NOL 71 (LXXI)

171 29 0
                                    

JENNICA MONIQUE SANCHEZ POV

Pababa na kaming lahat ngayon sa lighthouse. Para ngang kangaroo si Renz sa pagtalon-talon niya sa pagbaba sa bawat baitang ng hagdan. Kanina pa nga siya sa balcony ng lighthouse, pati nga mga friendships ko natatakot na sa pinaggagagawa niya. Baka kasi mamaya bumigay 'yung sahig at railings nung balcony. Napakadami pa naman namin doon.

"69, 70, 71, 72, 73, 74, 75. Bingo! 76, 77----"

"Tumigil ka na nga, hindi ka ba napapagod!" saway ko rito.

"Hindi," nakanguso niyang sagot sa'kin sabay tingin sa nakahawak niyang kamay sa braso ko. Tinanggal ko iyon, lupaypay itong umupo sa kinatatayuan naming baitang. "Low bat." Hinawakan ko siya. Nagulat naman ako sa bigla nitong pagtayo. "Full charge." Bumitaw ulit ako. "Low bat." Hinawakan ko ulit. "Full charge."

Natawa na lang ako. Hinayaan ko na lang siyang humawak sa braso ko at magtatalon sa pagbaba. Para talaga siyang sinapian ng 10 years old version niya. Haha!

Pagkalabas ng lighthouse, dumiretso kami sa may tabing dagat para panoorin sandali ang napakagandang sunset at para mag-picture picture na rin with Sole's Knights.

Napakasuwerte naman namin ng mga friendship ko't nakasama namin sila. Lalo naman ako, biruin niyo, nililigawan ako ng isang Jeron Renz Santillan na kinaku-curious-an ng lahat. Tapos kinaiinggitan pa ko ng babaeng kasing baho ng ugali niya ang kaniyang pangalan na si Yna, the red ligo sardines. Kung makatingin siya sa akin, akala mong kakainin ako ng buhay. At bilang ganti, nililisikan at tinitirikan ko rin siya ng mata. Akala niya siya lang marunong no'n, ako rin, 'no! 'Di ako papatalo sa katulad niyang sardinas. Hmmpft!

"Jennica." Kay Renz na nabaling ang atensyon ko. Umikyabit ito sa braso ko at hinila niya ko pasakay sa kararating lang na isa sa dalawang minivan-ang service na hinihintay namin pabalik sa Mansion. Sa second row kami pumuwesto, sa tabing bintana ako. "Komportable ka ba riyan? Or gusto mo palit tayo?"

"Hindi na. Okay na ko rito."

"Okay. Knock knock!" mahinang katok ni Renz sa noo ko.

"Ano na naman ba 'yan?"

"Basta sabihin mo whose there."

"Whose there?"

"Tuli na ako baby."

"Weh 'di nga? Haha!"

"Tsk. Jennica naman, eh. Ang dapat mong sabihin. Tuli na ako baby who."

"Oh, e'di tuli na ako baby who!"

Np: Hanggang Kailan by Orange and Lemon

"Labis na naiinip. Nayayamot, sa bawat saglit... Kapag naaalala ka. Wala naman akong magawa.. TULI NA AKO BABY."

Natawa ako. "Corny! Haha!"

".... TULI NA KO BABY. TULI NA KO BABY. TULI NA KO BABY. TULI NA KO BABBBYYY."

"Haha! Oo na! Tuli ka na nga. Pero mas bet pa rin kitang tawaging sueputh. Haha!"

Nakalabi itong umirap sa'kin. "Sige na nga, basta lagyan mo sa unahan ng baby. Para may ka-partner na si Baby cute."

"Baby Sueputh?" Masigla siyang tumango-tango. "Hahaha! Puwede! 'Tsaka na lang 'pag... boyfriend na kita."

Todo ngiti na naman ang bugok. "I can't wait to that moment. Paano ba maging girlfriend ka? Pa-experience naman kahit two days lang. You know, free trial."

"Hahaha! Ang dami mo talagang alam!" Hampas ko sa braso nito.

"Ouch! It hurts! Grabe naman 'yang kamay mo. Kakapiranggot pero kung makahampas daig pa sampung kargador sa wet market, ha!"

NO ORDINARY LOVE IIWhere stories live. Discover now