang batang maglulumpasay kapag hindi napagbigyan ang gusto niya. Nagpapadyak-padyak pa ito na siyang ikinahahagikgik ng kasunod naming si Lucas.

Si Lucas nga pala ang nag-volunteer na samahan ako sa Villa Quintana. Hindi naman kasi siya kasali sa magpe-perform. And wala naman na siyang pupuntahang importanteng lakad.

Tao nga rin naman siya, napapagod, kailangan niya rin ng break. So ayun nga, tutuparin na raw niya ang ipinangako niya sa amin ni Renz na 'bonding'. Sasamantalahin na niya ang pagkakataon habang naka-vacation leave pa kami ng mga friendships ko. At sasamantalahin ko na rin ang pagkakataong ito para pagpaliwanagin siya.

Huminto sa paglakad si Señora Keith at hinarap kami nito. "Hindi puwede iyang gusto mo, Jeron. Kailangan nandito ka hanggang matapos ang birthday party ni Crayon. At huwag mo na pigilan si Jennica kailangan na nila makaalis bago pa magsimula ang performance niyo." Pumihit ulit ang Señora patalikod at nagpatuloy sa paglakad. Babalik na sila nina Mr. & Mrs. Quintana sa groundfloor.

Nakalabing bumaling si Renz ng tingin sa kasunod naming si Lucas. "Huwag mo siya pababayaan, ha. Sasagutin pa niya ko."

"Ang OA mo!" mahinang siko ko rito. "Napakalapit lang naman ng Villa Quintana! At saka hindi naman siguro aabutin ng isang taon party ni Crayon, 'no! Oras lang 'yan, Renz. Oras lang! Bumalik ka na nga roon! Makinig ka sa plano nilang gagawin, balitaan mo ako. Sige na!"

"Haist! Sige na nga!" nakalabi nitong sambit with matching padyak pa habang kumakalas sa pagkakaukyabit sa'kin. "Text mo ko kapag nakarating ka na sa Villa Quintana, ha! At mag-online ka mamaya sa Messenger, vi-video call kita, ipapa-video ko kila Gian performance ko para mapanood mo rin ako. Para ma-inlove ka pa sa akin. Baka sakaling sagutin, ayieee.." Kurot nito sa braso ko.

Natawa na lang ako sa kalandian niya kahit masakit yung kurot. Awts! And as usual ibinilin na naman niya ako ng paulit-ulit kay Lucas, na puro ngiti at tango lang sa kaniya. Buti nga, hindi siya nabubuwisit sa kakulitan ni Renz, eh.

Friendships ko dapat ang sasama sa akin pabalik ng Villa Quintana. Pero kasama sila ni Yna roon sa groundfloor. Mahahalata raw nito, kaya si Lucas na lang ang nag-volunteer.

Nagpaalam na ulit sa amin si Renz. Nakalabi pa nga itong kaway nang kaway sa amin ni Lucas habang umaakyat siya ng hagdan. Muntikan pa nga malaglag ang bugok na sueputh. Mabuti na lang napahawak siya roon sa hawakan na bakal nung hagdan.

Ayan! Kase! Hahaha! Inarte pa more! Haha!

Nakaramdam na ulit ako ng lungkot, takot at kaba nung mawala na siya sa paningin ko. Yung moment na parang lumubog na ang araw at kadiliman na ang namayani sa mundo ko, ganoon na ganoon.

Walang dudang nagbalik na ng tuluyan ang pagka-crush ko sa kaniya noong mga bata pa kami. Feeling ko nga rin---- unti-unti na akong nahuhulog sa bugok na sueputh na iyon. Sobra akong nabibilisan sa sarili ko, wala pang isang buwan pero naka-move-on na ko kay Sir Kersey. Tapos si Renz na pumalit.

Ewan ko ba, pero narito pa rin ang takot, na baka iwan niya ulit ako mag-isa. Baka maulit muli yung nangyari sa amin noon. Kaya parang may part sa akin na patigilan na lang siya sa panliligaw at maging magkaibigan na lang kami. Ngunit hindi ko iyon kayang sabihin at gawin sa kaniya kasi nga... gusto ko na rin siya. Aish!

NO ORDINARY LOVE IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon