Chapter 15

14 0 0
                                    

Mabilis na lumipas ang bawat araw. Parang kailan lang ay nagkakahiyaan pa kaming lahat. Parang kailan lang ay wala pa akong kakilala rito ngunit ngayon halos buong estudyante, pang-umaga man o panghapon ay bumabati sa akin.

Nasanay na akong may magbibigay sa akin ng chocolates or flower after T.L.E class at laging si Delaney ang may bitbit nito. Ngayon, mas dumami at hindi ko na alam kung sino sila. Last week, it was Valentine's Day at mukhang nag shopping ako dito sa school. There's a lot of paper bags waiting for me on my chair. Ang iba ay may notes para malaman ko kung kanino galing, ang iba ay wala. Secret admirers things.

"Anong gagawin mo riyan? Hindi ba sasakit ang ngipin mo?" Tanong ni Remi sa akin. I smiled at her.

"Ipapamigay ko. Hindi ko naman mauubos ito!" I laughed.

She's doing good these past few months. Mukhang natauhan sina Tito at Tita sa sinabi ko. Kinausap nila nang masinsinan si Remi at humingi ng tawad. They said na hindi na raw sila mag e-expect ng matataas na grades. They want Remi to enjoy her high school life. Nagulat si Remi sa sinabi nila but of course, she's happy. Mukhang nabuhay na ang Remi na kilala ko noon. Hindi na niya laging hawak ang mga notes niya every morning at nakakatulog na siya ng walong oras. Pero kahit ganoon ay hindi pa rin niya pinapabayaan ang pag-aaral kahit pa maluwag na sina Tita sa kaniya. She's still trying her best. In fact, mas lalong tumaas ang grades niya compared with her grades noong 1st Quarter.

Sa hindi kalayuan ay kita namin nagbabatuhan ang mga maliliit na kahon ang magpipinsan. Narito kami sa labas ng room dahil recess naman. Kitang-kita talaga ang gym.

"Oo nga pala, may shoot kami ng Noli Me Tangere mamaya, Remi! Gusto mo sumama?" tanong ko. Umiling siya.

"May shoot din kami. We'll see each other na lang sa paradahan. By 3 p.m. naman ay tapos na iyon."

Bago kami magpaalam sa isa't isa ay sinigurado namin na buo na ang bawat grupo. Buong section kami at sabi ay doon daw sa bahay ng isa kong kaklase dahil mukhang sinauna daw ang bahay nila. Halos kasisimula lang namin kahapon and they decided na ako na lang ang gumanap na Maria Clara.

"Valerie, sasama ba si Kuyang Pogi ulit? Sama mo na para umattend lahat ng kaklase nating babae gaya kahapon," bulong ni Delaney sa akin. Nilingon ko si Acevl at mukhang may pupuntahan ata.

"May practice ata sila ng cheer dance. Huwag na nating istorbohin. Kung ayaw umattend ng kaklase natin edi huwag! Wala din naman silang grades, e!"

"Sabagay." Umakbay siya sa akin at naglakad kami papunta sa mga tricycle. Sa Barangay Uno daw kami pupunta. Nagulat ako nang may humigit sa akin dahilan ng pagbitaw ni Delaney.

"What? Sama ka ulit?" Tanong ko. Kahapon ay sumama siya sa amin dahil naboboring daw siya na maghintay sa paradahan. Ganoon din ang mga pinsan niya. Si Everest ay sinamahan si Remi at si Mireya ay sinamahan si Ronin.

Tumango sa akin si Acevl at pumasok sa loob ng tricycle. Samantala, si Delaney ay masamang nakatingin kay Acevl, agawan ba naman siya ng upuan. Ending, sa toolbox siya umupo.

"Dinala mo ba ang baro't saya na gagamitin mo?" tanong ni Acevl habang nasa byahe. Napatingin sa amin si Delaney.

"Yes, it is in my bag."

Naramdaman kong binuksan niya ang bag ko at kinuha iyon. Hindi na niya ito ibinalik at binitbit hanggang makarating kami sa patutunguhan.

He paid for us. Masyado akong mabagal sa pagkuha ng pera kaya naunahan na naman niya ako.

"Puro langgam lang pala ang makukuha ko sa loob ng tricycle!" Pabulong na reklamo ni Delaney.

"Shut up, we're just... friends!" Suway ko sa kaniya. Tinaasan niya lang ako ng kilay sabay tawa. Tahimik lang si Acevl sa tabi ko at sinusuri ang suot ko. Mamà's assistant brought this clothes kahapon after kong ibalita na gaganap akong Maria Clara.

BATANGUEÑO SERIES 1: LOVING THAT DIAMONDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon