NOL 69 (LXIX)

196 32 0
                                    

JERON RENZ SANTILLAN POV

After my graduation ceremony of being Summa Cum Laude on Bachelor of Science in Katorpehan na pinangunahan ng mga punyeta kong pinsan. Nandito naman kami ngayon sa front yard ng two storey house to celebrate my successful confession to Jennica and sa pagpayag din nito sa panliligaw ko sa kaniya.

Suot ko pa rin ang graduation cap and black gown, pati na rin ang five golden medal na may nakaukit na capital letter T. O. R. P. E each medal habang tinutulungan ko mag-ihaw ng pork and chicken barbeque ang pinaka-sanggang dikit ko sa Tropang V-Fresh na si Gian. Ka-video call namin sina John, Paul, Marc, Jinggoy, Constantine at Vivo.

Samantalang si Jennica, katabi ng mga girl friends niya roon sa harap ng videoke, nagkakantahan sila. Tanaw na tanaw ko siya rito. Tuwang-tuwa ang bubuwit kina Patricia, Mandie at Nikki na nagsasayaw sa harapan habang kumakanta ng 'Di ko na mapipigilan by Sexbomb'.

Hinihila siya ng mga ito sa harapan but ayaw naman niya. Sayang, e'di sana lalo akong na-inlove sa kaniya. Sabagay, tingin at ngiti niya lang, sapat na.

"Kung wala kaming pasok, makiki-celebrate kami, Boss! Kung puwede lang talaga umeskapo, umeskapo na kami!" ani Marc, humigop ito ng hawak niyang coffee, at nagpatuloy sa paglakad sa hallway ng restaurant na pinapasukan niya.

"Oo nga!" sang-ayon ng ka-triplets nitong sina John at Paul, naka-duty na sila sa private hospital na pinagtre-training-an nila.

"Me too. Sa pagbalik niyo na lang sa Bulacan tayo mag-celebrate," nakangiting ani Constantine, nasa crew rest compartment (CRCs) siya ng airplane na sinasakyan niya.

"Sure, have a safe trip, Constantine! And goodluck, triplets sa graveyard shift duty!" aniko.

"Thanks, Boss!" saludo sa akin nila Constantine. Sumaludo rin ako rito. "Guys, later or sa pag-uwi ko na lang, ha. Iidlip muna ako," paalam nito sa amin.

"Ngonnannin! Huwag mo ngangalimunan milin ngo, ha! (Constantine! Huwag mo kakalimutan bilin ko, ha!)" paalala ni Vivo rito.

"Daddy! Buy me nga ng quick-quick!" dinig naming sigaw ni Brittany sa background ni Vivo.

We laughed.

"Ano na namang quick-quick?! Kwek-kwek!" pagtatama ni Gian while laughing.

"Pareng bestfriend Vivo, ibili mo na ng tokneneng asawa mo!" ani Jinggoy. "Hindi kita masasamahan ngayon! May kliyente akong hinihintay!"

"Hey! Bro! What are you doing here?" Kay Kuya Aenon nabaling ang attention ko, kasunod niya ang mga punyeta naming pinsan na tawa nang tawa dahil sa suot niyang paper golden crown. Siya naman ang aming pagtutulong-tulungang alisin ang trust issues.

Dapat lang 'yon dahil ayaw niyang maunahan ko siya magpakasal. Kaya dapat lang na makahanap kami ng perfect woman for him na siyang makakatulong sa pag-eliminate ng trust issues niya. At saka 24 years of age na siya, sa edad niyang iyon nararapat lang na mag-girlfriend na siya't mag-asawa.

"Bro, puntahan mo na ang She's mine mo don. Kami na diyan ni Dammy," bulong pa ni Kuya sa akin.

"Okay, thanks," aniko kay Kuya. Sumilip ulit ako sa cellphone ni Gian. "Excuse guys, puntahan ko lang muna si Jennica. Thank you ulit sa inyo!" paalam ko sa aming ka-Tropang V-Fresh.

"Go, Pareng Boss!" cheer ni Jinggoy.

"Tara na, Fort Dod! Maki-parte-parte na tayu sa kanela!" Akbay sa akin ni Lloyd.

"Let's go!" ani Lloyd, inakbayan din ako nito. Hinila nila ako patabi kay Jennica, saka sila nakisayaw sa mga girls.

"Boss, may nakalimutan ka!" Abot sa'kin ni Gian ng bagong lutong chicken barbeque.

NO ORDINARY LOVE IIWhere stories live. Discover now