NOL 101 (C1)

103 26 0
                                    

LLOYD MONGO POV

"Oy!" golat na golat kong bolalas, sabay igtad ko dahil sa mayroong somondot sa botas ng puwet ko. Agad ko itong nilengon, peru wala namang tao sa likoran ko. Nakamot ko na lang puwet ko at ibinalek ang tingen sa pagloloto ng mga kasale sa cooking contest.

Maya-maya pa, mayroon na namang somondot sa botas ng puwet ko, na siyang ikinaigtad ko ulit. Nilengon ko ulet itu, peru wala na namang tao.

Binoksan ko na lang ang video ricorder sa hawak kong DG cam at ipinatong ko itu sa nasa pagitan namin ni Fort Dod na kolongan ng 3 months old Chow Chow. Itinapat ko iyon sa likoran ko. Tignan lang naten kung sinung pisting manyak na nanonondot ng puwet ko.

"Who are the hell are they?" bolong ng katabe kong si Fort Dod habang nakatingen ng masama kina Ginoong Makiseg at Ginoong Gilas. Nakatingen kase ang mga ito kay Jinneca.

Nagagalet siyang tinitignan ng iba si Jinneca. Peru pagdateng sa bestfriend/katabe niyang ikalawang haring si Locas, wala lang. Ano kaya 'yon?! Sa kaniya pa naman ako may dodang korsanada niya ren si Jinneca.

"Renz, Lloyd, Ahbu, Crayon, Aenon, Dammy at ang munchkie ko," isa-isang tawag sa amen ni Patricia, nasa harapan lang namen silang mga bebot. "Pagkatapos daw nitong paligsahan. Kakausapin daw tayo ni Haring Calisto sa opisina niya— maliban kay Jennica. Kung tatanungin niyo kung bakit, hindi rin namin alam."

"Basta, mamaya, magpunta na lang tayo sa opisina ni Haring Calisto," dagdag pa ni Mandie.

Naramdaman ko na namang may somondot sa puwet ko. Hinayaan ko na lang. Kinoha ko ang DG cam ko para ihento ang pagkoha ng video, saka ko pinlay iyon at pinanood.

Hanggang sa maketa ko rito sa video ang batang babaeng may-ari sa pisting sawa na pomanaw sa pileng ng akeng boto. Iyong hawak niyang piraso ng kahoy ang pinanonondot niya sa puwet ko.

Pisting bata talaga ini!

"Sandale lang mga dod," paalam ko sa kanila.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Ahbu.

"Diyan lang sa pisting bata. Kanena pa kase sinosondot puwet ko. Naiines na ku."

Naghagikgikan sila. Dinampot ko ang kulungan na may lamang 3 months old Chow Chow puppy at ang mga needs neto, na binile ko pa kahapon sa Barangay Hayo para ibigay sa pisting bata, para manahimik na siya't hende na ako golohen.

Pag-ales ko sa linya namen ng mga pinsan ko. Nakita ko agad ang pisting bata na mokang balak ulet sondoten ang puwet ko. Agad itong bomalek sa mga katropa niyang batang lalake nang makita niya ako.

"Oy, bata," tawag ko rito.

Naglingonan sa akin ang mga kasama niyang lalake, ipinakita nitu sa aken ang mga hawak nilang kahoy na hoges espada habang nakatingen sa aken ng masama. Wara sa aken talab ang pananakot nila. Hende naman kase totoong espada ang hawak nila.

"Ano ang iyong pakay sa aming kaibigan?" matapang na tanong ng isang batang lalake, katabe siya ng pisting batang babae na nagkokonware pang busy sa panonood.

Inilapag ko sa harapan nila ang dala kong tatlong paper bag na naglalaman ng mga needs ng aso. Pagkatapos ay kinoha ko sa loob ng kolongan ang 3 months old Chow Chow.

"Oh, heto, ibinile ko siya ng bagong alagang hayop."

Napalengon nang hende oras ang pisting batang babae para tignan ang hawak kong Chow Chow.

"Woah!" manghang bolalas ng mga pisting bata.

Agad naman na lomapet sa aken ang pisting batang babae. Kinoha niya sa aken ang 3 months old Chow Chow. Kinarga niya iyon. "Napakaganda ng kaniyang balahibo. Napakalambot! Napakasarap niyang yapusin at itabi sa pagtulog."

NO ORDINARY LOVE IIWhere stories live. Discover now