NOL 77 (LXXVII)

167 31 0
                                    

JERON RENZ SANTILLAN POV

"Tangeneng bonding 'to! Lakas makabading!" reklamo ko habang sinusundan ko 'yong bawat galaw ng annoying zumba instructor doon sa may stage.

Ang inaasahan naming pang papawis na sinasabi nila Uncle Ang, basketball, volleyball, basta lahat ng ginagamitan ng ball. Pormang-porma pa naman kami ng mga punyeta kong pinsan. Pakekendengin lang pala kami ng to the left, to the right. Tangeners talaga!

"Fourth dude!" sipa sa butt ko ng nasa likod kong si Ahbu.

"Ouch!" hilot ko sa butt ko. Huminto ako sa pagsayaw at nilingon ito. Lumipat ito left side ko habang todo indak. Imbis na mainis, natawa pa ko at gumalaw-galaw na lang ulit. Mahirap na't baka mapa-special mention pa ako ng baklang annoying zumba instructor na mahilig manita.

Favorite nga niyang punahin sina Kuya Aenon, Dammy and Lloyd na naroon sa pinakaharapan.

"After this, Fourth Dude. Diretso tayo ng Quintana Hotel and Resort, puntahan natin sila Jennica roon."

Tumango naman agad ako. "Sige ba!"

"Boss, sama kami," sabat ni Gian na nasa harapan namin, at ganoon din ang mga tropang bagets kong nasa bandang unahan ng mga ito. Lakas ng mga pandinig basta galaan.

"Teñowito Jewon," sanggi sa'kin ng nasa right side kong si Caerwin, the lalaking tuod. Puro kamay at paa lang kasi ang gumagalaw sa kaniya, pero daig pa niya ang octopus na maraming galamay. Maraming natatamaan at napeperwisyo, magaling lang ako umiwas.

Para siyang Thailand dancer na puro pilantik lang ng daliri, effortless na effortless but nakakasabay. Lupet!

"Tino po tiya?" turo nito sa pamamagitan ng nguso, sa apat na babaeng nakatayo sa likod ng zumba instructor sa may stage.

"Tauhan sila ni Kuya," pakli kong tugon rito. Sila ang sources of information ni Kuya Aenon, ang tawag sa kanila ay Team Flowers--- Jasmine, Pansy, Marigold and Fuchsia.

Believe it or not but I'm sure na maniniwala talaga kayo. Haha! All of them are Ahbu's Ex Girlfriend. Hobby na talaga ng punyeta kong pinsan na ito ang mangolekta ng babae. Hindi makuntento sa isa. Hindi niya ko gayahin. Si Jennica lang mula noon hanggang sa aking walang katapusang pagkabuhay.

Almost 3 hours palang kaming magkahiwalay, nami-miss ko na agad siya. 'Di bale, konting tiis na lang, makikita ko rin siya after this Zumbannoying.

Lakas naman kasi ng trip nina Uncle Ang, Uncle Mongo and Uncle Koto. Kung alam ko lang na ganito at kung alam ko ring sa Quintana Hotel and Resort pupunta sila Jennica. E'di sana, pumayag na lang din ako sa suggestions ni Kuya na roon na lang din kami. Huli ko na kasing nalaman na roon sila pupunta. Ayaw kasi sabihin nila Mommy sa'kin, eh! Tsk!

Pinagpahinga muna kami ng baklang annoying zumba instructor. Lumapit agad ako sa gamit ko at kinuha ang iPhone X ko para kumustahin ang bubuwit. Tinawagan ko siya ng mga fourteen times but hindi niya sinasagot, mukang busy ang bubuwit sa pagpapaganda para sa'kin. Hehe!

Tinadtad ko na lang siya ng sweet text messages at saka ko in-open ang mga report sa'kin ng sources of information ko. But hindi ko na iyon nabasa dahil sa annoying zumba instructor. Simula na ulit. Tsk!

Wala pa ngang 10 minutes, eh! Marunong ba siya gumamit ng timer? At tumingin ng oras. Tsk!

"Fort dod!" Akbay sa'kin ni Lloyd. "Good news, sa Quintana Hotel and Resort daw tayu didiritsu pagkatapos naten mag-Zomba. Iso-sorprise raw naten sila Mommy. Mwahaha!"

"Okay," ngiting-ngiti kong saad.

Bumalik na ulit ito sa pumwesto niya sa unahan. Ganoon din naman kami.

NO ORDINARY LOVE IIWhere stories live. Discover now