Kabanata 37

11 2 0
                                    


"Ma'am, you have a meeting with the new investor today. Alas dos po ng hapon, papupuntahin ko po ba dito sa company or mag se-set na lang sa isang resto?" tanong ng secretary ko sa akin.

"Papuntahin mo na lamang dito. Kadami ko pang ginagawa, tinatamad akong lumabas. By the way, may I know his or her name?" tanong ko rito. Masyado akong maraming ginagawa nang makabalik ako rito sa Manila. Matapos kong ayusin ang mga farm sa bawat sulok ng Luzon ay tambak na trabaho naman ang sunod kong inaayos.

"Si Ms. Taylor po."

"Taylor Swift?" I jokingly asked.

"Blanché Taylor po," sagot nito.

Pamilyar ang name. Saan ko nga ba narinig iyon? Think, Valerie.

Naalala ko na. Paano ko makakalimutan? Eh siya nga pala ang pinagseselosan ko noong high school pa lamang ako?

Gusto ko pa rin magselos until now kaso nag uumapaw na assurance ang binibigay sa akin ni Acevl bawat oras. Miss ko na naman siya kahit kahapon ko lang siya huling nakita.

"Kailan ba matatapos ang trabaho na ito? Wala na kaming time ng baby ko," malungkot na bulong ko pero narinig pa rin ni Jaimeli, secretary ko.

"May anak ka na po, Ma'am?" tanong nito at halatang nagulat. Tumawa ako at tumango sa kaniya.

"Actually, he's 1 year older than me."

Nakakamiss tuloy maglibot sa farm kapag bored na bored na ako. Ngayon puro papeles at laptop ang kaharap ko. Para namang hindi nababawasan ang trabaho, lalo pa atang nadadagdagan.

Tumayo ako para mag-unat ng katawan. Mula kaninang 7 ay nakaupo na ako dito, ngayon lang nakatayo. Lumabas ako sa kompanya at naghanap ng pinaka-malapit na café.

Sa sobrang tagal kong 'di nakapunta dito, nakalimutan ko na ang pasikot-sikot. Nang may makita akong café ay hindi na ako nagdalawang isip pa na pumasok rito. Cuppies Corner Café? May branch na rin pala nito dito sa Manila. As fas as I know, taga Batangas din ang CEO nito dahil sa kaniya kami malimit umorder dati ni Remi ng mga sweets kapag tinatamad magbake.

"Long time no see, Valerie."

"Taireen? It's nice to see you here!" Bati ko sa kaniya. Saglit kaming nag-usap bago siya nagpaalam dahil may trabaho pa raw siya. Umorder ako ng malimit kong bilhin dati gaya ng buko pie, iced coffee at donuts bago bumalik sa office.

Ang lungkot talaga dito kahit kailan. Hindi ko alam kung paano nila na e-enjoy na matapos ang maghapon dito sa office. Pag-akyat ko sa floor namin ay nakita kong may kausap na babae si Jaimeli. Hindi ko napigilang mapataas ang isang kilay nang mapagtanto kung sino ito. Masyado siyang maaga sa usapan na alas dos ah?

"Narito na po pala si Madam, Miss Blanché," saad ni Jaimeli. Tumingin sa akin si Blaché at ngumiti kaya ganoon rin ang ginawa ko.

"Let's talk inside," tanging sabi ko bago pumasok sa Office of the President. Ramdam kong sumunod siya sa akin. Ipinatong ko muna ang binili sa isang mesa bago siya pina-upo sa sofa.

Our conversation went well. Puro trabaho lamang ang pinag-usapan at labas doon ang personal life namin. May kontratang pinirmahan bago nagpaalam. Inabot rin kami ng isang oras sa meeting na iyon.

Calling Acevl...

Wala pang ilang segundo ay sumagot na agad siya. "Hello, baby! What's up? Do you need something?" tanong niya.

"Wala naman. Pagod na ako sa trabaho. Gusto ko magpahinga sa yakap mo," natatawang biro ko.

"Sige, on the way na."

"Joke lang! Uwi ako sa Batangas next month pag natapos ko lahat itong problema," sabi ko. Narinig ko ang buntong hininga niya. Wala naman akong choice e, hindi pa nga ako sure sa next month pero pipilitin ko para matuloy.

BATANGUEÑO SERIES 1: LOVING THAT DIAMONDOnde as histórias ganham vida. Descobre agora