NOL 75 (LXXV)

170 32 0
                                    

JENNICA MONIQUE SANCHEZ POV

Napalingon ako sa may gawing pinto dahil sa sunod-sunod na katok. Sa tingin ko, madami sila. Siguro, mga friendships ko.

Hala! Ano na kaya nangyari sa pagboso ni Nikki sa hotdog ni Renz? Napigilan kaya siya ni Ahbu?

Nagtatakbo ko palapit sa may pinto at binuksan iyon. "Ohh! Ahbu, ikaw lang pala. Grabe ka naman kung makakakatok."

"Pinabibigay sa'yo ni-- basta para sa'yo. Pinaghirapan naming i-bake 'yan para ibigay sa'yo." Abot nito sa'kin ng hugis bilog na malaking plato na may takip habang lumilinga-linga sa magkabilang gilid niya.

Tinanggap ko na lang iyon at nagpasalamat. "Ano na pala balita?"

"Hahaha! Nahuli namin siya ni Fourth dude. Hahaha! Until now hindi pa rin ako makapaniwalang may pagka-maniac pala siya. Hahaha! Magkakasundo kami. I like her. Hahaha!"

Mukang may balak pa yata siyang ipabilang si Nikki sa mga naging girlfriends niya, ha. Hindi puwede! Hmppft.

"Ganun lang 'yon puro kalokohan, sa amin nga lang mga friendships niya pero sa iba... hindi. Kaya kung ano man iyang tumatakbo sa utak mo ngayon, Ahbu. 'Wag mo na ituloy dahil ako ang kauna-unahang makakalaban mo."

"Hahaha! Easy lang! Haha! What I mean is.. makakasundo ko siya sa kalokohan, hindi lang pala siya pati na rin ang iba mo pang friends. Ayoko sa'yo, masyado kang mapanakit. Haha!"

Natawa rin ako. Naalala ko kasi 'yong nagawa ko sa kaniya noong nagdaang New Year. Siya naman kasi, may nalalaman pang pa-kiss-kiss sa kamay. Nakatikim tuloy siya sa'kin ng suntok. Tsk!

"Crush kaya kita! Haha! Kaya lang first come, first served basis kaming magka-cousins. Si Fourth dude nauna sa'yo kaya pinagbigyan ko na. Pero crush talaga kita. Tanong mo pa kay fourth dude, alam niya 'yan. Haha! Sige na, baka maabutan pa ko ni Fourth Dude. Enjoy!"

Humahagikgik itong umalis at siya namang labas ni Caerwin sa guest room na tinutuluyan niya.

Inagaw nito sa'kin ang hawak kong malaking plato at siya ang nagpasok non sa loob ng kuwarto ko.

"Ate pahingi, ha. Nagugutom ako, eh."

"Sige. Sige. Kukuha lang ako ng platito't kutsara."

Pagbalik ko, namimilog ang mga matang sinalubong ako ni Caerwin habang paulit-ulit niyang sinasabi... "Ang haba-haba, ang puti-puti, ang kinit-kinit at ang yaki-yaki, Ate!"

"Mahaba? Maputi? Makinis?Malaki? Ang ano?" kunot-noo kong sunod-sunod na tanong.

Itinuro lang nito ang nakatakip na plato. Humakbang na lang ako patungo roon para buksan iyong takip ng malaking plato. And tadah! Wow! White cake! Pero bakit ganito ang design, parang male organ ng lalaki.

"Hindi na nga tupot ti Teñowito Jewon, tuyi na tiya. Ang yaki-yaki ng hotdog niya, Ate! JUMBO!"

Nanghina ang buong sistema ko sa nakita ko at sa sinabi ni Caerwin. Pati na rin iyong nabasa kong note doon sa cake, na kopya iyon ng hotdog ni Renz.

Nabitawan ko ang hawak kong takip at napaupo ako sa sofa chair na katapat ko. Puwede bang dukutin muna sandali ang mata at utak? Tapos i-washing, banlawan ng tatlong beses, i-downy, i-dryer at isampay.

Mga walanghiyang pashnea! Argh!

"Pahingi ako, Ate, ha! Kahit 'yong ityog yang ni Teñowito Jewon. Tayo na ang JUMBO hotdog niya."

"Sandali!" Pigil ko sa kutsara nitong sasandok na sa cake. "Kunin mo muna cellphone ko, picture-an mo muna."

"Ayieee... ti ate," tukso pa nito sa'kin bago ako sundin.

NO ORDINARY LOVE IIWhere stories live. Discover now