Epilogue

34 1 0
                                    

We were high school when I met her. She's a Manileña and I am Batangueño.

Natatawa ako noong unang beses siyang mamasahe sa tricycle. Balak namin ni Everest magpaiwan kaso nakalimutan niya yata kaya ako ang nagpaiwan. Nag presinta ako kay Remi na sasamahan ang pinsan niya, hindi naman tumanggi.

"Hindi tayo maliligaw, okay? Tama iyang dinadaanan natin kaya itago mo na lang sa bag ang phone mo baka mahulog pa iyan," natatawang sabi ko dahil nakita kong nag go-google map siya. Noong magbabayad na kami ay nakita kong puro isang libo ang nasa wallet niya. Tangina, saan ba ito papasok? Sa Harvard?

Inalam ko ang section niya. Tinanong ko pa si Remi para dito at pinahirapan pa niya ako. Nagpasama ako kay Everest na gumala sa grade 9 building para tingnan siya.

Tuwing wala siyang barya ay ako ang nagbabayad ng pamasahe niya. Wala akong pakialam kahit maubos ang baon ko. Hindi ko tinatanggap ang mga bayad na ibinibigay niya. Minsan nagtataka na rin ako, bakit ko nga ba ito ginagawa sa taong hindi ko naman kilala?

May malaking agwat ang pamumuhay namin. She was born rich and I am not. Kung titingnan mo ay isa siyang dyamanteng kumikinang na nais ng lahat at malabong makuha. Nasa kaniya na ang lahat. Money, beauty, attitude, and intelligence. She's also a painter according to her cousin, Remi.

Noong pinagalitan siya ni Brent, hindi ko mapigilang sumabat kahit wala naman akong alam sa nangyayari, I want to protect her. Pero hindi ko inaasahan na iyon din pala ang simula ng kalbaryo ko sa buhay.

"Nyek, close si Valerie at Brent. Paano ka na, Acevl? Torpe mo brader!" Pang-aasar ni Ronin. Nakatambay siya dito sa grade 10 building.

Nag desisyon akong maghintay kay Valerie sa labas ng room niya pero nakita ko itong kausap si Brent at narinig kong niyayakag siyang mag lunch. Hindi na ako nagpakita sa kaniya at kunwari ay galing canteen. 

Hindi namin napansin na naiwan pala si Valerie sa paradahan. Biglang nag panic si Remi. Gusto niyang pabalikan si Valerie doon at sabi ay dodoblehin na lamang niya ang bayad.

"Hintayin ko na lamang siya, Remi. Ako na bahala sa pinsan mo," saad ko nang makababa kami sa may waiting shed. Alam kong may tiwala sa akin si Remi. Isang oras akong naghintay dito hanggang sa nagutom na ako pero hindi pa rin ako umalis. I will wait for her.

Napangiti ako nang may dumating na tricycle. Bumaba roon si Valerie at nagbayad ng labis. Kumunot naman ang noo ko lalo na nang hindi niya kunin ang sukli. "Bakit hindi mo kami tinawagan para naman hindi ka mag-isang bumyahe?" Halata sa kaniya ang gulat. Sumagot siya na kaya naman daw niya pero alam kong hindi. Napansin ko rin ang pamumula ng mata niya na gustong umiyak.

Hindi ko napigilan ang magtanong ng tungkol sa pinag-usapan nila ni Brent. Ano bang pakialam ko doon? Ano bang nangyayari sa akin?

Sa paglalaro namin sa daan ay natusok ang paa niya. Sinabihan ko pa ito na mabilis ang karma pero bigla siyang namutla at nawalay ng malay. Tangina nga naman!

"Valerie!"

Hindi ko alam ang gagawin ko. Kasalanan ko ito! Kapag may nangyaring masama sa kaniya, hindi ko mapapatawad ang sarili ko. Dinala ko siya sa bahay kahit mabigat ay pinilit kong pasanin ito.

"Anak ng tokwa, sino iyan?" tanong ni Mama.

"Luna, Ma. Valerie Luna, apo ng mga Luna diyan. Nakasabay ko maglakad tapos nag-asaran kami. Binato niya ako ng sapatos tapos ayon natinik ata tapos noong nakakita ng dugo biglang hinimatay. Ma, anong gagawin natin?" Kahit si Mama ay na-stress dahil dito.

"Chill anak. Natanggal na ba ang tinik?" tumango naman ako dahil inalis ko ito kanina. Ang sakit talaga ng katawan ko, gutom na rin ako pero ayokong iwanan si Valerie. Chinat ko sa messenger si Remi at sinabi ang nangyari sa pinsan kaya naman dumating ang Mommy niya kasama siya. Akala ko magagalit ito pero nagpasalamat pa siya at ngumiti.

BATANGUEÑO SERIES 1: LOVING THAT DIAMONDWhere stories live. Discover now