Kabanata 23

13 1 0
                                    

Matapos ang 40 days ni Lola ay nag-alisan na ang mga kapatid ni Papà. Gustuhin man nilang manatili pa pero hindi na nila magagawa dahil maraming trabaho ang naghihintay sa kanila.

Matapos linisin ang buong bahay ay nagsimula nang mag impake si Remi ng mga gamit niya. Gusto niyang manatili dito pero hindi niya magawa dahil kailangan niyang sumunod sa parents niya. Hindi ko batid kung alam ng mga Mateo ang tungkol sa pag-alis ni Remi. As far as I know, after Lola's death, Remi and Everest lost communication with each other.

Gustuhin mang kausapin ni Everest ay ayaw naman ni Remi. Base lamang iyan sa sinabi sa akin ni Ronin noong nakaraang araw. Bumibili ako noon ng paminta at tasty sakto naman na naroon rin si Ronin.

"Kumusta raw si Remi sabi ni Everest," aniya at kinuha ang sukli. Ibinigay ko naman sa tindera ang listahan ng binibili at bayad.

"Huh? Wala ba silang cellphone para mag-usap?" takang tanong ko. Kumunot ang noo ni Ronin.

"Hindi mo ba alam? Nagkaroon ata ng away ang dalawa tapos may problema pa si Remi kaya lalong lumala. Noong moving-up pa natin nangyari iyon. Pansin mo ba na hindi man lang nabati ni Everest sa personal si Remi?"

Kinuha ko ang binili at sukli bago naglakad. Sumabay naman sa akin si Ronin.

"Hindi ko pansin. Sabihin mo na lamang kay Everest na maayos si Remi."

Iyon na ang huli naming pag-uusap sa personal. Si Acevl ay hanggang sa internet lamang din. Hindi ako makalabas sa bahay dahil laging nagtatanong si Papà. But still, kulang pa din ang impormasyon ko. Gusto kong malaman kung sinong ex ang sinasabi nina Tito at kung bakit galit na galit si Papà tuwing babanggitin iyon.

"Dadalhin mo lahat iyan? 'Di ka man lang mag-iiwan ng damit mo rito?" tanong ko kay Remi habang nakatingin sa dalawang malaking maleta. Umiling naman siya sa akin.

"We'll stay there for good. I guess, see you when I see you na lang," malungkot na sabi niya.

Isinarado niya ang pinto ng kwarto niya sabay abot sa akin ang susi. Napatitig ako sa bagay na iyon. This is not mine. Sinundan ko si Remi hanggang sa paglabas niya. Nakaabang ang SUV nila at naghihintay na doon sina Tita. Lumingon muna sa akin si Remi at ngiti ng matamis bago pumasok sa kotse nila.

Pinanood kong umalis ito at hinabol ng tingin hanggang sa lumiko sila at maglaho sa paningin ko. Dahan-dahan akong napatingin kay Papà na nakatitig sa garden ni Lola.

Kaming tatlo na lamang ang narito. Wala na akong kasama, wala na ang pinsan kong kasundo ko sa lahat ng bagay.

"Pa... gusto ko rito mag senior high."

Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para sabihin iyon sa kaniya. Nitong nakaraang araw ay lagi niya akong sinasabihan na mag impake na ng mga gamit ko dahil babalik na kami sa Maynila. Hindi ako pumayag sa ideyang iyon. I can live here... alone. May caretaker na kinuha si Papà para rito sa bahay.

Nagsalubong ang kilay ni Papà nang marinig ang sinabi ko. Alam kong hindi siya papayag. Huling beses ko na itong ipipilit. Lumapit si Mamà sa amin.

"Pumayag ka na, Elias. Besides, dito naman ang lugar kung saan mag sho-shoot ng panibago kong tv series. Magagabayan ko siya. I have my assistants para tingnan siya." Napangiti ako sa sinabi ni Mama. Bumaling siya ng tingin sa akin at ngumiti, "where do you want to study, hija? Lian Institute? Lian SHS? Saint Claire Academy? Saint Anne Academy?"

Laglag ang panga ko nang banggitin ni Mamà ang ilan sa mga school sa Lian na may Senior High. Umiling ako sa kaniya.

"Ma! Sa balayan ako papasok!" Reklamo ko. Tumawa naman siya sa akin.

BATANGUEÑO SERIES 1: LOVING THAT DIAMONDजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें