Kabanata 9

18 0 0
                                    

Halos lubog na ang araw nang lumabas kami. May mga street foods sa bawat gilid ng kalsada. Mga bagay na hindi namin nakikita tuwing uwian dahil tanghaling tapat kami umuuwi.

"Ang bango. Gusto ko bumili," ani Ronin at kinuha ang wallet niya sa bag. Akala ko ay lalapit siya sa tindero ngunit naglakad lang ito.

"Pamasahe ko na lang pala ito," sabi pa niya at kumamot sa ulo. Agad ko naman siyang hinila palapit sa tindero kaya sumunod sa amin sina Remi.

"Pumili kayo. Ako ang magbabayad," ngiting sabi ko sa kanila.

"Sure ka, Valerie? Baka wala ka nang pamasahe? Maglalakad ka pauwi!" Panakot ni Everest. Ngumisi naman ako sa kaniya.

"Kung gusto mo mag book pa ako ng flight kahit doon lang sa kabilang bayan ang bahay ko!" Napailing na lamang siya sa kayabangan ko. Nag uunahan sa pagpili si Remi at Ronin. Si Everest ay fishball at kikiam lang ang binili.

Lumingon ako kay Acevl na wala man lang kibo sa gilid. Lumapit ako at kaniya.

"Ikaw?" Umiling siya at humikab. Sleepy as always.

"Edi wag."

Tumingin siya sa relo niya at tumingin sa mga pinsan na naghihintay maluto ang binibili nila.

"Tapos na?" tanong ko sa kanila. Kinuha ko ang pera ko at binayaran ang binili nila. Wala akong ganang kumain nito pero kumuha ako ng dalawang stick ng barbecue at inilagay sa plastic cup. Nilagyan ko ito ng suka at iniabot kay Acevl.

"Sabi ko, ayoko-"

"Huwag kang umarte, Acevl. Tusukin kita ng stick, e!" putol sa kaniya ni Everest at kinagat ang barbecue. Wala namang nagawa si Acevl kundi tanggapin ito bago lumakad.

"How's your exam?" tanong niya sa akin.

"Ayos lang. Hindi naman mahirap," natatawang sagot ko.

Naalala ko ang mga score ko kanina. Hindi ko alam kung bakit ang tataas kahit puro hinulaan ko lamang iyon. Siguro nakita ko na ulit ang talino na matagal ko nang tinago. Bukas may test pa kami sa apat na subject.

"Ikaw? Hindi ka ba napagalitan ng teacher mo kasi tulog ka nang tulog?"

"Hindi na ako natulog. Takot ko na lang na mabato mo ulit ng nilukot na papel!" Biro niya. Dahil doon ay napalingon sa amin ang tatlo pero tinaasan lang sila ni Acevl ng kilay kaya bumalik ang tingin nila sa daan.

Saktong sakto ang dating namin sa paradahan dahil nagkakaubusan na ng tricycle. Ang iba ay hindi na bumabalik sa pag-aakalang wala nang pasahero.

Madilim na nang makarating kami sa waiting shed. As usual, naglakad ulit kami ngunit mas mabilis ngayon. Ayaw naming abutan ng dilim sa daan dahil natatakot ako sa dilim. Remi knows that. I was surprised when Acevl said na ihahatid niya raw kami ganoon din si Everest at Ronin.

"Salamat sa paghatid!" Nakangiting sabi ni Remi sa kanila at kumaway pa. Hindi na ako nakapagsalita nang hilahin ako ni Remi pero bago iyon ay napansin ko pang kumaway sa akin si Acevl at ngumiti bago tumalikod kasama ang mga pinsan. Narinig ko pa rin ang asaran nila.

Bakit ba ang hilig niyang ngumiti sa akin? Pabago-bago lagi ang mood. Kapag hindi simangot, ngiti naman.

"Anong score mo sa math?" tanong ko kay Remi. Nasa kwarto niya ako. Dito ako dumiretso pagkatapos ibaba ang bag at magbihis.

"Nakalimutan ko. I think 45? It's not bad after all. Ako naman ang highest sa amin. What about you?" tanong pa niya.

"I forgot. Hindi naman sobrang taas. You know me. I hate math," I said. Ngumiti ako nang alanganin sa kanya.

BATANGUEÑO SERIES 1: LOVING THAT DIAMONDWhere stories live. Discover now