NOL 86 (LXXXVI)

157 41 0
                                    

LLOYD MONGO POV

Kitang-kita ng dalawang nandodomilat kong pogeng mga mata ang aksidinting pagkayakap ni II King Locas kay Jinneca. Loko naman kase itong si Fourth dod! Baket ba kase niya tinolak ang II King, alam naman niyang nasa harap nito si Jinneca.

Ngunit, ewan ko ba, given na ang pagiging madume ng utak ko. Likas na iyon sa pagkatao ko. Pero may iba akong nase-sense, 'yong tingen, 'yong ngite, Ewan ko, ha. Lalake rin ako kaya alam ko at ramdam ko ang kapwa kong lalake kong korsanada nila ang isang bebot.

Sa nakikita ko kay II King Lucas ngayon, mokang may something talaga. Parang may lihim na pagnanasa't pagtibok-tibok ng puso para kay Jinneca. But I'm not sure, ayoko maging judgemental kahit judgemental naman talaga ako.

"Hoy, dodong!" Hampas ng kung sino sa likod ko, kumalabog nga iyon.

"Aduy!" Sapo ko sa likod ko at hinarap ang brohang homampas sa aken. Babae kase ang boses pero 'yong hampas pang kargador sa palingke. Si Janena pala, ang anak ni Kapitana Juana. "Ano na naman ba problema mo?! Si Fort dod nga sabe nagbigay no'n! Hinde aku! Ilang bisis ko ba sa'yo sasabihen na pinaabot niya lang sa aken!"

"At ilang beses ko rin bang sasabihin sa iyong.." Humakbang ito palapet sa aken at tomingkayad para sigawan ang pagmomokha ko. "Alam kooo!"

Wooh! Pisting bonganga 'yan! Amoy Boy Bawang. Pwe!

Domistansya na ito sa aken. Nag-inhale, exhale naman ako at lomanghap ng hangin na amoy air freshener. Samantalang siya'y nagpatoloy sa pagkaen ng boy bawang at tinalikoran na ako.

Tignan mo lang brohang iyon matapos akong hampasen lalayasan na lang ako. Ni hinde man lang sinabe kung ano ang kailangan at rason kung baket ako pinisikal. Aba'y seguro nagpapansen sa aken. Iba talaga ang dolot ng kapogean ko. Mwahahaha!

Binalik ko na ulet ang tingen ko kina Jinneca at II King Locas. Paakyat na si Jinneca ng hagdan samantalang si II King Locas sinosondan siya ng tanaw paakyat.

Hmmmm.. Smell something-- Pisti! Nanonoot paren sa ilong ko ang Boy Bawang ni Janena.

JENNICA MONIQUE SANCHEZ POV

Pagtuntong ng eksaktong alas sais ng hapon, nagtipon-tipon kami sa living room nitong Villa Quintana dahil le-lecture-an kami ng tatlong hari ukol sa Maharlika in pure tagalog. Bawal na nga magsalita ng kahit anong lenggwahe para ma-practice na rin kami. Pansamantalang goodbye muna sa mga oppa ko. Huhu!

Ang ika-limang batang haring si Samson ang unang nag-discuss tungkol sa mga basic, you know bata pa kasi, pero ang choices of words niya ang lalim at halataing matalinong bata. Mukha ngang hindi siya eight years old kung magsalita.

Kinalabit-kalabit na naman ako ng nasa likuran namin ni Renz na bunsong kapatid ni Crayon. Si Seraphina Keiauri. At mukang ganoon din si Renz dahil nilingon din niya ito.

"Aking minumutya, sinisinta at iniibig si V King Samson," bulong nito sa amin, saka humagikgik na animong kilig na kilig. Pati tuloy kami ni Renz nahawa sa hagikgik niya. "Crush ko si Samson kasi pareho kami ng age, mag-seatmate kami at tunay siyang boy. Sasama ko sa Maharlika para kausapin ang Mommy at Daddy niya. Ipagpapaalam ko siyang i-date. Hihi! Secret lang iyon, huwag niyo sasabihin kay Kuya Crayon." salaysay pa nito, saka bumalik sa pagkakakalong sa Yaya niya.

Napahagikgik na lang ulit kami ni Renz at ibinalik na namin ang aming atensyon sa nasa harapang si Samson.

"Ang cute talaga ng mga bubuwit 'pag nagka-crush," humahagikgik na bulong ni Renz. "parang ikaw noon," pasimpleng dunggol nito sa akin.

"Wooo.. ikaw nga iyon, eh. Manahimik ka nga diyan. Makinig ka na lang," pabulong na saway ko rito.

"Yes po, Ma'am Bubuwit," humahagikgik na bulong pa nito.

NO ORDINARY LOVE IIOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz