Kabanata 16

15 0 0
                                    

"Bakit kaya hindi na masarap ang buko juice sa canteen? Para namang tubig na nilagyan lang kaunting buko!" Reklamo ni Delaney at patuloy pa rin sa pag-inom ng buko juice. Kaninang recess pa 'to pero ngayon niya lang ininom kung kailan malapit na mag-uwian.

"Itapon mo na lang! Puro ka reklamo, ang sakit sa tainga!" tawa ko pa.

"Oo nga pala. Manonood ka ng cheerdance? Ngayon ata ang presentation nila kasi Exam na next week, e. Tapos practice na ng moving up! Tara, takas tayo sa shoot?" Tinarayan ko si Delaney.

"Porke patay na character mo, e!" Ngumisi siya sa akin. Maya-maya pa ay tumayo siya para pumunta sa unahan at kunin ang cellphone niya. Nakipag-agawan pa siya sa mga kaklase naming lalaki na may hawak nito at mukhang tuwang-tuwa ang mga iyon sa pinapanood. Napailing na lang ako nang murahin sila ni Delaney isa-isa. I can't believe na naging kaibigan ko ito!

"Oy! Valerie, may naghahanap sa iyo!" Sigaw ng isa kong kaklase. Wala naman kaming teacher ngayon sa MAPEH dahil judge ito sa cheerdance. She invited us to watch pero nanatili lang kami sa room. Ayaw naming makipag siksikan doon.

Tamad kong hinarap ang tao ngunit napaayos ako ng tayo nang makilala ko kung sino ito. Bumilis agad ang pintig ng puso ko. Calm down, stupid heart, calm down.

"Hi! Tapos na sayaw ninyo?" Ngiting tanong ko kay Acevl. He's wearing black v-neck shirt and pants. Maybe, costume. Mayroon din siyang panyo na kulay pula na nakatali sa ulo.  Umiling naman siya sa akin.

"Hindi pa. Halos kadarating ko lang baka mamayang 1 pa ang simula. Manonood ka ba?"

"Last shoot na namin mamaya sa Noli Me Tangere. I think, hindi." Tumitig muli ako sa kaniya. I can't smell his juicy cologne!

"Hindi ka ba nag lagay ng perfume?" tanong ko sabay tabingi ng ulo. Nanlaki naman ang mata niya sabay amoy sa sariling damit. Nag kibit-balikat siya.

"Wait there!"

Mabilis akong pumunta sa upuan ko para kunin ang cologne na gaya ng kaniya at ibinigay ko sa kaniya. Tumaas naman ang kilay niya sa akin na parang nagtatanong kung para saan iyon.

"Maglagay ka! I hate it when you forgot to put some perfume!" Tumawa siya at ibinalik sa akin ang pabango.

"Ikaw maglagay." Kumunot ang noo ko at binuksan ang pabango. Bago ko ilagay ay may naisip akong kalokohan.

"Pusang gala! Hoy teka lang! Huwag mong gawing holy water yan!" Sunod-sunod na sabi niya habang umiiwas sa bawat patak. Ginaya ko ang pari kapag nagbabasbas ng tubig sa simbahan. Tawa ako nang tawa hanggang sa tumigil. Lumapit naman si Acevl sabay agaw ng pabango.

"Ano ba, Acevl! Shuta!" Nagtago agad ako sa likod ng isa kong kaklase para hindi mabasa bago ngumisi kay Acevl na tumatawa sa akin.

"Hindi kita mabibilhan ng lunch mamaya. Ito oh." May kinuha siya sa bag niya at inilabas ang isang lalagyan na may logo ng Jollibee. Pagkakuha ko nito ay hinampas ko naman siya gamit ang isang kamay.

"Gumastos ka na naman? Gosh! Babayaran ko ito!" Matagal ko nang sinabi sa kaniya na ayaw kong gumagastos siya sa akin. May pera naman ako pero mas pinilili pa niyang gastusin ang pera niya. Tita Avery would be mad.

"Anong bayad? Libre 'yan! Hindi kita masasamahan mamaya!"

"Pero-"

Hindi ko natapos ang sinasabi dahil tinalikuran niya agad ako at naglakad palayo habang kumakaway. Mula nang mag shoot kami ay lagi ko siyang kasama. Kapag naman may practice sila ay sinisigurado niyang kaparehas ito ng lugar kung saan kami mag shoshoot.

Pati nga mga kaklase niya nalilito na kung anong mayroon sa aming dalawa. Ano nga ba? Wala. Friends, that's all! Hindi ko pa rin maiwasan mag selos tuwing makikita kong kasama niya si Blanché. Recess man o uwian, lagi itong nakasunod sa kaniya kapag wala raw itong sundo. God! Pwede naman siyang mamasahe dahil sa Milflores lang ang bahay niya!

BATANGUEÑO SERIES 1: LOVING THAT DIAMONDWhere stories live. Discover now