Kabanata 1

55 0 0
                                    


Tumigil ako sa paglalakad nang makalimutan kong bilhin ang bagong labas na bag sa isang sikat na pamilihan dito sa bansa. Limited Edition lamang ito kaya mas mabuti kung mauunahan ko sila.

"Ineng, alam ba ng magulang mo na gagastos ka ng ganitong kalaki para sa isang bag?" tanong ng manager. Tumango ako sa kaniya at iniabot ang credit card ni Papa. Sinabi niya sa akin na kung may nais akong bilhin ay gamitin ko lamang ang credit card niya at huwag itong ipapaalam kay Mama dahil parehas kaming malalagot dito.

Tinawagan ko na si Mang Helyo para sunduin ako rito sa labas ng mall. Bakasyon namin ngayon at sinusulit ko na ang mga nalalabi kong araw dahil isang linggo na lang ay pasukan na. Hindi pa rin ako nakakapag-enroll para sa susunod na school year.

"Manong, kasya po ba ito sa kotse?" tanong ko kay Mang Helyo na inaayos ang pinamili ko.

"Kasya naman, ineng. Halika ka na at kanina pang naghihintay si Madam sa bahay."

Kinabahan ako sa narinig. Kilala ko si Mama at kapag nakita niyang gumastos na naman ako baka ikulong niya ako sa kwarto.

Pinagbuksan ako ng pintuan at pumasok sa loob.

Habang nasa byahe ay nag-iisip na ako ng maaari kong gawing palusot upang hindi niya mapagalitan. Hindi naman sobrang dami ng ginastos ko. Sadyang marami lang paper bags. Napangiwi ako nang isa-isahin ko ang mga nabili ko. Marami nga pala.

"Valeen Rie Luna! How many times do I have to tell you na huwag kang aalis nang walang kasamang assistant ko ha? Paano kung may nangyari sa iyo na masama? Lagot ako nito sa Papa mo!"

Nag-aalala si Mamà sa kaligtasan ko dahil takot siya na magalit si Papà. Habang si Papa naman ay nag-aalalang malaman ni Mama ang mga ginastos ko dahil takot siya dito. To make it short, takot sila sa isa't isa sa magkaibang dahilan.

Nagtataka ko naman siyang tiningnan dahil parang balewala lamang ang mga pinamili ko. Siya pa mismo ang nagpapasok nito sa mga katulong. Buong akala ko ay galit na mukha ni Mama ang bubungad sa akin ngunit nagkamali ako. Puno ng pag-aalala ang mababakas mo sa mukha niya.

"I'm 15 years old na, Mamà. Kaya ko na ang sarili ko. Kaya ko namang bumili mag-isa." Huminga siya nang malalim at lumapit sa akin.

"Hija, ang akin lang ay sana sinabihan mo kami dahil nasa paligid mo lamang ang panganib. Wala ka pa sa legal age at hindi ko hahayaang masaktan ka," mahinahong sabi nito at pinalandas ang kamay niya sa buhok ko.

"Noted, Mamà. Don't worry, next time. I will inform you." Ngumiti ako nang matamis sa kaniya at ganoon rin ang iginanti niya. Parang may mali rito ah.

"Hija, there's no next time. This will be your last time. Grounded ka."

Naglaho ang ngiti ko sa labi nang marinig iyon sa kaniya. Sinasabi na nga ba. Sumimangot ako at umakyat sa kwarto ko. Narinig ko pa ang tawa niya dahil nanalo na naman siya sa akin. Kung narito si Papà hindi ako grounded.

Sumilip ako sa bintana nang may marinig akong tunog ng sasakyan. Umalis na si Mamà kaya malaya na akong makakalabas rito. Mabilis kong inayos sa closet ang mga binili ko at lumabas sa kwarto.

"Valerie, gusto mo ng avocado graham?" tanong ni Ate Almie. Isang kasambahay dito. Nakangiti akong tumango sa kaniya at nagpatuloy sa pag didilig ng tanim ko dito sa garden.

It's not a simple garden dahil puro gulay at iba't ibang prutas ang nakatanim dito. Maliban sa pagpipinta ay ito ang pampalipas ko ng oras. Wala akong hilig sa internet na pinagkakaguluhan ng ibang kabataan. Mula pagkabata ay pagtatanim na ng kung ano-ano ang kinahiligan ko dahil ganito rin naman ang trabaho ng Papa ko.

BATANGUEÑO SERIES 1: LOVING THAT DIAMONDWhere stories live. Discover now