Kabanata 19

18 0 0
                                    


Busangot kong in-accept ang friend request ni Acevl sa Facebook. Sa sobrang sama ng loob ko sa kaniya noon ay hindi ko pinansin ang pag a-add niya sa akin.

What's going on between us? Oh well, I don't also know. Sometimes we're friends, sometimes we're not. More on war ang kaganapan namin sa buhay mula noong nag senior high siya.

Ano nga bang nangyari nitong nakaraang halos anim na buwan matapos kong umamin?

"Acevl!" Masayang tawag ko isang umaga. Inutusan ako ni Tita na bumili ng sibuyas dahil naubusan ng sibuyas sa bahay. Tumingin lang sa akin si Acevl at nag-iwas ng tingin.

Tumutulo ang pawis galing sa kaniyang noo at hindi ko alam kung anong ginawa niya. Nilapitan ko siya at kinakabahan naman siyang lumayo.

"Why are you avoiding me these past few weeks? May ginawa ba akong mali?" tanong ko. Tumitig lang siya sa akin na parang ine-examin buong itsura ko.

"Wala. I'm busy," malamig na tugon niya. Malumanay akong tumango.

"Next week, Senior High ka na? We'll probably won't see each other sa school kasi magkaiba tayo ng pinapasukan."

"Alangan namang magkita tayo. Sa Caloocan ang amin tapos Baranggay Onse ang inyo," pilosopong sabi niya. Napasimangot naman ako at umupo sa isang kahoy.

"Saan ba ang upuan mo sa room niyo? Doon daw ang section namin next year. Doon ako uupo sa upuan mo!" Kumunot ang noo niya na parang nag-iisip.

"3rd row. 7th seat from the left."

"Hindi ba nababago?"

"Depende kung gaano karami kayong magkakaklase. Ayusin mo pag-aaral mo ha, don't accept manliligaw baka mag cutting ako tapos takbuhin ko distansya ng school natin kahit malayo." Sa tono niya ay mababakas mo ang pagiging seryoso. Hindi ito ang oras para tumawa pero hindi ko napigilan.

"Bakit? Dadayo ka ng suntukan?" tumatawang saad ko. Sumeryoso ang mukha niya sabay punas ng pawis.

"Kung kinakailangan."

Umayos ako ng upo at inismiran siya. "Kung gano'n pagbabawalan din kita. Huwag kang haharot sa ibang babae. Next year ay doon na rin ako papasok kaya hintayin mo ako."

"Hindi ako humaharot. Sila ang humaharot!" Tumawa siya ngunit tumigil ito nang makitang masama ang tingin ko sa kaniya. Iniwan ko siya roon at hindi na nilingon kahit tinatawag ang pangalan ko. He's so unfair! Pinagbabawalan niya ako tapos hindi ko siya pwede pagbawalan? Where is the equality?

Everest became my spy to his life. According to him, Acevl is more active in class unlike before na laging tulog. Kaso nga lang, magkaklase sila ni Blanché kasi parehas ng strand na kinuha. I can't stop them, I'm not there para maging epal sa buhay nila. Ngayon pa lang ay naiimagine ko na ang nakangising mukha ni Blanché sa akin na parang sinasabing panalo na siya sa laro.

Inis kong binuksan ang chat head dahil bigla itong lumitaw habang naglalaro ako ng isang offline games. Offline pero bukas ang data ko.

Acevl:

Bakit ngayon mo lang in-accept ang friend request ko? Napindot ba ng konsensya mo?

Tinapos ko ang laro bago nagreply sa kaniya.

Me:

May kamay ba ang konsensya? Malamang in-accept kita kasi inaamag ka na roon sa friend requests!

Halos matapon  ko ang cellphone ko nang bigla itong mag ring. Isinara ko ang pinto ng kwarto bago ito sagutin.

"Anong pakay mo? Kung mambubwisit ka, bukas na lang. Gumagawa pa ako ng assignment!"

Narinig ko ang halakhak niya sa kabilang linya.

BATANGUEÑO SERIES 1: LOVING THAT DIAMONDWhere stories live. Discover now