Kabanata 32

12 1 0
                                    

Nag-iisa ako rito sa bahay ko. Alas onse ng gabi at ilang minuto na lamang ay alas dose na ng umaga. Pinilit kong maging gising magdamag para rito. I prepared everything. Foods and decorations.

Tumingin ako sa orasan at binilang ang bawat segundong lumilipas.

"Happy 26th Birthday, Valeen Rie!" Masayang bati ko sa sarili ko. Hinipan ko ang kandila matapos mag wish. Ang araw rin na ito ang death anniversary ni Lola. It's been 9 years pero sariwa pa rin sa utak ko ang mga ala-ala at parang kahapon lang nangyari ang lahat.

Napatingin ako sa phone ko nang umilaw ito. Sunod-sunod ang message ng mga kakilala ko ngunit isa lang ang nakakuha ng atensyon ko.

Acevl:

Open the door, Valerie. Nilalamok na ako dito!

Acevl:

Valerie! Dalian mo baka hindi ako umabot sa 12!

Acevl:

Wala na, ang bagal mo naman.

Acevl:

Happy Birthday, Valerie! Pabukas ng pinto!

Kanina pa siyang nagmemessage sa akin. Hindi ko man lang napansin. Dali-dali akong tumayo at binuksan ang pinto. Bumungad sa akin si Acevl na may dalang bulaklak at cake kaso wala pang sindi ang kandila.

"Happy Birthday to you! Happy Birthday to you! Happy Birthday! Happy Birthday! Happy Birthday to you!" Kanta niya sa akin. Napangiti ako at sinindihan ang kandila upang hipan.

Wala akong ibang masabi sa kaniya. I appreciate his efforts. Ni minsan hindi ko ito naranasan, ang mag celebrate ng birthday ng ganitong oras at may kasama. Pinagmasdan ko si Acevl, kahit madilim ay kitang kita mo ang bakas ng tuwa sa mukha niya. Sa aming dalawa tila siya pa ang may kaarawan.

Hindi alintana ang puyat at pagod galing sa trabaho, ang oras na ito ay dapat mahimbing na ang tulog niya ngunit heto siya sa harapan ko. Nag diriwang ng kaarawan ko.

Sino nga bang makaka-move on sa lalaking ito? Siguro kahit abutin ako ng puting buhok o ng kamatayan ay hindi ako makaka-move on. Siguro kung hindi siya sa huli, huwag na lang. Ayaw kong kumilala ng bago, wala na akong balak.

"Pumasok ka muna sa loob, masyadong malamig." Inayayahan ko siya baka kanina pa siyang tinitikman ng mga lamok doon.

"Buti at naisipan mo, kanina pa ako doon e. Bale mag iisang oras na," aniya sabay tingin ng oras sa cellphone. Kinunutan ko naman siya ng noo at hindi pinapaniwalaan.

"Oo nga! Tingnan mo pa oh!"

Pinakita niya ang mga chat niya sa akin sa IG kung saan kaninang alas onse pa 'yon. With pictures pa nga. Mga selfie niya sa gate at sa pinto pati na rin ang pag higa niya sa tiles dahil nababagot kakahintay. Napatakip ako sa bibig na tila hindi makapaniwala sa nakita.

"Bakit hindi ka agad sumigaw nang malakas?" Sisi ko sa kaniya. Agad itong tumingin sa akin at tinaasan ako ng kilay.

"Parang kasalanan ko pang busy ka? Hayaan mo na. Nabilang ko nga ang guyam na gusto bumawa sa cake, e. 50 silang lahat, hindi ko naman pinatay, promise," sabi pa niya at itinaas ang kanang kamay.

Natawa na lang ako at napailing sa tinuran niya. Hindi na siya torpe na tulad noon. Ang laki ng ipinagbago niya, mula sa pananalita hanggang pagkilos.

"Tara na kumain, nagugutom na ako," pag-aya ko sa kaniya. Tumayo naman siya at sumunod sa akin dala ang cake na iningatan niya.

"Ang dami mo namang pagkain. Mag-isa ka nga lang dito, sinong kakain niyan? Ikaw lahat?" Hindi makapaniwalang sabi niya at inisa-isang tingnan ang mga handa. Inilibot pa niya ang tingin niya.

BATANGUEÑO SERIES 1: LOVING THAT DIAMONDWhere stories live. Discover now