NOL 70 (LXX)

177 32 0
                                    

JENNICA MONIQUE SANCHEZ POV

Nabulabog ang pagtulog ko dahil sa bunganga ni Patricia at ang pagkalampag nito sa pinto naming mga babae. Oo nga pala! Nai-lock ko 'yon kagabi.

Tamad na tamad akong bumangon at inunlock ang pinto, saka ako bumalik ulit sa higaan ko para humiga sana ulit nang hilahin ako ni Patricia patayo. Lumagutok tuloy ang buto ko. Mabuti na lang laking Bear brand ako at hindi kaning lamig ang ginamit na pandikit sa mga buto ko.

Walangya namang babaeng ito! Balak pa yata akong balian. Ang sakit non, ha. Nagising tuloy ang natutulog kong kaluluwa, diwa at sistema.

"Tama na ang tulog. Ala una na ng hapon."

Nandumilat ako. "Hala! 'Di nga?!" Hinagilap ko ang cellphone ko para tignan ang oras. Baka kasi katulad din siya ng bolera kong ina na advanced ang relo. Pero, oo nga! Tatlong minuto na lang ang nalalabi mag-aalas two na. "Hala! Napasarap ang tulog ko."

"Ayy! Oo, iha! Kanina pa nga kami katok nang katok hindi ka magising-gising diyan!" Akala mong mangangain ng buhay na sabi ni Ate Mandie sa'kin.

Lumapit sa akin ang naka-hoodie jacket na si Nikki. Pinamewangan ako nito at ibinaba niya ang zipper ng suot niyang jacket para ipakita sa akin na naka-bra lang siya.

"Alam mo bang nag-bra lang ako kagabi dahil sinukahan ako ni Patricia," maarteng anito, halos magkandatirik-tirik ang mata niya habang nag- "Napaka-eeewwww... Pinahiram nga lang ako kagabi ni Cero nitong hoodie jacket niya!" At napalitan ng kilig ang pandidiri't inis niya.

"Sorry," nakanguso kong hingi ng despensa sa kanilang lahat.

"Ano ka ba, Jennica, okay lang iyon, 'no. Pabor na pabor nga sa akin iyong ginawa mong pag-lock sa kuwarto natin. Hihi!" kinikilig na sambit ni Nikki.

"Pero 'di ba, ang sabi bawal muna mag-room. Pasaway ka talaga, Bepeu." Kurot sa tagiliran ko ni Ate Mandie.

"Aray naman, Ate Mandie," angil ko rito.

"Hay naku, tama na muna iyang pagsesermon niyo kay Jennica!'' Kay Norby nabaling ang atensyon namin, nag-aayos na ito ng gamit niya. "Ang mas mabuti pang gawin niyo, mag-ayos ng mga sarili niyo at ng mga gamit niyo..."

"Bakit? Saan na naman tayo pupunta?" kunot-noong tanong ko.

"E'di babalik na ng Mansion!" hiyaw ni Patricia sa tapat ng tenga ko.

Bakit kailangan pang manigaw. Tsk! "Akala ko ba, 3 days tayong mag-stay rito?" tanong ko ulit habang nililinis ko ang tenga kong sinigawan ni Patricia.

"Pinababalik na raw tayo nila Doña Soledad," si Norby ang sumagot.

"Oo nga pala! Bago pala tayo bumalik ng Mansion...sama-sama tayong aakyat ng Lighthouse," eksayted na sambit ni Janina.

Na siya namang lalong ikinagising ng buong sistema ko. What the heights! Akala ko nakaligtas na ako. Sila lang kasi ang umakyat don sa pinakatuktok nung nakaraan. Pero ngayon, gusto nila, lahat talaga kami.

"May kasama pala tayong dalawang bisita. Iyong isa sunog at ang isa naman ay hilaw na babae," ani Patricia.

Na-curious naman ako kung sino ang tinutukoy nilang 'Sunog at Hilaw' kaya lumabas ako sa kuwarto namin ng mga friendships ko. At bumungad sa akin si Renz na may bitbit na isang tray ng pagkain, umuusok-usok pa 'yon.

Ang bango. Kumalam tuloy ang sikmura ko. Buti na lang may nagsa-soundtrip kaya hindi niya iyon nadinig.

"Good Morning and Good Afternoon Jennica Bubuwit!" ngiting-ngiting bati nito sa'kin. "Your brunch and merienda ready. Omurice for your breakfast. Adobong pusit with puso ng saging, sweet and spicy shrimp and yellow rice for your lunch. And spaghetti with full of my love for your merienda. Ako nagluto niyan lahat."

NO ORDINARY LOVE IIDove le storie prendono vita. Scoprilo ora