Kabanata 30

13 1 0
                                    


"What the fuck?! Nangyari 'yon kagabi?!" Gulat na tanong ni Remi sa akin. Wala na akong hangover pero naaalala ko pa rin ang kahihiyan kagabi.

Dahan-dahan akong tumango sa kaniya at maya-maya pa ay narinig ko ang malakas niyang tawa.

"Nakakahiya. Feeling ko himuhusgahan na niya ako, oh god! No way! Parang hindi ki yata kaya," OA na sambit ko at mas lalong lumakas ang tawa ni Remi. Sinamaan ko siya ng tingin at hinampas ng unan para tumigil.

"You know what? Let's have some coffee. I really need an iced coffee right now. Stand up, bilis!"

"Saan tayo bibili? Kainit naman. Gumawa ka na lamang, sayang ang sunscreen ko e!" Reklamo niya sa akin. Tinarayan ko ito at hinila palabas ng kwarto ko. Wala naman siyang nagawa kundi ang sumama sa akin.

Nasa bahay kami ni Lola, bahay ko. Dito muna ako tumitigil for the meantime kasi pagala gala naman ako at maraming trabaho. Next week baka nasa baguio naman ako tapos sa susunod doon naman sa Visayas tapos  Mindanao, I will visit mom. Sa totoo lang, mula pag-uwi ko dito ay sunod-sunod na ang trabahong bumungad sa akin at walang oras para mag relax.

"What the hell? Hahaha Valerie, akala ko ba mag kakape tayo? Eh bakit tayo nandito sa Baywalk?" Tanong ni Remi nang tinigil ko ang sasakyan sa parking lot dine sa baywalk balayan.

"Well, there's a coffee shop right there. Gusto ko dati puntahan yon kaso laging naroon sina Brent tapos ang issue pa ng mga tao." Tumango-tango si Remi at sumunod sa akin.

We ordered caramel macchiato and waited for 5 minutes. Nang makuha ito ay hindi na kami nagtagal pa sa loob dahil lumabas agad kami. Naglakad lakad muna kami para lumibot dito.

"Naalala mo noong nag practice tayo dito ng sayaw? Hahaha sa initan tayo tapos pag nagkakamali ang isa ay damay lahat then from the top uli!" Kwento ni Remi. Yeah, I remember.

"Oo, grabe ka pa nga magselos kapag may ibang kasama si Everest, e!" Pang-aasar ko sa kaniya.

"Weh? Sino kaya itong gusto ihulog sa dagat si Acevl at Blanché dahil sa selos?" Tanong naman niya pabalik na nagpawala ng ngiti ko. Kahit kailan talaga, epal.

"Shut mo na lang ang mouth mo, Remi. Ikaw ang ihuhulog ko diyan sa dagat, e!"

Pumunta kami sa may Pavillion at doon nag kwentuhan ng kung ano-ano. Mas lalong gumanda ang baywalk, hindi na gaya dati na maraming kalat. Malinis na rin ang dagat hindi na puro basura.

"Sina Acevl ba 'yon?" tanong ni Remi sabay turo sa mga taong naglalakad papunta sa gawi namin. Naningkit ang mata ko at inaninaw kung sila nga.

"Sila nga! Tara Valerie! Batiin natin sila!" Excited siyang tumayo at hinila ako ngunit ayaw sumama ng katawan ko. Tila nanigas ito sa kinatatayuan at nagtaka naman si Remi.

"Hindi ko kaya, Remi. Nahihiya ako," bulong ko sa kaniya at inalis ang hawak niya. Lumiko ako at doon dumaan sa medyo maraming puno at hindi masyadong dinadaanan ng tao.

"Oh, Valerie. Nandito din kayo?" Pag minamalas ka nga naman oh. Tumingin ako kay Ronin at kasama niya si Acevl. Hindi ko alam ang gagawin ko at walang salitang lumalabas sa bibig ko.

"Ah oo. Pero uuwi na kami, nauna lang si Remi sa kotse-"

"Anong nauna? Nandine pa ako, hoy!" Sigaw niya sa hindi kalayuan, lumapit siya sa amin bitbit ang pagkain niya. May binulong siya kay Ronin at hinila niya ito palayo kaya kaming dalawa na lang ni Acevl ang naiwan.

This is not good.

"Ah, uuna na ako. Sa inyo yata sasabay si Remi," sambit ko at tumalikod na para umalis. Hindi pa man nakakalayo ay narinig ko ang sinabi niya.

BATANGUEÑO SERIES 1: LOVING THAT DIAMONDKde žijí příběhy. Začni objevovat