Kabanata 21

14 0 0
                                    


"At ginaya nila ang gano'n natin," bulong pa ni Remi habang pinapanood mag sayaw ang ibang section. Kita ko ang pangungunot ng noo niya habang nakasimangot.

"Hoy, atin 'yon ah?" Reklamo naman ni Delaney at hinawakan ko ang kamay para pigilang sumugod.

Kanina pa sila bwisit na bwisit sa mga nakikita nila dahil ginagaya raw kuno ang steps namin. Wala kaming ginawa kundi pakalmahin sila.

"Lagot ka, Valerie," bulong sa akin ni Ronin habang tumatawa. Isa pa itong nakadagdag sa kaba ko. Hindi ko alam kung sinabi ba ni Ronin ang nakita niya kahapon pero mukhang oo. Inapakan ko ang paa niya at napaaray naman siya.

"Galingan na lang natin, guys," ani Kaiara at pumalakpak para makuha ang atensyon namin.

Pag tingin ko sa kanilang bleachers ay nakita ko roon si Everest at Acevl suot ang uniform nila last year pati ang I.D. nakikipagtawanan sa mga kakilala nila noon na ka-batch namin. Nang makita ako ni Everest ay lumapad ang ngisi niya sabay kindat sa akin bago kinalabit ang pinsan na pagala-gala ang tingin. May ibinulong siya kay Acevl at humalakhak kaya nabaling sa akin ang tingin ni Acevl.

Bumilis na naman ang tibok ng puso ko lalo na noong ngumiti siya. Itinaas niya ang cellphone niya at itinuro ang screen nito. Nakuha ko naman ang nais niyang sabihin kaya kinuha ko rin ang phone ko.

Acevl:

Goodluck! I know you can do it!

Napangiti naman ako sa message niya.

"Kaya naman pala kampante si Valerie, may goodluck galing sa crush niya!" Pang-aasar ni Remi na hindi ko napansing dinungaw na pala ang cellphone ko. Naghiyawan ang buong section namin at inasar ako nang inasar. Ramdam na ramdam ko ang init ng magkabilang pisngi ko. Napailing na lang ako bago pumunta sa gitna dahil kami na ang susunod.

Maayos kaming nag perform sa unahan at kapag itinataas ako ay pansin kong nagrereact agad si Acevl at pinipigilan siya ni Everest. Pagkatapos nito ay nagpasalamat muna kami at kaniya-kaniya silang uminom ng baon na tubig habang ako ay nakipagsiksikan sa mga tao para puntahan sina Acevl.

Pagdating sa pwesto nila ay wala na sila roon. Nilingon ko ang gate at nakita kong lumabas na sila nang hindi man lang nagpapaalam. Nanlumo ako at bumalik sa mga kaklase ko. Biglang nag vibrate ang phone ko sa bag kaya kinuha ko ito.

Acevl:

Ang galing ninyo! Hindi na kami nakapagpaalam kasi malalate na kami sa klase ngayong hapon. Ingat pag-uwi!

Hindi ako nagreply. Ngumiti lang ako at bumaling sa gawi ng mga kaklase kong nagpipyesta na sa tuwa ngayon dahil natapos na raw ang peligro. May exam pa tayo, mga inday. Lumapit ako sa kanila at sakto naman na nagkayayaan silang kumain sa isang restaurant sa kabilang baranggay. Bagong bukas daw ito kaya gusto nilang puntahan.

May mga kaya sa buhay ang karamihan sa kaklase ko kaya barya lang sa kanila ang nagagastos. Minsan nag kakayayaan sila ng outing, walang babayarang entrance kasi ang resort ay pagmamay-ari raw ng Lolo at Lola ng isa naming classmate.

"Sasama ba tayo?" tanong ko kay Remi. Nag kibit balikat siya. Hindi na kami nakakagala tuwing uwian dahil sinusundo kami ni Mamà. Kahit ang magpinsan na si Ronin at Mireya ay hindi na rin namin nakakasabay tuwing umaga at uwian. Sa school lang kami nagpapangita. Para kaming elementary na hatid at sundo.

"Wait lang, Valerie. Si Direk Victoria ba iyon?" Napatigil ako sa sinabi ni Delaney. Itinuro pa niya ang babaeng bumaba sa kotse at mahahalata mong may kaya sa buhay. Nasa gilid ng kalsada ang kotse ni Mamà at hindi naman nakakaperwisyo sa mga dumadaan. May binati siyang mga teachers dito na matagal nang nagtatrabaho sa school.

BATANGUEÑO SERIES 1: LOVING THAT DIAMONDWhere stories live. Discover now