Kabanata 34

15 2 0
                                    


Kalmadong dagat at malakas na hangin ang sumalubong sa akin nang dumating ako sa lugar na napag-usapan which is Matabungkay Beach Reasort located at Lian, Batangas. May ibang taong nag o-outing rin tulad namin. Kani-kanila sila ng floating cottage at ang iba naman ay nasa kubo.

"Girl! Dito ka!" Tawag ng isang lalaki pero sa boses ay halatang hindi straight. Si Gab lang pala. Inayos ko ang shades ko at lumakad sa lugar nila. Ramdam ko ang lamig ng tubig nang lumusong ako dahil nasa floating cottage sila at hindi naman kalayuan mula sa buhangin.

Halos kilala ko ang mga taong kasama namin ngayon. Ang karamihan ay mga school mates namin noong shs.

Hindi maitatanggi na maganda ang dagat. Malinaw ang tubig at hindi masakit sa paa ang buhangin. Sama-sama ang mga balsa or floating cottage sa isang at sa kabilang side ay swimming area. Marami rin sa hindi kalayuan ang nakasakay sa banana boat. I want to try that later. Kitang kita mo rin ang mga barkong dumadaan at mga bankang pumapalaot.

Ibinaba ko ang bag ko at hinanap ng mata si Acevl. Siya ang nag invite sa akin dito, nasaan na ba ang lalaking iyon?

"Sinong hinahanap mo?" Bahagya akong nagulat sa presensya ni Ronin. He's wearing a polo and shorts. Naka-sun glass din ang gago.

"Si Acevl. Siya nag invite sa akin tapos hindi ko siya makita dito," nakasimangot na sabi ko. Tinawanan niya ako at inasar.

Binabati ako ng mga nakakakilala sa akin, nginingitian ko lamang sila at tinatanguan habang patuloy pa rin ang paghahanap kay Acevl. Muli kong nilibot ang paningin sa balsa na aking tinutungtungan. Nasa kubo ang mga bag at ang iba ay nasa upuan. Ang mga pagkain ay nasa mesa at may ilan na nagbabantay. Ang mga ibang kasama ay naliligo sa dagat. Hinanap rin ng mata ko si Gab at Kaiara ngunit wala rin sila. Bakit naman nila ako iniwan?

Naagaw ang atensyon ko ng mga magkakaibigan na naglalakad sa may buhanginan. Nakita ko roon si Acevl na nangunguna. Nakikipagtawanan siya sa mga iyon at napalingon sa pwesto kung saan ako naroon. Lumapad ang ngiti niya nang makita ako kaya kinawayan ko siya. Pinagtulakan siya ng mga kasama niya at kinantyawan.

Dahan-dahan siyang lumusong sa tubig para puntahan ako. Pinagmasdan ko ang kabuuan niya. Tangina, ang gwapo ng lalaking ito. A simple white polo and black shorts, black sandals and sun glass. He looks like a supermodel!

"Natulala ka na ba sa kagwapuhan ko? Ikaw naman, Valerie. Don't worry, sa 'yo lang 'yan, wala kang kaagaw," mayabang na sabi nito. Sinimangutan ko naman siya.

"Kanina pa ako dito. Mukha akong batang ligaw na hinahanap ang magulang. Saan ka ba nanggaling?" tanong ko.  Umupo siya sa tabi ng balsa kaya nabasa ang suot niya ngunit wala naman siyang pakialam.

Nanatili akong nakatayo sa tabi niya. "Doon sa labasan, hinahanap kita e, inisa-isa ko pa nga ang mga kotse kaso wala ang sa iyo. Saan ka ba sumakay?" tanong niya sa akin.

"Sumabay ako kay kuya Demi. May pupuntahan siyang business meeting doon sa may hotel na iyon," itinuro ko ang hotel malapit dito bago muling nagsalita. "Dumaan siya sa bahay e."

"Is it okay to wear a bikini here? It's a beach anyway," biglang napalingon si Acevl sa akin nang marinig iyon. Tinaasan ko naman siya ng kilay. Pag ako binawalan nito, yari 'to sa akin.

"Go on. You're free to wear whatever you want. Dagat naman ito at narito tayo para mag outing."

Ngumiti ako sa kaniya. Pumasok ako sa kubo para magpalit habang siya ay nasa labas nito at nagbabantay upang walang ibang pumasok. I'm wearing a black bikini at talagang agaw pansin dahil sa hubog ng katawan ko.

"Jusmiyo santisima. Ayaw kong magkasala ngayon. Lord, huwag mo naman akong parusahan nang ganito," sabi ni Acevl nang makita ako. He's already topless and ready to swim.

BATANGUEÑO SERIES 1: LOVING THAT DIAMONDWhere stories live. Discover now