NOL 76 (LXXVI)

169 31 0
                                    

JENNICA MONIQUE SANCHEZ POV

Hindi ko alam kung ano mga pinagsasabi ng mga friendships ko kay Yna at bigla na lang nagbago ang isip niya. Para bang mas lalo kong na-feel na hindi niya ko gusto. Na inggit na inggit siya at never ever ever siyang makikipagsundo sa'kin kahit wala naman akong ginagawang masama sa kaniya.

Medyo umasa pa naman ako sa sinabi ni Chloe na babawi siya dahil sa pag-treat niya sa'kin ng kaimpaktahan nitong nagdaang araw. Haay! Iba talaga nagagawa ng insecurities. Well, ayoko rin naman makipagplastikan sa kaniya kaya okay lang. Hindi siya kawalan. Kung ayaw niya kong makasama, mas lalo naman ako, 'no. 

Sunod-sunod ang natanggap kong text messages from my friendships. Mas gigil pa sila sa ginawang pag-iwan sa'kin ni Yna, at nagwo-worry na rin dahil mag-isa lang ako. 

Naku! Napakaliit na bagay, sanay na sanay na ko mag-isa, pero inaamin kong nalulungkot ako at umaasang may darating na sueputh para guluhin ang nanahimik kong mundo.

*boogsh*

"Ayy! Anak ng palaka! Aray! " Nauntog ako sa harapan kong upuan dahil sa biglang pagpreno ni Mang Andoy. 

Sapo-sapo ko ang noo kong sumilip sa labas, sa may bandang unahan. May lumabas na lalaki ro'n sa sinusundan naming itim na sasakyan. Kinatok nito nang kinatok ang bintana sa may side ni Mang Andoy. 

"Sandali lang, Iha. Bababain ko lang," paalam ni Mang Andoy.

"Sandali po. Ano po ba nangyari?"

"Kanina pa siya overtake nang overtake sa sasakyan natin. Ang bilis-bilis magpatakbo. Biglang huminto nang hindi man lang nag-aabiso."

Aba'y anak pala ni Raul Siraulo, 'no. Tapos siya pa ang galit na galit na parang gusto manakit sa pagkatok do'n sa tapat ng bintana ni Mang Andoy. Ibang klase rin talaga. 

"Mang Andoy, huwag po!" Pigil ko sa pagbaba nito ng minivan. "I-report na lang po natin sa police. May CCTV naman po siguro sa mga nadaanan natin? Ako na lang po ang bababa, bubugahan ko po siya ng apoy. Kay kapal ng mukha, siya naman ang may kasalanan!"

"Nako, iha, 'wag na. Ako na..." Wala nang nagawa si Mang Andoy dahil bumaba na ko ng sasakyan. Nasilayan ko kaagad ang signboard ng 'Quintana Hotel and Resort' na pupuntahan namin 50 meters away, this way ng Barangay Liwayway. 

Malapit na pala kami. Epal lang itong katok nang katok sa may bintana ni Mang Andoy. 

"Lumabas ka riyan, harapin mo ko," hamon nito kay Mang Andoy, kinalampag-kalampag na naman nito ang bintana ng minivan naming sinasakyan. 

Sa porma pa lang mukang mayabang na. Aish!

"Paano siya makakalabas kung nakaharang ka riyan?" Napatingin ito sa'kin. Oh My God! It is true? Si Crayon ba talaga ito? Yung famous actor and model. Tama nga ang sabi nila. Pogi talaga siya sa personal at matchong-matcho ang pangangatawan. Parang gusto ko na tuloy bawiin yung pagtataray ko sa kaniya. Tsk! Huwag na pala, deserved niya 'yon. Hindi ko na lang ipapahalata na kilala ko siya. "Madadaan naman kasi sa mabuting usapan 'yan. Kung makakatok at makapagsalita ka kasi akala mong naghahamon ka ng away. Hinahon lang, Mister."

Natatawa itong lumapit sa'kin. "What? You call me, Mister? You don't recognize me? Or nagpapanggap ka lang na hindi mo ko kilala para mapansin kita."

Napa-roll eyes ako. "Bakit? Espesyal ka ba? Importanteng tao ka ba? Kailangan ba lahat ng makakasalamuha mo kilala ka? Tsk!" 

Ang yabang pala talaga ng dimunyung ito. Akala ko, tsismis at paninira lang yung about sa kaniya. Turn off na ko. Ia-unfollow ko na siya.

NO ORDINARY LOVE IIWhere stories live. Discover now