NOL 95 (XCV)

141 39 0
                                    

JENNICA MONIQUE SANCHEZ POV

"Lucas."

Nilingon agad iyon ng nangunguna sa aking si Lucas. "Ina..."

Huminto ako sa paglakad at nilingon din ang tinawag ni Lucas na Ina. Si Queen Yngrid pala, asawa ni Tito-Ninong Haring Caesar. Ang bunsong kapatid ni Aling Marta na may pagkakahawig sa dating artista na si Miss Juliana Palermo.

Akala ko nga siya iyon noong makita ko ang photo album ni Aling Marta. Akala ko talaga artista ang kapatid niya at si Miss Juliana Palermo iyon. Hindi pala, hawig lang pala.

"Magandang gabi po," agad kong bati dito. Hindi ko alam kung lalapit ba ako rito para magmano. Baka kasi hindi siya nagpapamano kaya mas pinili ko na lang yumuko sandali bilang paggalang dito.

"Magandang gabi rin," nakangiting bati ni Queen Yngrid habang humahakbang patungo sa kinaroroonan ko para makipag-beso-beso sa akin. Pagkahiwalay nito sa akin ay pinagmasdan nito ang mukha ko hanggang sa basa kong damit at ang nakayapak kong mga paa. Nakakahiya.

"Ina, ipagpaumanhin mo ngunit kami ay nagmamadali... kailangan na niyang magpalit ng kasuotan," ani Lucas.

"Subalit siya ba ay may pamalit?

"Mayroon po, Ina. Akin po muna kukunin sa aking silid."

Tumango-tango si Queen Yngrid. "Bakit hindi mo na lamang siya isama sa iyong silid at doon mo na lamang siya pagpalitin ng kasuotan."

"Ngunit ina, hindi maaari. Siya'y isang binibini at ako'y isang ginoo. Alam niyo naman---"

"Sasama ako at pananatilihing bukas ang pinto ng iyong silid," sapaw ng inang reyna nito sa sinasabi niya. Nagulat naman ako ng umikyabit si Queen Yngrid sa kanang braso ko. "Halika na... marikit na binibini."

Nag-aalangan ko itong nginitian. "S-sige po."

Nagpatangay na lang ako sa paghila sa akin nito. At nakangiwi ko namang inilipat ang tingin sa nagbukas ng pintong si Lucas. Halata sa mukha nito ang pagsalungat sa kaniyang inang reyna pero hanggang doon lang naman siya. Sa tingin ko sa kaniya ay never pang sumalungat sa kagustuhan ng nakakatanda sa amin-- nila Ama, which is iyon ang kinakaasar ko sa kaniya noon. Kaya nga madalas ko  siya sabihang sumbungero, echosero, pashnea at sipsip sa isip ko noon. Haha!

"Tuloy ka sa aking silid ng aking unang anak," ani Queen Yngrid.

Namangha naman ako sa napakaluwag, alaga sa linis at napaka eleganteng kuwarto ni Lucas. Lahat din  ng kagamitan niya rito ay gawa sa ginto, at talagang masasabing sa kaniyang kuwarto ito dahil maayos na maayos. Ni alikabok nga 'ata ay nahihiyang dumapo sa mga gamit niya sa sobrang kintab. Napaka-perfectionist talaga ng pinsan ko na ito. Dinaig pa ang kuwarto ko sa bahay. Nakakahiya.

Inakay ako ni Queen Yngrid papasok sa isang gintong pinto-- ang personal CR ni Lucas.

"Sandali lamang kukunin ko ang iyong pamalit," paalam ni Lucas.

Sabi na nga ba, eh! May itinatagong landi pinsan ko na ito. Paano naman kasi siya magkakaroon ng damit na pambabae sa kuwarto niya. Wala naman siyang girlfriend.

"Madalas kang maikuwento ng aking mga supling. Kung nandito lamang si Ada... tiyak na siya'y matutuwa sa iyong pagpasyal dito sa ating kaharian. Matagal na nila kaming kinukulit ni Lucio na ikaw ay pagbakasyunin dito upang ikaw ay kanilang personal na maipasyal."

Napangiti ako. "Nasaan na po pala si Ada?"

"Siya'y nasa kaniyang Ama," malungkot na anito. "Siya'y lihim na ipinadala ng aking asawa sa isang lugar upang ito'y itago't ilayo sa aking ikalawang anak--kay Lucio."

NO ORDINARY LOVE IIWhere stories live. Discover now