NOL 85 (LXXXV)

144 31 0
                                    

JERON RENZ SANTILLAN POV

"Sa'yo ko ipagkakatiwala si Jennica, ha! Kaya kapag may nangyaring masama riyan, ikaw ang mananagot sa akin!" banta ni Ma'am Anana.

"O-opo. Yes po. Makakaasa po kayo. Ako po bahala sa kaniya. Ako po mismo ang maghahatid sa kaniya sa bahay niyo." Sinulyapan ko si Jennica na natutulog sa kandungan ko.

Napangiti ako nang makita ko siyang nakanganga, tinakpan ko na lang iyon ng kamay ko. Mahirap na, baka mapasukan pa ng kung ano.

"Kahit hindi mo naman sabihin 'yan, Anana. Gagawin naman 'yan ng manok ko. 'Di ba, Señorito Jeron Renz?" ani Sir Natoy.

"Yes po," nakangiting sagot ko agad.

"Oh, kita mo! Kaya hayaan mo na muna anak mong makapagbakasyon nang wala ang sermon mo at---"

"Kadramahan ko," dugtong ni Ma'am Anana. "Alam mo namang hindi ako mapakali kapag wala pa 'yang mga anak mo sa bahay."

Like Mommy, Grandma and my aunt's. Always may pingot when late ng umuwi and sometimes, grounded. Hehe.

"Sabi ko nga sa'yo magsanay ka na. Hindi naman habang buhay nasa poder natin si Jennica. Darating din ang panahon na magkakaroon din siya ng sarili niyang pamilya. Kaya nga hinahayaan ko na siya sa kung anong mga gusto niyang gawin. Nasa tamang edad na 'yan. 'Di ba ang usapan natin pagtuntong niya ng 20, hindi na tayo masyadong maghihigpit sa kaniya. Ikaw pa nakiusap sa akin niyan noon. Nung nag-aaral pa siya. Tapos ngayon binibigyan ko ng luwag, ikaw naman ang naghihigpit." mahabang paliwanag ni Sir Natoy.

Lagi na lang sila ganiyan. Hehe! But I agree on what Sir Natoy says. Kapag ikinasal na kami ni Jennica, sa poder ko na siya. I can't wait for that moment.

"Nag-aalala lang ako sa sitwasyon ng anak natin ngayon. Baka mamaya sundan sila ng Yna na iyon sa pupuntahan nila. Kaya ikaw, Renz! Maging alerto ka lang, ha! 'Wag mo hihiwalayan 'yang si Jennica."

"Yes po. Don't worry po, mahigpit po roon sa Maharlika. Hindi po basta-basta makakapasok po roon hangga't wala pong permit from the grandson's of Don Amadeo Palermo."

But hindi na namin kailangan ng permit dahil kasama na namin ang tatlong hari, at ang first queen. No need na rin ang passport. According to Lieutenant Viencis, pagdating namin roon sa airport ng Maharlika ay bibigyan kami ng ID as VIP guests nila. No need na rin magpunta sa airport dahil isasabay na lang nila kami sa sasakyan nilang private plane.

And they cancelled all the tourist flights pa-Maharlika from the last day of January until the second week of February. So, kami lang ang expected guests roon.

"Nasaan na nga pala ang ikalawang hari?" hanap ni Ma'am Anana kay Lieutenant Viencis. "Magpapasalamat lang ako sa kaniya sa ginawa niyang pagsama't pagbantay kay Jennica kagabi. At sa pag-imbita niya sa amin sa birthday niya, pero hindi naman kami makakapunta. Kailangan na talaga kasi namin bumalik sa Bulacan. May pasok na mga kapatid niya sa eskwelahan. Tinatawagan na rin itong si Natoy ng boss niya, pinapapasok na siya bukas."

I have no idea where he is. "Ako na lang po magsasabi sa kaniya." volunteer ko.

"Iyon naman pala, Anana. Ang manok ko na ang bahala. Tara na sa baba, ihihingi mo pa ng autograph si Thea kay Señorito Ahbu, 'di ba?"

"Oo nga pala! Mabuti na lang pinaalala mo!" anito kay Sir Natoy. Sa akin naman niya ibinaling ang tingin niya. "Isama mo nga pala sa paghatid sa bahay si Ahbu ng makadaupang palad naman siya ng tiyahin ni Jennica. 'Wag ka mag-alala may asawa na iyon. Hindi no'n dudukutin ang pinsan mo at wala rin akong ibang sasabihan."

"O-opo. Sige po."

And again, nagpaalam na ulit sila sa akin. Hinatid ko sila ng tingin patungong stairs at nang mawala na sila sa paningin ko, kay Jennica ko naman inilipat ang aking mga mata.

NO ORDINARY LOVE IIWhere stories live. Discover now