NOL 80 (LXXX)

147 32 0
                                    

AENON SANTILLAN POV

"Aenon!" maarteng tawag ni Misis short legged sa'kin. Nilingon ko ito ng nakakunot ang noo habang nagbo-button ng white printed Hawaiian shirt ko. "Ang delicious mo naman diyan sa suot mo." Dakma nito sa left breast kong nakalantad. Gulat na gulat kong hinawi ang kamay niya sabay takip ko ng aking dalawang kamay sa katawan ko.

Samantalang siya naman ay kinagat 'yong kamay niyang pinanghawak sa left breast ko. "Sharap naman. Isa pa nga."

"N-nooo!"

"Hey! Couz Ae! Wake up!" Yugyog sa akin ng kung sino. Habol hininga akong napadilat, tumambad sa akin ang nakakunot noong si Dammy at ang padilim ng langit. Nakatulog pala ako dito sa beach lounge chair na malapit sa pool.

Ahbu laughed. "Kanina ka pa no nang no! Para kang nira-rape riyan! Haha!"

Nahilamos ko na lang ang mukha ko. Bumangon ako sa pagkakahiga at umupo ng nakapatong sa dalawang hita ko ang aking mga braso at pinagsaklop ko ang aking mga kamay sabay tulala sa nasa harapan kong pool.

"I have a nightmare again." Nagsimula ito since nung malaman kong gusto ako ni Misis short legged. May pagka sa anak ng kadiliman yata babaeng iyon. Sinumpa niya yata ako.

Someone tap my shoulder and sat beside me. "May alam akong solution diyan, Couz Ae," si Ahbu pala. Inakbayan ako nito. "Kumuha ka ng tatlong hibla ng buhok, picture at personal things na madalas gamitin ng napapaginipan mo. Pero dapat, ikaw mismo ang kumuha ng lahat na iyon sa kaniya, ha. Then, 'pag na-complete mo na, ilagay mo sa isang transparent plastic with ziplock at ipailalim mo sa pillow mo. Sigurado akong hinding-hindi na siya lilitaw sa panaginip mo. Proven and tested ko 'yan."

"Eh, paanu kung hende mu naman kelala 'yong taong iyon?" Lloyd asked.

"Ikaw naman, Lloyd, o-oh. Kailangan pa bang tanungin 'yan? Syempre kilalanin mo, alamin mo pangalan niya! Isama mo na rin pati address. Kung single ba? At bakit siya nagpapakita sa panaginip mo. Gano'n lang kasimple. Haist!" ani Ahbu.

Natatawang napailing na lang ako sa sinabi nito. Umiral na naman ang pagka-Mang Kepweng niya.

"That is Master Ahbukai!" natatawang puri rito ni Dammy.

"Ahummm..." duet na usal nina Ahbu and Lloyd.

"Okay. Enough!" Dammy stand up. "Maiiwan ka muna namin dito, Couz Ae. Inuutusan pa kami nila Grandma na i-check ang mga girls if ready na sila. I know naman na hindi ka sasama because of Misis short legged. Haha! So, kami na lang."

I nodded. "Okay."

Umalis na sila. Sumandal ako sa beach lounge chair at pumikit ulit kaso naalala ko na naman ang nightmare ko kaya dumilat ulit ako.

"Damn her! Tsk!" hampas ko sa kinauupuan kong beach lounge chair.

Akma na akong tatayo nang mabaling ang atensyon ko sa nagdaang girl. Kitang-kita ang hubog ng katawan nito sa suot niyang plain white 2 pcs halter crop top, white long skirt and white high heels.

She has good taste in fashion. Full of purity that suited her.

At ako'y napamaang nang lumingon ito. It's Calla Patty Sanchez, the younger sister of Chef Peterson and cousin of Jennica.

She looks like an angel waving and smile at me. Kakawayan ko na rin sana siya but hindi pala ako ang kinakawayan niya. Si Janina pala. Ikinamot ko na lang sa ulo ko ang kamay kong naka-raised at tumayo na. Pretending na kinakamot ko ulo ko makalusot lang sa pagkapahiya.

Pagkapihit ko patalikod-- "Hai, Aenon!" Napaupo ulit ako sa beach longue chair na kinauupuan ko sa sobrang gulat kay Misis short legged. "Ommo! Ommo! Nagulat siya sa beautiness ko."

NO ORDINARY LOVE IIWhere stories live. Discover now