NOL 93 (XCIII)

130 30 0
                                    

SAMSON PALERMO POV

Palihim kong minamatyagan ang mga Maharlikans na abalang-abala sa kanilang mga pinaggagawa sa courtyard. Masasabi kong kakaiba talaga sila. Sa tantya ko nga rin ay narito ang lahat, maski na ang mga datu na may mga katungkulan ay animong mga ordinaryo tao lamang na tumutulong, nakikipag-usap, nakikipagtawanan at biruan sa kanilang kapwa.

Isa pa, may mga kusa sila, hindi naman sila sinabihan ni Daddy na tumulong sa paghahanda para sa kaarawan ng big brothers. Basta-basta na lamang sila nagsipunta rito at nagdala ng kani-kanilang mga sangkalan, panghiwa at kung ano-ano pa. Na siya namang lubos na ikinasiya nila daddy.

Nais ko sanang makisali sa mga gumagawa ng palitao o 'yung maliliit na nilalagay sa bilo-bilo na pang-meryenda ngunit baka makita ako ni Daddy. Pinanonood pa naman niya ang mga tao roon sa office niya, at saka ang alam nila naroon ako sa office namin ng mga big brothers ko.

Kaya naman narito lang ako sa likod ng haliging medyo malapit sa kanila, kinukubli ko ang sarili ko rito upang hindi nila ako makita.

"Munting ginoo," kalabit sa akin ng kung sinong bata. Gagamitan ko sana ito ng self defense, pinigilan ko lang sarili ko.

Nilingon ko na lamang ito nang walang ka-emosyon-emosyon. Isang morenang batang babae ang bumungad sa akin. Kasing taas ko lamang siya, sa tingin ko nga'y kasing edad lamang namin siya ni Seraphina Keiauri. Tulad nila'y nakapang-tradisyonal din itong kasuotan, muka siyang kagalang-galang tignan ngunit puro uling ang kaniyang mukha. Subalit hindi naging hadlang iyon upang makita ang kaniyang maaliwalas na mukha.

"Kasama ka rin ba ng mga binibini at ginoong dayo?" tanong nito sa akin habang sinusuri ang aking kabuuan. Kinapa ko ulo ko, mabuti na lamang pala hindi ko naisuot ang aking korona. Pasimple ko ring kinapa 'yong kaliwang dibdib ko, wala rin 'yong golden pin ko, hindi ko rin naisuot. Kung kaya't ang tingin nito sa akin ay ordinaryong dayo lamang.

Tango lamang ang sinagot ko rito.

"Kalaykay!" Tinignan niya 'yong sumigaw mula roon sa courtyard. Sinamantala ko ang pagkakataon, nagmamadali akong sumibat papasok ng bahagyang nakaawang na pintuan ng aming kaharian at dito ko siya sinilip. Pati 'yong lumapit sa kaniyang batang lalaki na katulad din niya'y marungis at nakayapak. "Halika na, Kalaykay. Ipagpatuloy na natin ang pag-iisis ng kawa."

"Sige," sagot niya rito, at saka luminga-linga sa paligid. Marahil ay hinahanap niya ako. "Nasaan na ang munting ginoong dayo na aking kausap kanina?"

Umalis na ako sa pagkakasilip sa pinto. At ako'y napangiti dahil sa ngalan niya, Kalaykay.

Nagtungo na lamang ako sa office ni Daddy. Bahagyang nakaawang ang pinto nito kaya sumilip muna ako. Narito si Kuya Lucas sa office niya. Parehas silang nakatayo sa tabing bintana at nakatingin sa labas.

"Kung kaya't isinumpa ko sa aking sarili, isa sa mga anak ko, ang ikakasal sa isa sa mga anak niya. Iyon ay ikaw at ang aking inaanak na kumatawan bilang diyosa ng pag-ibig."

Napahakbang ako paatras dahil sa aking nadinig na sinabi ni Daddy.

"Iyon lamang ang aking kahilingan sa'yo, nawa'y hindi mo ako biguin, Lucas."

LLOYD MONGO POV

Pisting sawang 'yon! Sa diname-dame nameng nandoon sa tree house, sa'ken pa talaga napileng somama pababa. At nagawa pang pomasok sa pantalon ko't dini pomanaw sa pileng ng aking boto.

Na-soffocate sa warang katolad na halimoyak ng akeng boto't itlogs. Haist! Bohay nga naman ini, napakaikli. Rest in peace sa kaniya.

Pero mabote na lang talaga warang laman ang pantog ko ng mga oras na 'yon. Kunde, naihe na ako sa sobrang takot at kiliting dolot niya sa aking kabohayan.

NO ORDINARY LOVE IITempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang