NOL 72 (LXXII)

170 30 0
                                    

ODESSA SANCHEZ POV

Mahirap pala maging mayaman. Sobrang laki ng kuwarto samantalang dalawa lang kami ni Sidie na magkasalo rito. Katumbas na yata ito ng buong bahay namin.

Tapos todo pa ang bukas ng aircon. Napakalaki siguro ng binabayaran nila sa Meralco. 

Binabantayan ko nga iyong nakasabit sa kisame na katapat lang naming chandelier. Baka kasi biglang lumindol at bagsakan kami no'n ni Sidie sa mukha. Ayoko nga manghiram ng mukha kay Fulgoso.

Pakiramdam ko rin, may lalabas na multo sa CR tapos lalapit sa'kin at hihingi ng tulong sa pagkamatay niya. Napakahirap talaga 'pag bukas ang third eye. Ang hirap mag-concentrate sa pag-aaral. Lagi kasi nila akong ginugulo. Hindi ko na nga sila pinapansin pero sila ang nagpapapansin sa akin. 

Buti pa sila, samantalang yung crush ko sa eskuwelahang Grade 12 na si Bornok, hindi ako pinapansin. Ayaw kasi niya sa babae, gusto niya lalaki. Sayang siya!

Pero, sino kaya yung nakamaskarang kasama ni Ate Jennica kanina? Ang pogi niya kasi, bagay sila ni Ate Jennica. Pero si Kuya Renz naman ang gusto ko para sa kaniya, pogi rin 'yon at mabait pang foreigner. Yung nakamaskara kasi na 'yon, parang ang sungit, hindi siya tumitingin at ngumingiti. Naka-focus lang siya sa pagkain niya. Pati na rin ang mga lalaking kasama niya na tinatawag nila Ate Calla na Sole's Knights, mukha rin silang foreigner. Kay gwa-gwapo pero baka mamaya kamukha lang sila ni Bornok, lalaki rin ang gusto.

Ang pinagtataka ko talaga. Bakit wala si Kuya Renz? Bakit hindi ko siya nakita kanina nung kumakain kami ng hapunan? Nasaan kaya siya?

Bumangon na lang muna ako. Hindi talaga kasi ako makatulog. Sinilip ko ang katabi kong si Sidie na nakatalikod sa'kin, tulog na siya. Nakatulugan na niya yung pinapanood niya sa cellphone niyang Kpop. Para siyang si Ate Jennica, ang hilig-hilig sa mga Koreano. Hindi naman nila naiintindihan ang salita, umaasa sa subtitle na nakaka-nosebleed.

Marahan akong bumaba sa napakalambot na kamang kinahihigaan namin ni Sidie. Ganoon din ang paghakbang ko palapit sa pinto, pati na rin ang pagbukas nun at ang pagsara. 

At nagulat ako sa lalaking lumabas ng katabi naming kuwarto ni Sidie. Tumingin ito saglit sa'kin at naglakad na palayo.

Pamilyar siya, parang siya yung kasama ni Kuya Renz na nagpunta sa'min bago sila pumunta rito. Oo nga! Siya nga yung masungit na supladong may dimples na sinasabi ni Ate Jennica na si-- Cero?

"Sandali, Cero!" Habol ko rito. Ni hindi man lang siya nag-atubiling huminto sa paglakad at lingunin ako. Dire-diretso siya sa paglakad pati ang tingin niya, sinabayan ko na lang siya sa paglakad. "Alam mo ba kung nasaan si Kuya Renz?" Pumasok siya sa elevator, sumunod ako roon. Ang sosyal nga ng mala-palasyong mansion na ito, may elevator. Parang SM lang. "Hindi ko kasi siya nakita kanina noong dumating kayo galing lakwatsahan 'tsaka nung naghahapunan tayo. Alam mo ba kung nasaan siya? Puwede bang samahan mo ko sa kaniya?"

Hindi siya umimik. Diretso lang ang tingin niya.

"Wagas naman ang kasungitan mo, kung itlugan kaya kita riyan!" 

Seryoso itong tumingin sa'kin. Napansin ko ang kamay niyang pasimpleng tinakpan ang harapan niya. Kahinaan talaga ng mga lalaki ang itlog nila, buti na lang talaga hindi ako naging lalaki. Kaya lang yung k*ki ko naman madalas masadlak sa kanto ng lamesa. Sakit kaya no'n!

"Ang ayaw ko sa lahat yung kinakausap tapos hindi sasagot. Kung ako naging teacher mo bagsak ka na agad."

Pero hindi naman ako magti-teacher, para sa mga matatalino lang 'yon. 'Pag nag-college ako, ang kukunin ko Culinary Arts. Kaya lang napakamahal daw ng course na 'yon. Kaya naman lagi akong dumidikit kay Ate para tuwing sahod niya o may utos siya mayroon akong porsyente. At kung minsan naman nagtu-tutor ako kay Tatay sa Tong Its, kapag nanalo nga siya binibigyan niya ko ng tip tapos inilalagay ko kaagad iyon sa bank account na pina-open ni Ate Jennica para sa'kin. Baka madorobo pa kasi nila Kuya SayJan. Nag-iipon pa naman ako ng pang-tuition ko sa college kahit na Grade 11 pa lang ako.

NO ORDINARY LOVE IIWhere stories live. Discover now