NOL 89 (LXXXIX)

134 31 0
                                    

SAMSON PALERMO POV

*Kaharian ng Maharlika*

Patay na raw ang babaeng mukang baklang si Yna Tang. Natagpuan ang sunog na bangkay nito sa loob ng kaniyang  sasakyan. Na siya namang kinompirma ng mga magulang nito dahil sa suot nitong na-recover na jewelries and any personal things.

Lumalabas sa investigation na suicide ang nangyari dahil sa sulat na iniwan nito sa harap ng Mansion nila at sa post nito sa lahat ng kaniyang social media accounts. Na naglalaman nang pagpapaalam, pagpapasalamat at paghingi ng tawad sa lahat ng kaniyang naagribyado, lalo na sa pinsan kong unang reyna.

Case closed na agad. Hindi man lang nila inimbestigahan mabuti. Sigurado kasi ako, iyong sunog na bangkay roon sa loob ng kotse ay hindi si Yna. Sigurado akong buhay pa siya. Mali sana ang naiisip ko pero napakatanga niya kung makikipagtulungan siya sa taong nag-frame up sa kaniya. Kay King Katarata.

Nilingon ko si Kuya Primo, nahuli ko itong nag-smirked habang nanunuod ng balita sa TV. Tinignan ko rin naman si Kuya Lucas, nakadekwatro ito't iniikot-ikot ang kaniyang suot na singsing habang nakangisi ring tutok na tutok sa panonood ng TV.

Mukang natutuwa pa sila sa kalunos-lunos na nangyari kay Yna, kung si Yna nga talaga 'yon. At isa ring himala dahil hindi sila nag-comment about that news.

Iiling-iling na ibinalik ko na lang ang aking tingin sa kinukulayan kong coloring book na binigay sa akin ni Mommy after namin mag-lunch. Pinagpatuloy ko na lang ang pagko-color habang umiisip ako ng paraan kung paano ako makakalusot sa mga big brothers ko.

Nais kong lumabas ng kaharian at mamasyal bilang pangkaraniwang tao lamang. Nais ko rin masaksihan ng live ang parade. Ayoko nang sa tore lang iyon napapanuod kasama si Mommy. At nais ko rin makahalubilo ang mga kabataang Maharlikans upang malaman ko ng personal ang pinagkaiba ng kabataan dito at kabataan doon sa kinagisnan kong Pilipinas. Pati na rin ang kanilang mga pamumuhay. Na siyang akin lamang nababasa at nadidinig sa mga kuwento nina Mommy, Daddy, Kuya Lucas at Kuya Lucio.

Kung magpapaalam naman ako sa kanilang dalawa... Tiyak na hindi ako papayagan ni Kuya Lucas nang hindi siya kasama. Kung kay Kuya Primo naman, ipapaalam niya muna sa aming amang hari at sa aming ina. Kaya mas mabuting tumakas na lang ako, hustler naman ako pagdating sa bagay na iyon.

Madami ritong possible routes palabas ng kaharian, medyo challenging nga lang bago makalabas. Kailangan ko pa magdaan sa secret underground tunnel patungo sa iba't ibang barangay.

Dito sa barangay bathala, naroon sa imbakan ng tapayan ang lagusan ng secret underground tunnel. At ang labas no'n ay sa kalye isa. Hindi ko nga lang alam ang specific area kung saan sa kalye isa. 'Tsaka iyon ang pinakamalapit at nakabisado kong route sa mapa ng buong kaharian sa isang sulyap lang.

Sa tantya ko, mga nasa lima o pitong minuto lang ang gugugulin ko sa loob ng tunnel. Hindi ko na kasi nakita iyong sa ibang barangay, maybe next time 'pag nakapasok ulit ako sa secret room ng office ni Daddy.

Napatingin ako sa may pintong unti-unting bumubukas at sumilip doon si Seraphina Keiauri, agad kong binawi ang tingin ko rito't nagpatuloy sa pagko-color.

Hanggang dito ba naman in-stalk pa rin niya ako.

"Ano ang iyong kailangan munting binibini?" tanong ni Kuya Lucas kay Seraphina Keiauri.

"Ahh. Si Samson po, pinatatawag po siya ng reyna sa akin. Hihi."

Ginamit ko naman ang opportunity na ito para makatakas sa mga big brothers ko. Dali-dali kong iniligpit ang aking mga crayons and coloring book. Inilagay ko iyon sa ibabaw ng desk ko. Nagpaalam ako kina Kuya Primo at Kuya Lucas, saka nagmamadali akong lumabas.

NO ORDINARY LOVE IIWhere stories live. Discover now