NOL 81 (LXXXI)

146 33 0
                                    

JENNICA MONIQUE SANCHEZ POV

Papasok na kami sa mismong loob ng venue nang harangin kami nina Ashiton at Phythos. Tinuro nito sa amin ang nasa right side naming hagdan na may nakalatag rin na carpet, blue nga lang ang kulay no'n.

So, may designated area pala for VIP guests or let me say para sa mga Palermo, Santillan, Fontana and Alicante. Wa-aw! Makakahalubilo't makakasama namin ang iba pang yayamanin.

Nagpasalamat kami sa mga ito at sinimulan na namin akyatin ang hagdan. Nang marating namin ang pinaka rurok no'n mahaba-habang hallway na naman ang sumalubong sa'min. Pero kahit malayo pa kami, tanaw na tanaw rito iyong tinted glass door na may nakabantay na dalawang guard.

Feeling ko nga magkaka-pulmonary disease talaga ako sa sobrang lakas ng aircon dito. Napakalamig. Naninigas ang mga buto't kasu-kasuan ko. Brrr.

Napayakap na lang ako sa sarili ko. Tinignan ko ang kasabay kong sueputh, nakanguso siyang nakatingin din sa'kin habang isa-isang ina-unbutton 'yong suot niyang Hawaiian shirt. Wala pa naman siyang dobleng sando.

Pashnea! Magkakasala na naman ang mga mata ko!

Iniwas ko agad ang tingin ko sa kaniya. "Hoy! Ano ba 'yang ginagawa mo!" sita ko rito. "Ibutones mo nga ulit 'yan! Ang lamig-lamig, eh!"

"Nilalamig ka, eh," anito.

Ayieee... Dapat pala hindi ko na siya tinignan para na-surprise na lang akong ipinatong niya sa balikat ko yung Hawaiian shirt niya. Tulad nung mga napapanuod kong eksena sa K-drama.

Kaya lang, baka siya naman ang magka-Pulmonary disease. 'Tsaka mawawalan siya ng suot. Baka pagnasaan pa ng mga makakitang kababaihan at kabaklaan ang katawan niya.

Kasali pa naman silang Sole's Knights sa program mamaya, isa siya roon sa 21 persons na magpe-perform. Mabuti nga't pinagbigyan niya 'yong request ni Crayon.

"Ah, basta! Ibutones mo ulit 'yan!" aniko.

Binati kami ng dalawang guard na nakabantay sa tinted glass door at pinagbuksan kami no'n. Wooden long bench chair with backrest sa magkabilang gilid ang bumungad sa amin.

Hindi na aircon ang hangin dito, fresh na from environment. Labas na pala ito nilagyan lang ng bubong, at tanging disco lights ang nagbibigay liwanag sa buong surroundings. Napakasakit din sa eardrums nung musics na nanggagaling sa malaking speaker na naka-hang doon sa kisame, sa bandang itaas ng tinted glass door.

Nakatakip ako sa tengang lumakad paabante. Pagkaraan namin sa wooden long bench chair, may restroom naman na magkatapat. Sa left side ang sa mga boys at sa right side naman ang para sa aming mga girls.

Pagkalagpas namin sa restroom may naaaninag akong maikling hagdan na naman paakyat sa malaking hugis barkong gawa sa kahoy. Yung parang sa Star City na Viking at Anchors away naman sa Enchanted Kingdom.

Naalala ko tuloy ang isa sa karanasang hindi ko malilimutan noong 4rth year high school ako. If I'm not mistaken fieldtrip namin iyon sa Star City.

Dahil sa last year na namin iyon sa high school, sapilitan akong pinasakay nina Nikki and Patricia sa Viking. Sa pinaka-center pa talaga kami pumuwesto at pinagitnaan din ako ng mga gaga. Juicecolored! Mahimatay-himatay ako no'n sa sobrang takot. Pagkababa nga namin doon may nasukahan akong boy from all boys private school. Kasabayan din naming mag-fieldtrip.

Nalimutan ko na kung ano pangalan niya basta mabait siya at mahiyain din dahil hindi siya nagpapakita ng mukha. Hindi niya sa'kin pinabayaran o pinalabhan ang uniform niya.

"Jennica!" Kaway ni Renz sa harapan ng mukha ko. Tinignan ko siya. "Ayos ka lang?"

Tumango-tango ako. "Oo naman!" Inilipat ko ulit ang tingin ko sa hagdan-- kung saan pababa roon ang isang lalaking naka-black formal attire. Hindi ko gaanong maaninag mukha niya, napakasakit sa mata ng napakalikot na ilaw ng disco lights. Naiirita mata ko, naka-contact lens pa naman ako.

NO ORDINARY LOVE IIOnde histórias criam vida. Descubra agora