Kabanata 25

10 1 0
                                    


"You think magiging kagaya ako ni Papà?"

Isang hapon habang nasa coffee shop ako kung saan naroon si Acevl. Kakaunti ang customers ngayon kaya may oras siya para kausapin ako. Wala akong kasamang driver dahil nasa Lian pa ito, nasiraan ng kotse si Mamà kaya kailangan ng back-up car. Wala sa Batangas si Papà dahil bumalik sa Manila. May kailangan siyang ayusin sa kompanya. Mukhang matatagalan pa bago ako masundo sa school kaya mas maigi kung dumiretso na lang ako rito at mag meryenda.

Night shift na si Acevl dahil may pasok sa umaga. Sa ganitong edad ay nag ta-trabaho na agad siya. Kaya pala minsan ay walang energy tuwing umaga. 5 P.M. to 1 A.M. ang oras niya at sinusundo siya rito ni Tito Leo.

"Of course! Ikaw pa."

Napangiti ako. Kahit papaano ay nabawasan ang stress ko sa buhay. Mula noong umalis si Papà ay nagsimula na ang buhay impyerno ko. Tuwing uwian ay pumupunta ako sa farm para asikasuhin ang mga bagong harvest at ilang hayop. Tinutulungan naman ako nina Kuya Gio kaso minsan ay may meeting sila o 'di kaya ay nasa ibang farm. Sinasadya kong magpahuling lumabas tuwing hapon at dumidiretso dito para saktong simula na ng shift ni Acevl.

"Kung papipiliin ka ng makakasama mo habang buhay, bakit ako?" Napatigil sa papupunas ng mesa si Acevl at tumingin sa paligid bago bumaling ng tingin sa akin.

"Why not you?" Pabalik na tanong niya at ngumisi. He really knows how to make me blush. He's always using that reverse card, in the end, I'm the one who's blusing not him.

Tuwing mauubos ang order ko ay umo-order ako nang panibago para hindi sayang ang oras na itinatambay ko rito. Hindi nalulugi ang shop ng may-ari.

"Baka naman nerbyosin ka na sa kapeng 'yan?" Tumatawang sabi ni Acevl at ibinaba ang order ko. Umupo siya sa harap ko dahil wala namang ibang customer kundi ako na lamang. Lumulubog na rin ang araw at nag-uuwian na ang ibang estudyante mula sa ibang paaralan.

"Titig ka nang titig, crush mo ba ako?" Tanong ko sa kaniya. Nakatitig si Acevl sa mata ko at mukhang malalim ang iniisip. Napatawa siya sa tanong ko at tumingin sa glass wall.

"Yes. Why?" Daplis ko na maibuga ang kape. Napahilamos siya sa mukha at ipinatong ang siko sa table.

"You know what? I'm planning to court you. Not now, of course. You're still 17 baka makulong ako."

"Kapag nag 18 na ako?" Umiling siya.

"Kapag tapos ka na mag-aral."

"Paano kung pagkatapos ko mag-aral ay may boyfriend na ako?" Nag tiim-bagang siya at maya-maya pa ay ngumiti bago sumandal sa upuan.

"Then, I'll make sure that it's me."

Sa puntong iyon ay wala na akong inisip kundi ang makapagtapos agad ng pag-aaral. Parang gusto ko agad magkaroon ng kapangyarihang kontrolin ang oras. Tumawa ako sa kaniya at hindi na napigilan ang pag ngiti. Napalingon ako sa pintuan nang pumasok doon ang isang babae. Halos manigas ako sa kinatatayuan ko at namanhid ang buong katawan ko. Alam kong napansin iyon ni Acevl kaya tiningnan niya rin ang tinititigan ko.

"Mamà..."

Mahinang sambit ko habang tulala. Pinagtitinginan ng mga staff ang nanay ko at ilan sa kanila ay binati siya. Napalabas din nang wala sa oras ang owner nitong coffee shop nang marinig ang pangalan ni Mamà. May ilan na nagpapicture sa kaniya at mukhang nakikilala siya ng mga ito. Si Acevl ay umalis sa table at pumunta sa isang gilid.

Tumikhim si Mamà at inilibot ang tingin. Nagtama ang paningin namin. Lalong kumabog ng malakas ang dibdib ko. Hindi ko magawang alisin ang tingin ko sa kaniya. Halata sa mukha ni Mamà ang stress at hindi na  niya nagawang ngumiti pa. Isinukbit ko ang bag ko at malaki ang ngiti nang lumapit sa kaniya.

BATANGUEÑO SERIES 1: LOVING THAT DIAMONDTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang