Kabanata 28

12 1 0
                                    

Inalis ko ang suot kong jacket. Tanging summer hat at salamin lamang ang natira. Bakit nga ba ako nag jacket e ang init nga pala ng klima dito sa Pilipinas. Naglalakad ako sa gitna ng taniman ng sunflower dito sa farm. Malapit na anihin ang ilan dito. Ang tagal ko nang hindi nakakapunta rito dahil busy nitong nakaraan. Maraming ipinagbago at may nabawasang tanim dahil noong nagkaroon ng malakas na bagyo at halos masira ang buong farm. Maraming hayop rin ang namatay. Kaunti lamang ang naisalba.

"Madam! Tayo na mananghalian!"

"Sige po. Mauna na kayo, may pupuntahan lamang ako!" Sigaw ko pabalik. Nanatili ang tingin ko sa isang puno ng mangga na maraming hinog.

Ngayon ko lamang ito nakita at halatang bata pa ang puno. Nasa kabilang bakod ito at hindi sakop ng farm. Lumapit ako rito at sinubukang abutin ang bunga ngunit masyadong mataas para sa height ko. Naghanap ako ng tabla na pwedeng tungtungan. May nakita ako sa hindi kalayuan kaya kinuha ko ito. Umakyat ako rito at tumingkayad. Konti na lang...

"VALERIEE!" Daplis na akong mahulog nang marinig ang tawag ni Remi. Panira talaga. Lumingon ulit ako sa bunga bago binalingan ng tingin ang pinsan ko. Almost 7 years ko siyang hindi nakita sa personal tanging sa internet lamang. Malaki ang ipinagbago niya at nagmukhang matured na ang mukha. Hanggang balikat ang straight niyang buhok.

"Gaga ka! Kailan ka pa dumating? Kung hindi pa sinabi ni Tita, hindi ko malalaman!" Umakbay ito sa akin at naglakad kami palayo sa mangga.

"Kahapon lang. Dito na ako dumiretso sa farm, hindi pa ako pumupunta sa bahay."

Noong umalis ako dito sa Batangas ay bumalik na rin sa Manila sina Mamà at Papà. Caretaker na lang ang naiwan sa bahay. Sa nakalipas na anim na taon, sa pagkakaalam ko ay maraming nabago sa bahay. May ipinarenovate daw si Mamà dito at pinalitan ang ilang kahoy na gato na. Pinapinturahan rin ito ng panibago dahil natutuklap na ang mga dating pintura. Tuwing summer ay pumupunta doon ang buong pamilya ng mga kapatid ni Papà at nagbabakasyon. Laging masaya ang bahay at nakikipag video call ako lagi kay Remi.

Sa Canada, minsan lamang ako gumala. Naranasan ko rin maging working student lalo na noong nalugi ang kompanya dahil sa mga nasirang taniman noong bumagyo. May ipinapadala naman si Mamà pero gusto ko pa rin ng galing sa sarili kong pawis ang gagastusin ko. Doon ko naranasan ang pagod at puyat, naranasan ko ang maging waitress sa isang restaurant. Minsan ay nag pipinta ako kapag may client. Ayoko namang umasa na lamang kay Tita Feya dahil may pamilya rin siyang binubuhay.

"Ay, tara na sa bahay. You're gonna be happy for sure!" Hinila niya agad ako palabas sa farm. Nadaanan namin ang mga trabahador. Bumati sila sa akin at inaya akong kumain ngunit tinanguan ko lamang sila.

"Teka, Remi!" Pigil ko sa kaniya at inalis ang kamay niya sa braso ko.

"My things aren't here. Nasa loob pa ng rest house." Umiling siya at muling hinila ang braso ko papunta sa kotse niya.

"Kinuha ko na kanina. Sakay na, I'm so excited!"

Hindi ko na naalis ang suot kong summer hat at sun glass. I can see how successful my cousins are. Some of them are licensed Doctors, Lawyers, Teachers. Some are Police and Army. Si Remi, isang cruise chef, si Kuya Demi, a businessman just like me. For sure, proud na proud si Lolo at Lola sa langit.

Ililiko na sana ni Remi ang sasakyan ngunit pinigilan ko ito. Tumingin siya sa akin na may pagtataka. "Punta tayo kay Lola."

"H-hindi ba pwedeng bukas na lang? Pupunta pa tayong Balayan, ang layo no'n dito sa atin!" Reklamo niya. Napasimangot ako. 2 days na ako rito pero hindi ko pa nadadalaw si Lola baka multuhin niya ako.

"Sige na, Remi! Kung ayaw mo, ibaba mo ako rito at mamamasahe na lang ako papuntang Gethsemane!" Tinarayan niya ako at nag drive na lamang. 10km from here ang layo ng Balayan. Marami namang pang gas si Remi kaya hindi na iyon problema. Dumaan kami sa isang flower shop para bumili ng bulaklak na maaaring dalhin.

BATANGUEÑO SERIES 1: LOVING THAT DIAMONDDonde viven las historias. Descúbrelo ahora