NOL 107 (CVII)

114 27 0
                                    

JERON RENZ SANTILLAN POV

"Sh*t! I can't sleep!"

Iritado akong tumayo sa bed ko at lumabas nitong room. Wrong timing nga paglabas ko, makakasalubong ko ang punyetang si Prinsipe Warren. Mukang dito siya mag-stay ng overnight. Tsk!

Hindi ko na lang ito tinapunan ng tingin. Dire-diretso lang ako sa paghakbang.

I want to see, Bubuwit. Nung pagkauwi kasi nila ng punyetang Warren na ito, hindi niya kami pinansin at hindi na rin siya lumabas ng room niya. Mukang nagtampo siya sa ginawa kong pagpayag na sumama kay Prince Warren. Ayoko naman talaga siya pasamahin but no choice ako. Nandoon si King Calisto.

"Jeron Renz," tawag ni Prince Warren sa akin nang magkalapit na kami.

"Wala akong panahon para makipag-usap sa kagaya mo," aniko rito habang diretso pa rin sa paglakad.

"Kung siya'y hindi mo pa lalayuan, ako mismo, ang maglalayo sa kaniya sa iyo." Nahinto ako sa paglakad. Kinabahan ako. Naalala ko ang sinabi ni King Calisto lately. "Kung iyong nais ay gulo, aking ibibigay iyon sa inyo ng buo mong angkan. At kung ika'y patuloy na magmamatigas... mapipilitan na akong daanin sa santong --"

Automatikong pumihit ako pabalik dito at binigyan ito ng isang suntok sa mukha. Pagkatapos ay kinuwelyuhan ko itong hinarap sa akin. Mas lalo akong nagngitngit sa galit dahil sa mapang-asar nitong tawa at expression ng mukha.

"Subukan mo lang galawin si Jennica, manghihiram ka ng mukha sa aso!"

"At bakit naman hindi? Akin naman siyang magiging kabiyak. Kami ang nakatakdang ikasal at gumawa ng maraming anak." Mas hinigpitan ko pa ang pagkakahawak sa kuwelyo nito. "Nagsasayang ka lang ng pagod, Jeron Renz. Walang patutunguhan iyang pagmamatigas mo at pagmamahalan niyo dahil ang kasunduan ay kasunduan. Malamang, sa mga oras na ito, hindi na mapakali ang inyong angkan dahil kating-kati na sila na ika'y palayuin sa aking magiging kabiyak."

Tama ang sinabi niya dahil simula bata pa lang kami, laging sinasabi sa amin nila Grandma na kung makikilala namin ang first queen. Huwag na huwag kaming magkakagusto rito dahil meron na sa kaniyang nakatakdang anak ng hari. At si Prince Warren iyon.

Kaya nga noong malaman ko na true father niya si King Calisto na kilala niya sa tawag na 'Pablo' noon. Nag-alangan na akong ituloy pagka-crush ko sa kaniya pero hindi ko mapigilan feelings ko for her. Mas lumalim pa nga iyon ngayon.

"Nanliligaw ka pa lang naman 'di ba? Kung ako sa iyo, itigil mo na-- sayang lang," asar pa nito sa akin.

Patulak kong binitawan ang kuwelyo nito at tinalikuran ko na siya.

•••••

"Ayoko po muna kayo makausap, Ama," iyan ang naabutan kong sinabi ni Jennica kay King Calisto kaya hindi na muna ko tumuloy sa pagkatok ng room nito.

"Ngunit, anak, kailangan natin mag-usap. Hindi ko nais matulog na masama ang iyong loob sa akin."

"Ano pa po ba ang dapat nating pag-usapan? Nakapagdesisyon na po kayo 21 years ago, 'di ba?" Unti-unting nadurog ang puso ko nang marinig ko ang paghikbi nito. "Hindi po talaga ako makapaniwala na nagawa niyo po iyon sa akin--- sa sarili niyong anak, Ama!"

"Kumander." Nagulat ako sa pag-akbay sa akin ni Lieutenant Viencis. "Hayaan muna natin sila mag-usap."

I nodded bilang pag-sangayon sa sinabi nito. Umalis kami sa tapat ng room ni Jennica. Tahimik naming narating ni Lieutenant Viencis ang garden nitong Kaharian. Pumuwesto kami ng upo sa bermuda grass nito.

"Kumander," basag ni Lieutenant Viencis sa pagitan naming dalawa. "Kung ano man ang magiging desisyon mo, susuportahan kita."

Napabuntong hininga ako't pumuwesto ng higa sa damuhan. "Sa totoo lang... hindi ko alam ang gagawin ko, Lieutenant Viencis. Ikaw, kung ikaw ang nasa sitwasyon ko, ano ang gagawin mo?"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 27, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

NO ORDINARY LOVE IIWhere stories live. Discover now