NOL 88 (LXXXVIII)

127 23 0
                                    

JENNICA MONIQUE SANCHEZ POV

"Maligayang pagdating sa Maharlika!" in chorus na sabi ng mga nakahilerang flight attendant pagkababa naming lahat sa eroplano.

Hindi na sila mga naka-uniform naka-civilian na sila. Nakakatuwa nga 'yung maleta nilang gawa sa kahoy na pinunturahan lang. Parang maliit na cabinet na nilagyan lang nila ng handle at gulong.

Napatingin ako sa umukyabit sa aking si Renz. "Sa kaharian daw kami tutuloy," malungkot nitong balita.

Ichinika nga sa akin kanina nila Ate Mandie. Siyempre, kaibigan ng mga Palermo ang mga Santillan at Quintana. Malamang hindi talaga sila no'n pababayaang tumira sa kung saan lang. Pero sa kaso ko, hindi pa naman nila alam na ako ang first queen at saka mas gusto kong kasama ang mga friendship ko sa iisang bahay lang. Dadalaw-dalawin ko na lang doon si Ama at ang mga pinsan ko.

"De lalo mo pala akong mami-miss," humahagikgik na bulong ko rito.

"Sobra. 'Di bale, pupunta naman kami roon mamaya, eh. Dadaanan namin kayo para manood ng parada."

"Parada?" kunot-noong ulit ko.

"Binibining Jennica Monique Sanchez," banggit ni Lucas sa pangalan ko, dahilan para mapatingin silang lahat sa gawi namin ni Renz.

Hala! Sesermunan ba niya ako at ipapahiya dahil hindi ako nakikinig sa kung ano man ang sinasabi niya?

Lumapit siya sa akin at marahang ipinutong sa ulo ko ang hawak niyang cute silver crown na punong-puno ng kumikinang na diyamante at may pa-heart shape sa center.

Nagtataka kong tinapunan ng 'ano-ang-ibig-sabihin-nito?-look' ang nakangiting si Lucas. Wala pa sa usapan namin ni Ama ang pagpapakilala sa akin bilang first queen nitong Maharlika. At siguradong alam naman niya iyon pero bakit may pa-korona?

"Ipagpaumanhin mo, binibining Jennica ngunit ikaw ang napiling kinatawan ni Dian Masalanta, ang diyosa ng kagandahan, pag-ibig at kapayapaan. Binabati kita." Nagpalakpakan silang lahat.

Akala ko ba naman kung ano pero what? Ako? Pinandumilatan ko si Lucas at hindi makapaniwalang itinuro ko ang sarili ko gamit ang malaya kong kamay.

Tumango-tango lang ito habang tuloy pa rin sa pagpalakpak.

Weh? Hindi nga? Ako talaga? As in me? Pero bakit ako? Hindi naman ako taga rito, ha. I mean taga-rito ang ama ko at kamag-anak dahil bansa namin ito pero parang ang unfair naman no'n doon sa mga taga-Maharlikang naghahangad na maging kinatawan ng diyosang 'yon. 'Tsaka hindi naman ako mukang diyosa, manapa 'yong mga friendships ko. Si Patricia! Iyon ang madalas mag-muse sa amin, eh.

"Bagay naman sa'yo," komento ni Renz, saka kumalas sa pagkakaukyabit sa'kin upang pumalakpak ng wagas. Nakakahiya tuloy.

Tungkol siguro rito ang sinasabi ni Norby na gustong sabihin sa akin ng mga flight attendant. Super duper napaka-unexpected naman nito. On the spot talaga. Wala man lang coronation night or competition para mabingwit ang title na ito.

Pero ang tanong, kung ako ang kinatawan na diyosa ng pag-ibig, kagandahan at kalayaan kuno. Sino naman kaya 'yong napag-trip-an nilang koronahan sa lalaki? Sa pagkakatanda ko kasi may binanggit na diyos ng pag-ibig si Samson kahapon, eh.

After nila akong picture-an ng solo at magpakuha ng picture kasama ako. Lumabas na kami ng airport. Ang expected ko may mga media at reporter na naghihintay sa amin pero walang ganoon. Mabuti naman at binibigyan nila ng privacy ang mga anak ng hari. O hindi nila alam na dadating sila?

"Paumanhin, Kuting," bulong sa akin ni Lucas, sinabayan kami nito sa paglakad ni Renz. "Napag-utusan lamang ako ni Tiyo. Sigurado ka ba talagang hindi ka sasama sa amin sa Kaharian? Baka hanapin ka sa amin ni Tiyo."

NO ORDINARY LOVE IIWhere stories live. Discover now