NOL 102 (CII)

100 27 0
                                    

JENNICA MONIQUE SANCHEZ POV

*Kaharian ng Maharlika*

"Kuting!" tawag sa akin ng kapapasok lang nitong kaharian na si Lucas. Nagtatakbo ito patungo sa grand staircase para habulin ako.

"Lucas!" aniko, sabay hagis ko sa kung saan ng doll shoes ko. Mas binilisan ko pa ang pag-akyat ng hagdan pa-second floor. Nang marating ko ang ikalawang palapag, nagtatakbo agad ako patungo tapat ng office ni Ama. Tamang-tama, wala ritong nakabantay na mga kawal.

"Kuting!" tawag ulit sa akin ni Lucas.

Nandumilat ako nang makita ko itong palapit na sa akin. Agad kong binuksan ang pinto at nagtatakbo ako patungo kay Ama na panay ang salita. 

Pagkalapit ko sa likuran ni Ama. Tinakpan ko agad ang bibig nito. Nagsitayuan ang mga gulat na gulat na mga Señorito, friendships ko at si Crayon.

"J-J-Jennica, anong ginagawa mo?!" nag-aalangan bulyaw sa akin ni Patricia.

"Ama, anong pinag-uusapan niyo? Bakit hindi ako kasali?" bulong ko rito.

"Jennica," may halong pananaway na tawag sa akin nila Renz, at akma pa itong lalapit sa amin para ilayo ako rito pero sinenyasan sila ni Ama na huwag na lumapit. Ganoon din si Lucas. 

Tinanggal ni Ama ang kamay kong nakatakip sa bibig niya. 'Tsaka ito humalakhak ng wagas. "Binibini, hindi naman kami naglalaro ng iyong mga kaibigan para ika'y aming isali. Napakalakas naman ng iyong loob na basta-basta lamang pumasok sa aking opisina upang takpan ang aking bibig. Alam mo ba ang kaparusahan sa iyong ginawang kalapastanganan sa akin, at sa ikalawang hari?"

"Alam ko po pero–" Tumingin ako sa mga friendships kong mas mukha pang takot sa sinabi ni Ama kesa sa akin. "Sige po, ayos lang po sa akin na pabalikin niyo na po ako sa Pilipinas. At ayos lang po sa akin na hindi na makatuntong pa rito sa Maharlika."

"At ako pa ngayon ay iyong pinangungunahan," umiiling habang tumatawang sabi ni Ama. "Napakapambihirang binibini."

"Eh, iyon po kaya nakasaad sa batas niyo, Haring Calisto," katwiran ko.

"H-haring Calisto, pagpasensyahan niyo na po ang kaibigan namin. Sa tingin ko po, wala siya sa tamang pag-iisip ngayon. Mukang pagod na po siya kaya siya nagkakaganiyan," ani Ate Mandie.

"Oo nga po," akala mong matataeng sang-ayon ni Patricia. Pinandilatan pa niya ko pero nginusuan ko lang siya.

Inilipat ko ang tingin ko kay Renz na seryosong nakatingin sa akin. Mukang hindi niya nagustuhan ang ginawa ko. Mukang galit siya. Yumuko na lang ako sa hiya.

"Sige na po. Aalis na po ako. Pasensya na po sa pag-istorbo ko sa inyo, Haring Calisto," mahinang aniko rito. Nagmamadali akong humakbang palayo kay Ama.

"Tigil!" Nahinto naman ako sa paghakbang. Nakanguso kong tinignan ang nasa tapat kong si Ama. Tanging office table lang niya ang pumapagitan sa aming dalawa. Itinukod nito ang magkabila niyang kamay sa lamesa at dahan-dahang tumayo habang nakatingin sa paa ko. "Bakit ika'y nayapak? Nasaan ang iyong panapin sa paa?"

"Tiyo…" Pakita ni Lucas sa bitbit nitong doll shoes ko. Pinulot niya pala iyon.

Nagpakawala ng malalim na buntong-hininga si Ama, at kunot-noo ako nitong tinignan. "Nais mo bang umuwi ng Pilipinas kasama ang iyong mga kaibigan?" 

"Opo naman po," nakangusong sagot ko agad. "Hindi po ko puwedeng magtagal dito. May trabaho pa po ako."

"Kung ayaw mong ika'y aking patigilin sa iyong hanap-buhay, at ika'y pamalagiin na lamang dito. Ako'y iyong sundin," seryosong sabi nito sa akin. Hihirit pa sana ako pero mas pinili ko na lang na tumango. "Alalahanin mong ika'y nasa aking poder ngayon, ako ang mananagot sa iyong ina kung sayo'y may mangyaring masama. Kung nais mo talagang makasama ang iyong mga kaibigan sa bahay na tisa. Ako'y huwag mong suwayin. At sa oras na ako'y muli mong suwayin at pag-alalahin… aking ipapalipat ang iyong kagamitan dito sa Kaharian."

NO ORDINARY LOVE IIWhere stories live. Discover now