NOL 92 (XCII)

138 30 0
                                    

JENNICA MONIQUE SANCHEZ POV

(Tuesday, February 06, 2018)

*Bahay na Tisa II ng Kalye Isa, Maharlika*

"Oh, iyan na po ang breakfast niyo mahal na diyosa ng pag-ibig at pinakamahabang buhok sa balat ng lupa." Inilapag ni Ate Mandie sa side table ko 'yong isang tray ng pagkain. Pork Chao Fan, empanada, gatas at tubig ang laman no'n. Nagpasalamat na lang ako. "Babalik na po ako sa ibaba, ha. Itatak mo lang mabuti sa kokote mo 'yang binabasa mong Tagalog dictionary. At pakiusap lang, 'no, watch your words lalo na kung kaharap mo ang mga anak ng hari."

Tango lang ang sinagot ko rito para tantanan na niya ko sa panenermon. Kahapon pa sila, eh. Rinding-rindi na tenga ko sa paulit-ulit nilang sermon at sa pagpapamukha nila sa'kin ng mali ko. Ang sakit nila sa bangs.

"Siya nga pala..." Umupo ito sa tabi ko nang pa-sexy. "Anong masasabi mo kay Ginoong Alab na naglalagablab sa hot?" sabay beautiful eyes nito sa'kin.

Isinarado ko muna 'yong pinababasa niya sa aking tagalog dictionary at sumandal sa headboard. "Paano mo namang nasabing naglalagab siya sa hot? Nakita mo na ba..."

"Oo naman!" sagot kaagad nito kahit hindi pa tapos ang itatanong ko. "Actually, kanina lang, pinag-igib niya tayo ng panghugas ng kasangkapan, nang naka-topless. Pak na pak!"

"Mukang type mo naman pala, de go lang, support lang kita kung saan ka masaya. Pero paano na si Aenon my yeobo mo?" Biglang nalamukot muli mukha nito. "Suko ka na sa kaniya?"

"Hindi, 'no! Pagbabakasyonin ko muna rin ang feelings ko sa kaniya."

"Saan magbabakasyon? Sa piling ni Ginoong Alab? Kawawa naman pala siya kung nagkataon."

"Hahaha! Imbento ka talagang babaita ka!" mahinang tampal nito sa braso ko. "Na-misunderstood lang natin 'yong pa-liham niya kagabi. Kaya sa akin niya pinangalan 'yong sulat dahil ako ang pinakamatanda sa atin. At pinakamaganda. Charing. Haha! 'Tsaka nakikipagkaibigan lang siya, 'no. Maliban na lang kay Makisig.." makahulugan ako nitong tinignan.

"Akala ko ba naman. Tsk. Sayang!" nanghihinayang akong pumitik sa ere. Akala ko ba naman type siya ni Alab. Hindi pala! Sayang talaga! "Eh, bakit mo sa akin tinatanong kung ayos lang ba si Ginoong Alab kung hindi ka naman pala niya pinopormahan?"

"Sinabi ko bang para maging jowa? Hindi ba puwedeng friends?" nakairap nitong sabi sa'kin. Tumayo na ito't pinamewangan ako, back to galit-galitan mode na naman siya. "Ubusin mo lahat 'yan, ha. Pagkatapos mo, ibaba mo 'yang pinagkainan mo at hugasan mo."

"Masusunod po, Binibining Moore."

Umalis na ito. Hindi pa naman ako nagugutom kaya hindi ko muna iyon kinain. Nagpatuloy muna ako sa pagbabasa ng Tagalog dictionary. Sobra akong na-hooked sa mga malalalim na tagalog words na nakalathala rito. Bihira, in particular place or wala na kasing gumagamit nito sa Pilipinas. Pero rito sa Maharlika, gamit na gamit, walang tapon.

"Mga binibini!" sigaw ng Nanay nila Makagaga na si Aling Muyak mula sa ibaba habang kumakatok. Narinig ko ang pag-ingit ng pinto, pinagbuksan iyon ng mga friendships ko. "Halina kayo't saluhan niyo kami sa pinahandang almusal ng mga Datu para sa inyo."

Kaya pala maingay na naman sa labas dahil may salo-salo na naman pala.

"Sige po, susunod na po kami," dinig kong sagot dito ni Patricia. "Tatawagin ko lang po sila."

"Sandali lamang. Ang binibining diyosa ng pag-ibig? Kumusta na pakiramdam niya?"

Inabangan ko ang isasagot ni Patricia kay Aling Muyak ngunit hindi ko na iyon napakinggan dahil sa humahangos na si Ate Mandie. Pinahiga ako nito sa higaan ko at pinagpanggap na natutulog dahil aakyat daw rito sila Aling Muyak. Dadalawin daw ako ng mga datu at mga anak nito. Including Alab and Makisig.

NO ORDINARY LOVE IIWhere stories live. Discover now