"What a boring fight," ani ng mga lalaking kasama nila sa kuwarto, nagawa pa siyang lingunin ng isa sa mga ito at ginawaran siya ng matalim na tingin. Hindi naman siya nagpatinag at wala siyang takot na naramdaman. Dahil alam niya sa sariling magagawa silang iligtas ni Zairus mula sa mga ito.

Kaya bilang ganti ay nagawang makipagtagisan ng tingin ni Louisse sa lalaki para lang maputol iyon nang muling pumasok si Reese ng silid. Bakas din sa mukha nito ang disappointment. Tila inaasam ng lalaki na mapapatumba ng mga tauhan sila Ezehiel at Zairus.

Mabibilis ang hakbang nitong tinungo siya at halos mapangiwi si Louisse nang hawakan siya nito sa kan'yang palapulsuhan, ramdam niya ang galit na nararamdaman ng lalaki sa mga oras na iyon. Mula sa peripheral vision niya ay nakita niyang pinilit na tumayo ni Tonyo. "Reese," may babala sa tono nito.

Ngumisi naman si Reese saka lumapit ng bahagya sa kan'yang tainga at bumulong. "Huwag ka munang magpakasaya, Louisse. You still haven't seen your son, don't you?"

Alam na alam talaga ng lalaki kung paano siya inisin. Ang sayang lumukob sa kan'ya kanina ay napalitan nanaman ng galit at kaba, pero siniguro niyang hindi niya ipinapakita ang emosyon na iyon sa lalaki.

"And you know what, Reese? You're a coward! Taking my son as your hostage just because you knew to yourself that you're no match against Zairus."

Mas lalong nag-alab sa galit ang mga mata nito dahil sa kan'yang sinambit. She already expected what he will going to do when Reese suddenly pulled her hair. Tuloy ay pakiramdam ni Louisse ay matatanggal ang kan'yang anit nang nasa gano'n pa rin silang lagay ay kinaladkad siya ng lalaki papalabas ng pintuan. Rinig niya ang sigaw ni Tonyo mula sa kan'yang likuran.

"Bring him! And don't forget to gag his mouth and tie his hands again. He's getting into my nerve!" Gigil na sambit ng lalaki.

Ilang hakbang lamang ang ginawa ni Reese at malakas siya nitong binalibag papasok ng kuwarto. Tumama ang likuran niyang bahagi sa isang upuang gawa sa bakal kaya halos mamilipit siya sa sakit. Hindi pa nakuntento ang lalaki at muli nanaman siyang sinabunutan at wala siyang nagawa nang sapilitin nitong iangat ang kan'yang ulo. May hawak na maliit na remote si Reese saka nito ni-on ang monitor sa kanilang harapan, mula ro'n ay nakita niya ang anak na nakabusal ang bibig, nakatali ang dalawa nitong kamay sa likurang bahagi nito at nakaupo sa mono block chair. May dalawang lalaking nakabantay sa magkabilang gilid ng anak.

Galit siyang lumingon kay Reese. Noon naman ito ngumisi dahil sa naging reaksyon niya. "Anong laban ng anak ko sa bantay niya ha, Reese? He's only five years old for godness sake!"

"But that five years old help you to escape Aiden, right? Mas mainam nang nag-iingat, Louisse. Manalangin ka na lang na wala akong maisip na masamang gawin sa kan'ya," walang emosyong sambit ng lalaki at nagawa pang mas lalong diinan ang pagkakahawak sa kan'yang buhok.

"Don't you dare lay your hands to my son, Reese. Hinding-hindi kita mapapatawad."

"Oh, no, Louisse. I didn't need your forgiveness. But I will enjoy if you will suffer because you couldn't do nothing for your son's sake. Maghihintay ka lang dito hanggang sa iligtas ka ni Zairus. If... he can."

"He can, Reese. He will do it for us because he loves us. But how about you, Reese? Does anyone loves you?" pangungutya niya rito.

Gano'n na lang ang pagkabigla ni Louisse nang hawak pa rin ni Reese ang buhok niya nang itayo siya nito at malakas siyang sinampal na naging dahilan nang pagkatumba niya sa sahig. Ramdam niya rin ang pagtama ng ulo niya ro'n.

"Don't test my patience, Louisse. Mabait pa ako sa lagay na 'to. Dahil hindi mo gugustuhing ibaling ko ang galit ko sa ama, sa kan'yang anak."

Ilang minuto na rin ang lumipas nang bigla na lang silang iwan sa kuwartong iyon ni Reese. Nagawa niya ring tulungan si Tonyo na kalagan ang mga kamay nito. Gustuhin mang buksan ni Louisse ang monitor sa harapan nila para kahit sa gano'n man lang na paraan ay masilayan niya ang kalagayan ng anak pero umalis si Reese na dala ang maliit na remote control para buksan ang TV na iyon.

"Louisse," pagkuha ni Tonyo sa kan'yang atensyon. Mula sa tinititigang TV ay nilingon niya ito. "I'm sorry."

"For what?" mahina niyang tanong, tila nawalan ng lakas ang kan'yang katawan.

"For everything." Huminga ito nang malalim saka nagpatuloy. "If I didn't plan to join hands to Reese, this will not happened."

"Pero nangyari na, Tonyo. Nangyari na..." turan niya saka muling tumingin sa monitor. "Naging masama ba ako sa'yo nang mga panahong nasa ampunan pa tayo?"

Mabilis naman sa alas-kuwatrong lumuhod sa kan'yang harapan si Tonyo, tila hindi na nito iniinda ang mga pasa, saka sunod-sunod na umiling. "Don't say that, Louisse. Ikaw lang ang taong nagpakita ng kabutihan sa akin noon. Nagpapasalamat ako na naging magkaibigan tayo."

"Then, why?" Hindi na niya napigilang pumiyok ang boses. "Why did you do this to me, Tonyo? Why did you do this to my son?" Tumawa siya ng pagak. "You don't know how scared I was just to ensure my son's safety because I never thought that the person I trusted would be a nightmare for us."

Napapikit ang lalaki hanggang sa nagawa nitong humugot ng malalim na hininga, saka tumingin ng diretso sa kan'yang mga mata. "Katulad mo ay may iniingatan din akong mahalagang tao sa buhay ko, Louisse. Bukod sa'yo ay siya lang 'yong taong nagpakita sa akin ng totoong pagmamahal. Sabay kaming nangarap at masyado akong naging abala sa pagbuo sa pangarap naming dalawa na hindi ko akalaing siya ang magiging kabayaran."

Nangunot naman ang kan'yang noo. "What do you mean?"

Muli itong naupo sa tabi niya at ito naman ang nakatulalang tumingin sa monitor sa kanilang harapan. "We both had a dream to build a company under our name. Akala ko magiging successful. Pero maraming naging hadlang. Hanggang sa nalugmog ako nang bumagsak ang kumpanyang dugo't pawis naming itinayong magkasintahan. Akala ko wala na kaming pag-asa, until Reese show up. Akala ko mabait na investor lang siyang naghahangad na muling umangat ang kumpanya namin at nagawa niya pang mare-brand ang kumpanyang pinagpaguran namin. But he show his true color when my fiancée died in a tragic accident. Kailan ko lang nalaman na siya pala ang nakabangga sa mag-ina ko pero hindi ko na siya magawang takasan dahil sa patong-patong kong pagkakautang sa kan'ya."

Hindi magawang makapagsalita ni Louisse dahil sa naging rebelasyon ni Tonyo. "Alam kong hindi ako naging mabuting kaibigan sa'yo dahil nalagay ko sa alanganin ang mag-ama mo. But trust me,Louisse. When I came to my senses, I was really planning to tell you the truth, but Reese did everything para lang harangan lahat ng pinaplano ko."

Muli siya nitong nilingon at mahigpit na hinawakan ang kan'yang kamay. "I know I can't rise from the darkness I'm in. But I'm not planning to take you with me. I also know it's too late to regret but the least that I can do is to make it right."

Nang makita niyang tumulo ang mga luha sa mga mata ni Tonyo ay wala siyang nagawa kung hindi ang yakapin ito nang mahigpit habang patuloy nitong sinasambit ang katagang, "I'm sorry."

The UnWanted Billionaire Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin