"NEO!" Tawag ko muli sabay pinagsisipa ang ang pinto ngunit hindi ko magawa dahil makapal ito.

"Reiner, stop what were you doing." Hindi ko pinakinggan ang gago bagkus ay patuloy ako sa pagsipa at hampas ng pinto.

"REINER!" Kahit sumigaw pa ito ay hindi ko ito pinapakinggan dahil gustong gusto ko na masira 'tong pinto sa harap ko at makuha si Neo sa loob.

Ramdam kong may humila sa akin papalayo sa pinto.

"Ryder ano ba! Kailangan ni Neo ng tulong!" Ngunit hindi ako nito pinakinggan pero may kinuha itong susi sa bulsa niya at binuksan ang pinto.

Nang mabuksan ay bakas sa mukha namin ni Ryder ang gulat nang makita ang kalagayan ni Neo. Namumutla ito at pinagpapawisan ng husto. Mas nagulat ako sa ginawa ni Ryder, tumakbo ito papalapit kay Neo at binuhat sabay tumakbo palabas.

Tinanggal ko ang pagkakapit sa akin ng isang guard sabay sinundan si Ryder. Kahit hindi namin makita ang daan ay patuloy lang kaming dalawa ni Ryder sa pagtakbo.

"Ready the car." Utos ni Ryder sa maid na nakatingin sa kaniya na nagtataka sabay nabaling ang tingin nito kay Neo na buhat ni Ryder.

"Bakit po Si--"

"FUCKING READY IT!" nagulat pa ito sa biglang pagsigaw ni Ryder kaya dali dali itong lumabas upang ihanda ang sasakyan.

"Babe, what's happening here?" Napatingin ako kay Noemi na kakalabas lang mula sa kwarto ni Ryder. Bakit pa kaya naka wheelchair ito eh halos ilang linggo na ang nakalipas simula nang mangyari ang aksidente sa kaniya.

Kita kong napadako ang mata nitong Noemi sa walang malay na si Neo at masama niya itong tinitigan. Napangisi naman ako dahil lumalabas ang tunay nitong ugali.

"Why not give it to Reiner?" Ngunit hindi na ito pinansin pa ni Ryder dahil tumakbo palabas si Ryder sabay dahan dahan inilapag ang katawan ni Neo sa backseat.

Agad naman akong nagtungo sa kotse ko upang sundan sila dahil baka masampal ko lang si Noemi kapag nagpaiwan ako doon.

Naunang nakarating si Ryder sa hospital dahil natraffic pa ako tangina talaga.

Pagkarating ko ay may nag-gayad sa akin kung nasaan si Neo at nasa isang Private room ito.

"Ano daw nangyari?" Tanong ko kay Ryder nang makarating na ako. Napatingin ako kay Neo na may dextrose na ito. Nasa tabi naman nito si Ryder na pinupunasan ang mga pawis ni Neo. Tignan mo 'tong gagong 'to ngayon grabe naman yung care na pinapakita kay Neo hindi ko talaga alam ano tumatakbo sa utak nito.

"The doctor said he will be fine soon, he is just having high fever." Napatango naman ako sa lumapit sabay umupo sa sofa  sa gilid ng kama.

"Huwag mo ng ibalik sa curse room si Neo." Seryoso ang tono ko ng sabihin ko iyon, hindi umimik si Ryder dahil nakamasid ito sa natutulog na Neo. Pakiramdam ko ay nagkakagusto na 'tong si Ryder kay Neo at hindi lang magawang maamin dahil kay Noemi. Patayin ko nalang kaya si Noemi.

"Pwede bang bumili ka ng maraming pagkain? I want Neo to eat more once he woke up." Napataas naman ang kilay ko dahil sa utos nito pero lumabas rin ako at namili ng mga pagkain.

"That will be 1,151 pesos sir." Kumuha ako ng 1,200 pesos sa pitaka ko't binigay sa cashier. Nag-order rin ako ng mga healthy foods dahil nababagay iyon kay Neo lalo na't may sakit ito ngayon.

Pagkakuha ko ng mga pagkain ay nagtungo agad ako sa hospital naglakad papunta sa kwarto kung nasaan si Neo. Halos gusto ko pa ngang mabitawan ang mga pagkain dahil sa nasaksihan ko.

Si Ryder na nakahiga katabi si Neo at yakap niya ito at parehong tulog. Dahil sa kapilyuhan ay kumuha ako ng phone ko sabay tinutok sa kanila upang makuhaan sila ng litrato.

Fated With YouWhere stories live. Discover now