Kabanata 24

12 2 0
                                    


Hindi na kasing-aga ng gising namin noong Junior High ang gising ko. 8 AM nagsisimula ang klase kaya okay lang kahit alas sais na ng umaga ako gumising. Kaso nga lamang ay hindi ko na nakakasabay pagpasok ang magpipinsan. Lagi akong inihahatid sundo ng driver namin.

"Ay ang ganda ng lola natin. Bakit ang ikli ng skirt mo? Mas mahaba ang akin!" Reklamo ni Delaney sa kulay blue green na pencil cut skirt namin. Kagagawa lamang nitong uniform namin at may schedule kung kailan isusuot.

"Edi putulin mo! Halika, may gunting ako rito!" Agad naman siyang nagtatakbo palayo. Napatawa na lamang ako sa kaniya. Inilibot ko ang paningin sa buong campus. Tatlong matataas na building. Isa sa kaliwa, isa sa kanan at isa sa dulo. Sa gitna ay doon nakalagay ang gymnasium.

"Valerie!" Lumingon ako sa likod. Napangiti ako nang makita si Acevl kasama ang mga pinsan niya. Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Tumaas ang kilay niya. Inilibot niya ang tingin sa mga schoolmates namin.

"Bakit ang ikli ng skirts mo? Bakit above the knee? Akala ko kapantay lang dapat ng tuhod?"

"Si Mamà nagpagawa nito! Malay ko ba na ganito kaikli. Magpapagawa na lang ako ng bago." Tumango siya at sumipol sipol bago umakbay sa akin.

"Hoy! Acevl, akin na ang bayad sa pamasahe!" Sigaw ni Everest sa likod. Tumawa naman si Acevl at kumuha ng bente pesos at iniabot sa pinsan. Ngumingiti na ulit si Everest hindi gaya noong pasukan na dinaig pa ang yelo sa sobrang lamig ng pakikitungo niya sa amin.

Maya-maya pa ang simula ng klase kaya nagawa pa akong ihatid ni Acevl sa room ko sa fourth floor. Walang elevator kaya tanging hagdan ang gamit namin. Dinaig ko pa ang nag exercise nang makatungtong ako sa room. Natatandaan ko noong first day of school, maling building ang napuntahan namin. Grabe ang sakit ng mga binti ko para akong umakyat sa isang napakataas na building gamit hagdan. Wala na ring oras noon kaya tinatakbo namin ang bawat baitang. Kung hindi pa namin nakasabay ang adviser ko baka lalo kaming naligaw. Hindi naman siya sanay sa pasikot-sikot ng school na ito dahil hindi siya gaya ni Everest na halos mag building hoping tuwing recess.

"Hi, anong pangalan mo?"

"Hoy, ikaw ang kaklase ko noong grade 8, right?"

"Omy sis! Napakaganda mo! For sure, maraming mahuhulog sa iyo..."

Hindi ko na pinakinggan ang mga bati nila sa isa't isa. Halos isang linggo kaming pumapasok pero hindi pa rin kami close. Si Kaiara lang ang tanging kakilala ko rito at siya lamang ang kadaldalan ko.

"Sis, you're so gorgeous! Parang hindi ka stress sa Gen. Math!" Napatingin ako sa bakla na lumapit sa akin. May liptint ang kaniyang labi at may hairclips sa magkabilang gilid. Maayos ang kilay at make-up na make-up.

"Hindi naman talaga," mayabang na sabi ko sa kaniya at ngumisi. Pumalakpak naman siya at tumawa.

"Ay wow! Ikaw na, sis! Ikaw na! Gabriella nga pala." Pakilala niya.

"Valerie," sambit ko. Nilingon niya si Kaiara na tahimik lang na nakamasid sa bintana.

"She's Kaiara."

Umupo kami nang maayos dahil pumasok na ang teacher namin. Nag discussion lamang siya at nagpa-quiz saglit. Sa mga sumunod na teacher ay may ilang activity kaming ginawa na hindi naman sobrang hirap pero kita kong halos masira ang calcu ng iba.

"Gutom na ako kaso 30 minutes lang ang break natin. Nasa first floor pa ang canteen. Nakakatamad bumama," tamad na sabi ko at pinulot ang nahulog na ballpen.

Nasa labas ang mga kaklase ko at iilan lang kaming naiwan dito sa room. Biglang nagtilian ang mga kaklase ko kaya kumunot ang noo ko at sumilip sa labas. Parang kinikilig pa ang iba na ewan at nangunguna ang matinis na boses ni Gabriella. His real name is Gabriel.

BATANGUEÑO SERIES 1: LOVING THAT DIAMONDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon