Kabanata 14

12 0 0
                                    


Tinatamad akong bumangon ngayong araw dahil sa lakas ng ulan. Wala pa ring announcement na walang pasok. Biyernes na ngayon at huling araw na dahil bukas ay sabado na. Inayos ko muna ang bag ko at inalis ang ibang gamit na hindi naman kinakailangan.

Inilabas ko na rin ang PE uniform ko at rubber shoes bago kinuha ang towel para maligo.

"Good morning, Tita," inaantok na bati ko. Nagluluto siya ng breakfast namin mukhang tulog pa si Remi.

"Good morning," bati niya pabalik.

Pumasok ako sa room ni Remi. Wala siya sa kama niya. Nilibot ko ang tingin ko. May isang cabinet na puro medals at trophies. May ilang certificate na naka-lagay sa frame. Nakahiwalay ang lalagyan ng mga laryan niya noong bata siya. May isang book shelves sa gilid.

"Remi... gising na."

Kahit anong pilit ko ay hindi pa rin siya nagigising. Hinawakan ko ang noo niya at napakainit nito. Nagmamadali akong lumabas para tawagin si Tita.

"Nilalagnat si Remi, Tita!" Tumingin lang ito sa akin bago ibinaba ang sandok.

"Gisingin mo siya at sabihin mo maligo na. Mawawala din ang lagnat niya."

Gano'n lang 'yon? Wala man lang ba siyang paki sa anak niya?

Bumalik ako sa loob para gisingin si Remi. Naalimpungatan naman ito at tumayo pero nakahawak siya sa akin bilang suporta.

"Are you sure na papasok ka? Ang taas ng lagnat mo." Umiling siya at kinuha ang towel na nakasabit sa balikat ko.

"Lagnat lang 'to. Kailangan kong pumasok baka maiwan ako sa lessons namin." Umubo pa siya matapos sabihin iyon.

"I can lend you my notes later! Or hihiram ako sa classmates mo!"

"Papasok ako. Kaya ko naman."

Wala akong nagawa para pigilan siya dahil lumabas agad siya sa kaniyang kwarto at naiwan ako sa loob.

Muli kong tiningnan ang likod ni Tita habang nagluluto. Wala man lang pakialam sa anak niyang may sakit at parang normal lang iyon sa kaniya.

Kahi malakas ang ulan ay nagawa naming pumasok sa school. Balot na balot ng hoodie si Remi at may suot na face mask dahil may ubo siya. Kanina habang nasa byahe ay nanginginig ang katawan niya mabuti na lamang at nakarating agad kami sa school.

"Bakit ka pa kasi pumasok?!" Sermon ni Everest habang nakatambay kaming anim sa room ni Remi. Nakaupo lang si Remi habang walang emosyong nakatingin sa amin.

"Mahuhuli nga ako sa lesson!" pabalik na sabi niya at muling umubo.

Lumingon ako sa labas at sobrang lakas pa rin ng ulan. Wala atang balak mag announce na walang pasok. Unti-unting dumami ang estudyante sa room kaya lumabas na kaming lima at naiwan sa loob si Remi.

"Magiging maayos kaya siya?" tanong ko kay Acevl. Mabagal ang lakad niya at halatang nag-aalala rin.

"Let's just pray na bumuti ang pakiramdam niya," aniya. Ihinatid niya ako sa room bago nagpaalam.

"Jusko! Bumabagyo ata!"

"Wala bang announcement na walang pasok?"

"Tingnan ninyo ang lakas ng hangin mukhang babaha ang ilog sa tabi!"

Maliwanag na ngunit wala pa rin si Ma'am Ferilyn. Nagkakagulo na ang mga kaklase ko at ang iba ay nagkukumpulan sa bintana sa kanang bahagi ng room at tuwang-tuwa sa ilog na bumabaha.

Napailing na lang ako at tumingin sa pinto. Kanina ko pang gusto puntahan si Remi.

"Nandito ba si Valerie?" Hinihingal na sabi ni Kaiara sa pinto namin. Tumayo agad ako at lumapit sa kaniya.

BATANGUEÑO SERIES 1: LOVING THAT DIAMONDWhere stories live. Discover now