NOL 78 (LXXVIII)

166 33 1
                                    

JENNICA MONIQUE SANCHEZ POV

Paulit-ulit na nag-sink in sa aking isipan 'yong sinabi ni Crayon, para kasing may iba siyang ibig pakahulugan doon sa sinabi niya. 'Di kaya... kilala niya ang CEO ng Palermo Corporation? Kilala niya si Arkin?

Biglang tumunog ang cellphone kong hawak na siyang nagpabalik sa'kin sa wisyo, at nagpahinto sa aking pagparit-parito sa magkabilang sulok nitong guest room na tinutuluyan ko rito sa Villa Quintana. 

Umupo muna ako sa pinakadulong bahagi ng queen size bed, at saka ko tinignan kung sino ang tumatawag. From unknown number again, i-slide ko na sana ang decline red button. Kaya lang, naisip ko, baka si Renz itong tumatawag. Baka nagpalit na naman siya ng number or 'di naman kaya ay naki-call na naman siya sa kung kanino.

Sinagot ko na lang iyon. "Hello." Nagkasabay pa kami sa pagsabi no'n. May po nga lang yung kaniya, lalaki ang caller pero hindi si Renz. Hindi pogi ang boses, eh.

Para bang--- magdamag siyang nag-concert, bagong gising, nakalunok ng sirang pito, uminom ng yelo at nagkaroon ng tonsillitis dahil sa garalgal at malat niyang boses. Walang duda, siya 'yong loyal mister secretary ni Sir Kersey.

"Woah! Mister Del Monte Pineapple!" Natawa ito sa tawag ko sa kaniya. Del Monte talaga ang surname niya at favorite fruit naman niya ang pinya. Noong trainee palang ako, madalas niya ko utusan bumili ng pineapple juice, hawaiian pizza at pineapple pie. May isang na-develop na game sila Gian na sa kaniya hango ang main character, si DelMon. Haha! Kamukang-kamuka niya iyon, pineapple style nga lang 'yong buhok niya ro'n sa game. 

"Bakit po kayo napatawag? Back to work na po ba kayo? Ako naman po ang nag-vacation leave. Hihi."

"Sabi nga nila, may pasalubong pa naman ako sa'yo. Inilagay ko na lang sa desk mo."

"Woah! Salamat po."

"Kamusta naman ang iyong puso?"

"Hahaha! Ayos na ayos po. Sa tingin ko po, tama sila Gian, naligaw lang po ang puso ko ng landas. At masasabi ko pong nakabalik na siya sa taong tinitibok niya...noon pa man." 

Natawa na lang ito. "Sana nga magtuloy-tuloy na 'yan. Balitaan mo ko kung kailan kasal niyo. A-attend din ako." 

Napahagikgik ako. Hindi ko pa nga sinasagot si Renz, kasal na agad. Masyadong speed. Haha!

"Oo nga pala, maiba tayo, Miss Jen. After your vacation, may dinner tayo ni Sir Kersey with CEO."

"Na-meet ko na po siya, Mr. DelMon. Hihi! Ang bait po niya. Siya nga po nagbigay sa akin ng vacation leave." Kahit na, wala pa akong one year sa kompanya. Hihi.

"Miss Jen, may tanong ako," pabulong lang niya iyon sinabi. Mukang bawal madinig ng kung sino ang itatanong niya.

"Ano po iyon?" tanong ko.

"Kilala mo ba ang nag-iisang babaeng pinsan nila Sir Kersey?"

Nag-iisang babaeng pinsan? Eh, dalawa kaya kami ni Ada. "B-bakit po ninyo natanong?"

"Wala naman, curious lang ako kung sino siya. Hindi mo binasa 'yong file na sinend ko sa'yo, 'no!"  natatawang anito.

"Opo," pag-amin ko. Kung libro siguro ang ibinigay niya sa akin pagtyatyagaan ko iyon basahin.

"Haha! Sige na, baka nakakaistorbo na ko at saka may gagawin pa ko. Daming utos ni Sir Kersey, eh. Ingat kayo riyan. Pasalubong ko, ha."

Pinatay na nito ang tawag. Nagpakawala ako ng mala balon sa lalim na buntong hininga, saka ako pabagsak na humiga at tumulala sa puting kisame.

NO ORDINARY LOVE IIWhere stories live. Discover now