Kabanata 17

12 0 0
                                    

Abot langit ang ngiti ko habang ibinabalot sa gift wrap ang regalo ko kay Acevl.

Minarkahan ko sa kalendaryo ang kaarawan niya para tumatak na ito sa isip ko. March 25 is his birthday.

Natapos ko na ang painting kagabi at magdamag kong pinatuyo. Wala pa akong kumpletong tulog mula noong biyernes. Ito na agad ang sinimulan ko pagdating ko sa bahay. Ilang beses din akong inistorbo ni Lola at ni Tita para isama sa gala nila ngunit nagpaiwan ako para lang sa painting na ginagawa ko.

Ang reference ko ay ang stolen picture na sinend sa akin ni Ronin. Masyadong bata ang itsura ni Acevl doon pero nagawan ko naman ng paraan para magmukhang matured gaya ng itsura niya ngayon. I simply think of his face.

"You sure na hindi ka sasama, Remi? Sama ka na! Hindi ko alam ang bahay nila!" Bumuntong hininga lang siya at binalingan ako ng tingin.

"Kailangan ni Mom ng tulong. Hindi niya kayang mag-isa lang lalo na ngayon na masama na naman ang lasa ni Lola baka kung anong mangyari. Paki-sabi na lang na Happy Birthday," aniya. Bago ako lumabas ay nilingon ko ulit siya para magtanong tungkol sa isang bagay.

"Saan ba ang bahay nila?"

"Anak ng tipaklong!"

Matagal na ako rito ngunit hindi ko pa rin alam ang direksyon ng bahay nina Acevl. Sa loob ng halos isang taon ay lagi lang akong nasa bahay tuwing weekend kaya hindi ako nabibigyan ng pagkakataong gumala dito. Kapag lumalabas kami ni Remi, 'yon ay kapag inuutusan lang kaming bumili ng kung ano-ano kapag nauubusan ng stock sa bahay.

"Sa ano... Saan nga ba iyon? Uhm, sa kulay dirty white na bahay! Oo, tama. Tapos may naglalakihang puno ng palmera at may tarangka na nagsisilbing gate. Maluwang ang bakuran na puro damuhan. Sa pagkakatanda ko ganoon itsura ng bahay nila."

"E, saan ba-"

"Sige na. Gora na! Baka biglang dumating si Mom tapos tanungin ka kung saan ka pupunta!"

Itinulak niya ako palabas sa pintuan nang hindi hinihintay matapos ang sinasabi ko. Gusto kong itanong kung saan ang daan papunta kina Acevl. Tanging paatandaan lang ng bahay nila sa sinabi at walang direksyon kung saan ako dadaan. Siguro aabutin ako ng gabi kakahanap ng bahay nila.

Pumunta ako sa daan kung saan namin nakikitang lumabas lagi sina Ronin at Acevl tuwing madaling araw. Siguro ay doon ang daan. May nadaanan akong mga bahay. May mga taong lumalabas sa kanilang bakuran kasama ang anak nila at may dala silang regalo.

Pupunta kaya sila kina Acevl? Walang anu-ano'y sumunod ako sa kanila.

Maluwang ang daan at kasya ang mga kotse. May mga damo sa magkabilang gilid at hindi lumalagpas sa boundary. Pinagtitinginan nila ako na parang may nagawa akong kasalanan. Parang hinihusgahan ang buong pagkatao ko at pinagsisisihan kong sumunod sa kanila. Sana pala ay tinext ko na lamang ang isa sa pinsan ni Acevl upang magtanong hindi iyong lakad ako nang lakad tapos hindi alam ang daan.

"Valerie? Valerie!" Mabilis akong lumingon sa tumawag. Nakita ko si Everest na tumatakbo palapit sa akin. Basa pa ang buhok at halatang bagong ligo pa lamang siya. Alas dos na ng hapon at masakit pa rin sa balat ang init kaya sumisilong ako sa lilim ng mga punong dinadaanan ko.

"Pupunta ka kina Acevl?" tanong niya nan makalapit.

"Oo, kaso hindi ko alam ang daan. Nakita ko lang ang mga ito." Itinuro ko ang mga tao sa unahan ko. "Kaya sinundan ko sila. It seems like they are going to Acevl's house too," dugtong ko.

"Mabuti naman at nakita kita. Sabay na tayo, pupunta rin ako doon."

Tumingin si Everest sa paligid na tila may hinahanap.

BATANGUEÑO SERIES 1: LOVING THAT DIAMONDحيث تعيش القصص. اكتشف الآن