Chapter 1

513K 7.2K 482
                                    

Chapter 1
(*edited)




HANNA'S POV





"Mag-iingat ka hija." Sabi ni Tita sa akin.




"Sige po. Thank you din po sa pagpapahiram nyo sa akin ng driver nyo." I said to my aunt. Tumingin ako kay Yuri, yung 15-year-old na pinsan ko. "Bye, Yuri. Next year talaga, promise, magbabakasyon ulit ako dito sa inyo."




She hugged me. "Promise 'yun ha?" Bumitaw ako sa pagkakayakap nya. "Manong Bert, ingatan mo tong clumsy na to ha?" Bilin nya doon sa driver nila. She then chuckled. I just nodded as I pout my lips.




Nang matapos ng ilagay yung mga gamit ko sa trunk ng kotse, na kotse din nila Tita, sumakay na ako. I waved goodbye to them. Next year na ulit kami magkikita.




The driver started the engine then I dialled my father's number para ipaalam ko sa kanila na pauwi na ako.




"Hello Papa?"




He answered. "Yes, Hanna? Pauwi ka na ba?"




Napatingin ako sa labas ng bintana. "Opo. Papa naman, naudlot na nga yung bakasyon ko kila Tita para lang makauwi sa birthday ni Hunter eh. Wag nyo naman akong pagalitan."




He sighed. "Okay, sige. Bye. Ingat pauwi."




Binaba ko na yung phone. Nakakainis talaga si Papa. Dapat two weeks pa yung vacation ko kila Tita eh. Kaso pinauwi ako ni Papa para sa birthday ni Hunter, yung younger brother ko.




Actually, naiintindihan ko naman sila kasi one whole year akong di nila kasama tapos doon kaagad ako didirecho sa Tita ko para magbakasyon. I want to spend time sa Tita ko, the fact na close kami ni Yuri. Wala din naman akong kapatid na babae kaya ka-close ko sya.




I am studying sa isang boarding school sa Cavite kaya dun din kami nakatira sa boarding school na 'yon.




"Manong, ilang oras po ba ang byahe pabalik ng Manila?" Tanong ko kay Manong Bert.




"Miss Hanna, matagal pa po."




Kinuha ko yung bag ko para ilagay doon yung phone ko. May naka engraved pa nga na "H.Y.L." doon sa bag eh. Abbreviation para sa pangalang Hanna Ysabelle Lim.




It may sound weird pero ganun yung mga bags sa school na pinapasukan ko. Lahat ng estudyante, kailangan may naka-engraved na initials ng pangalan sa bag. Ewan ko ba.




Naglaro lang ako sa cellphone ko habang bumabyahe kami sa expressway.




After an hour or so, nagpaalam sa akin si Manong para magstop-over muna sa isang convenience store. Gutom na din ako kaya pumayag ako.




Nang makababa na si Manong, bumaba din ako. Pumasok ako sa convenience store para bumili ng makakain.




Uhmm..... Di naman ako pwedeng kumuha ng beer kasi 16 pa lang ako kaya rootbeer na lang. Tsaka kape para kay Manong. Kumuha na din ako ng chips. Madaming chips. Mahilig kasi ako sa junkfoods pero hindi ako tumataba. Mabilis daw kasi yung metabolism ko sabi ni Mama.




Pumila na ako sa counter para mabayaran na tong bibilhin ko saka para makakain na ako.




Ano ba yan. This line is taking so long! I'm not an impatient person pero sobrang gutom na ako. More than 5 minutes na pero nandito pa din yung lalaki sa harap ko. Ano kayang problema nito?




His High School Wife (ON-GOING)Where stories live. Discover now