NOL 83 (LXXXIII)

156 41 0
                                    

JERON RENZ SANTILLAN POV

"Pang-17 akung magpi-pirform!" untag ni Lloyd. "Kayo mga Dods?!"

"I'm next to you, 18!" tugon ni Dammy.

"Oi! Ako sa I! Si Daisy, nag-nuwebe-nuwebe! Disinuwebe!" Hyper na hyper namang sabi ni Ahbu.

"20!" pakling sambit ni Kuya, saka bored na bored na tumingin sa akin. Ganundin ang mga punyeta kong pinsan.

Dahan-dahan kong tinignan ang card kong nabunot na may nakasulat na number 21. "Haist! Closing ako! Tsk!" Bad trip talaga!

Hinahagod-hagod ni Ahbu ang likod ko. "Okay lang 'yan, Fourth dude! Matulog ka na muna tapos kami nila Couz Ae, maghahanap ng ka-fling!"

"Si III King Primo Lucio pala ang opening!" ani Dammy. Nagtinginan naman kami sa projector screen. Nagsisimula na itong mag-perform, tumutugtog ito ng violin.

Wala ako sa mood manood. Wala naman kasi rito si Jennica and I'm still worried at her. Hmm... Later pa naman ako magpe-perform. Mapuntahan muna kaya sila Jennica sa Villa Quintana. Then, babalik na lang ako rito 'pag yung number 17, si Lloyd na ang magpe-perform.

Brilliant idea, Jeron Renz! I Need Gian help to escape here. Sa mga punyeta kong cousins or sa tropa kong bagets sana ako magpapa-help but binilinan sila ni Mommy na huwag akong papaalisin. Dahil kung hindi, malupet na punishment ang maa-achieve nila after this party. Beast mode at bad trip pa naman si Mommy ngayon due to Mother f*ckers did.

Kahit nga kami nila Kuya't mga punyeta kong pinsan, hindi makapaniwalang magagawa niya iyon sa amin at sa ibang tao. Especially sa wala namang ginagawa sa kaniyang masama na si Jennica.

Nagsalita na ang pinuno ng Makuto group. Sinabi na nila kung sino ang nag-utos sa kanilang pasukin ang Rest House. Si Mother f*cker ang tinuturo nilang mastermind. Lumabas na rin ang totoong hinire niya yung lalaking muntik nang makakuha kay Jennica roon sa rest house.

Kanina lang nagsagawa ng search warrant doon sa mismong house nila sa Manila. Na-recover doon sa room niya ang iba't ibang knifes, guns, drugs, black gift box for Jennica, na naglalaman ng bulok na mga bulaklak. Iyon yung sinasabi nila Ahbu na nilinis during investigation doon sa rest house. Na pinaghinalaan pa nilang galing sa tusong karibal ko kuno kay Jennica. Wala naman palang ganoon, I'm relieved.

But hindi pa rin ako dapat makampante. Bukod sa mga sisiw at maning-mani kong karibal na sina Tagnong Maligno at Edritch, may dumagdag pang si Crayon.

Naalala ko tuloy sina Kuya at Ahbu, kung hindi ko siguro sinabi na si Jennica ang first love ko. Siguradong pati sila karibal ko. Kahit ngayon din naman, kahit hindi nila sabihin, alam kong may kakaiba pa rin sa tingin nila kay Jennica.

Haist! Ang bubuwit na iyon. Bakit ba kasi sumobra ang ganda't karisma niya! Okay na sa akin iyong tulad noon, cute lang.

"Fourth dude!" kalabit sa'kin ni Ahbu. Pinakita sa akin nito ang isang trending news post about sa rest house. Siyempre involved na naman kaming Sole's Knights, si Baby cute at ang pinaghahanap na ng kapulisan ngayon na si Mother F*cker. May video pa ngang panawagan ang Mommy ni Tang Yna, hindi namin iyon marinig dahil maingay rito. Umasa na lang kami sa subtitles.

Pinasusuko na nito si Mother F*cker, iyon ang paulit-ulit niyang sinasabi while crying. Nag-public apology naman ang Daddy niya na si Mr. Tang and sinabi rin nito na handa silang makipagtulungan sa mga kapulisan. Mabuti naman at hindi na nila kinunsinte ang mga krimeng pinaggagawa ng anak nila.

Biglang nag-appear ang name ni Crayon. Nag-chat siya kay Ahbu.

Crayon Quintana • active now

NO ORDINARY LOVE IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon