NOL 100 (C)

106 29 0
                                    

MANDIE ANN MOORE POV

*Bahay na Tisa II ng Kalye Isa, Maharlika*

"Kung dalhin na kaya natin sa hospital si Renz. Baka nagka-brain damage siya!" kabadong suhestiyon ni Nikki.

"Gaga!" Nagkasabay pa kami sa pagkasabi non ni Patricia, sabay din namin siyang binatukan. "Malayo ang utak sa batok," dagdag pa ni Patricia.

"Bakit mo naman kasi hinampas ng vase 'yung tao?!" sermon ko ulit dito.

"Eh, akala ko talaga kasi…akyat-bahay siya," paliwanag ni Nikki habang hinihilot-hilot niya ang batok niya.

"Meron bang akyat-bahay na pinagbuksan ko ng pinto, pinaupo ko, naki-CR at pagkatapos pinukpok mo ng vase," dagdag pa na sermon ni Norby rito.

"Ang yaman namang akyat-bahay ni Renz," komento ni Janina, abala ito sa pagkain ng banana chips. "Huwag niyo na alalahanin si Renz. Okay lang iyan. Nakatulog lang naman siya sa pagkahampas mo ng vase, Nikki. Ang dapat nating alalahanin ay si Jennica. Ang usap-usapan kasi sa labas, inireklamo ng Magalpok na iyon si Jennica sa mga hari. Kapag napatunayan daw na si Jennica ang may kasalanan… ikukulong siya rito sa bahay na tisa ng 7 days, magbabayad siya ng 680,000 pesos— 10,000 dahon dito sa Maharlika. At pagkatapos, papabalikin na siya ng Pilipinas!"

"Hala!" bulalas ni Nikki. "Ang laki naman ng babayaran niya! 680,000 pesos!"

"10,000 dahon dito sa Maharlika. 68 pesos ang palitan sa atin ng 1 dahon. Kaya kapag mayroon kang 500 dahon at nagpunta ka sa Pilipinas. Mayroon ka ng 34,000 pesos. Ganiyan kayaman ang Maharlika. Ang sarap tumira rito, 'no, para magtrabaho tapos pagbalik mo sa Pilipinas. Yayamanin ka na," ani Janina.

"Gaga! Wala silang OFW dito. Maharlikano't Maharlikana lang ang puwedeng magtrabaho rito. Sa pagkakaalam ko, open lang ang bansang ito sa Pilipinas para sa vacation pero sa trabaho… hindi." paliwanag ko. "Nag-try na 'ata sila magpapasok dito from Western countries pero hindi na naulit. Pilipinas lang talaga. Kaya masuwerte ang mga mapipiling asawa ng mga Maharlikano't Maharlikana na nagmula sa Pilipinas."

"Kaya patulan mo na si Ginoong Bebelabs mo, Ate Mandie," tumatawang sabi ni Patricia.

Natawa rin ako. "Kung mahihintay niya ko mag-30 years old at wala pa akong asawa. Sige, siya na lang! Haha!"

"Kayo rin mga gaga! Dito na lang kayo humanap ng jojowain niyo sa Maharlika. Madami namang pogi dito, eh, at masharap. Haha! Sina Ginoong Harinawa at Binibining Punyawa nga lang nakita kong malusog dito. Haha!" ani Patricia.

"Ayoko! Boring. Hindi ko talaga kaya nang walang cellphone," komento ni Janina. "Miss ko na mag-ML."

"Iyon nga lang… mag-a-adjust talaga kayo sa pamumuhay nila rito. Bawal tatamad-tamad! Haha!" dagdag pa ni Patricia.

"Kaya dapat… may isa sa ating magkakaibigan ang mag-asawa ng Maharlikano!" aniko. "Nikki, kung ayaw mong isumbong ka namin kay Jennica sa ginawa mong paghampas ng vase kay Renz. Sagutin mo ang isa sa ginoong lalapit sa'yo kahit hindi pa siya nagtatanong!"

Nagtawanan kami.

"Hoooo. Bakit ako? Ayoko nga. Hindi Maharlikano ang type ko, 'no!" angal ni Nikki.

"Eh, ano? Mas bata pa sa'yo? Sugar mommy hahaha!" asar dito ni Janina.

"Eeewwww…" Tumitirik ang mata na sambit ni Nikki, na siyang ikinatawa ulit namin. "Hindi, 'no! Parang gusto ko naman i-try ang Bicolano. Hihi! Moreno, bilugan at mapungay ang mga mata, matso at—"

"Teka nga… parang kilala ko kung sino iyan, Nikki! Si Dodong Señorito Lloyd ba iyan?!" putol ni Janina sa sinasabi ni Nikki.

"Hindi na ba sina Paul at Cero? Akala ko ba crush mo rin ang III King. Hahaha!" pambubuko rito ni Patricia.

NO ORDINARY LOVE IIWhere stories live. Discover now